30. Sana Dalawa ang Puso Ko

1K 32 8
                                    

Wag ng magmaang-mangan pa… umieching ka aaaaahhh. Dahil na ka lie detector ka, huling-huli kaaaaaaa.

Boooom!

     Lights flashing… tas biglang naging malinaw na lahat… si Barbie… ang nakaupo sa ‘hot seat’ sa Don’t Lie to Me segment ng Showbiz Central…

Sweet:  Ayaaaaan. Kamusta naman kayo jan, mga Kapuso?

Audience: woooooooooooooooo!

Sweet:  ayan. ayos talaga eh no… tinanong kung maayos, ‘wooooo’(with feelings) ang sagot!

Aud:     hahahahahahaha!

Sweet:  anyway… welcome sa isa nanaman pong makapagdamdaming heart-to-heart talk with your host, the one and only… John Lapus, that’s me… Sweet… at ang ating letter sender ay si Barbie Monasterio…

Barbie:  hi po… (medyo malungkot)

Sweet:  Oh, iha… cheer up… wala pa nga tayong pinag-uusapan naiiyak ka na?

Barbie:  kasi po… (sniff*sniff)… madrama po talaga tong ikwekwento ko eh…

Sweet:  tissue niya nga jan… pahingi ng tissue…

May nagbigay ng tissue from the staff.

Sweet:  oh… eto oh iha…

Ayan… kinuha ni Barbie at kunyaring nagpupunas ng luha.

Sweet:  ay may guest din pala tayo… si Inspector Miranda. Ano pong ginagawa niyo dito?

Inspector: para po sa lie detector test… ako po ang magiinterpret…

Sweet:  anong lie detector? (tumingin sa screen) Ay oo nga! Don’t Lie to Me eto!

At hinampas niya ng slight si Barbie na tumatawa na din with the audience.

Sweet:  Eto naman kasing si Barbie… sumakay sa sinabi ko kanina… pero isa po talaga yun sa mga pangarap ko eh. Ang magkaroon ng heart-to-heart talk show… madrama lang tayo eh no? nagpaparinig lang sa mga boss natin…

At tumawa na ulit ang mga audience.

Barbie:  baka po masira yung momen pag madrama… magstay na lang po kayo sa comedy…

Sweet:  Ay ganun? Kaloka… sinira na ni Barbie ang mga pangarap ko!!! (with feelings ulit… with matching pagluhod pa)

Barbie:  Sorry ka na lang… BWAHAHAHAHAHA…

Nagtawanan naman ulit ang audience…

Sweet:  Ayan! kaloka talaga tong si Barbie… mapadrama… mapakonrabida… game na game… Siyempre… ang sasalang sa ating lie detector ay si Barbie Monasterio… hello Barbie!

Barbie:  Hi po! Hello po sa inyong lahat!

More cheers from the audience.

Sweet:  andaming fans lang ng babaeng ito… kaloka! Anyway… agad-agad magsisimula na tayo. simple lang tayo dito. Bawal ang komplikado masyado nakakastress… ang stress, nakakapagpatanda…. So be happy lang tayo para maging kasing ganda ni Barbie. So Barbie, hintayin mo lang ang Don’t Lie to me bago ka magsabi ng Yes or No. kuha?

Barbie:  opo…

Sweet:  unang tanong.

Lights effects…

Sweet:  Barbie… isang matinding ice breaker… last year lang… bago matapos ang taon… may lumabas na bali-balita na… may hinalikan daw ang kuya mo, ang napakagwapong si Derrick Monasterio... pero pinaliwanag niya… na isa yung ‘complete misunderstanding’… aksidente lang daw ito… at mukang tinanggap naman positively ito ng kanyang fans… sa pagkakaalam ko nga ay may loveteam na ang dalwa… ang tanong... boto ka ba sa girl na yun? Don’t lie to me… yes or no…

ILY: I (loathe!/like?/love?!) youWhere stories live. Discover now