39. Day 2

878 22 15
                                    

 LIVING ROOM, MONASTERIO’s ANCESTRAL HOUSE, 9:45pm

     Naghihintay sina Kris at Josh kay Yassi. Antagal naman kasi talaga nung babaeng yon.

     Nung dumating siya…

Josh:      (whispers to kris) Naku… lagot ka. Mukang wala sa mood si yassi.

Kris:        Ako pa ata ang magiging shock absorber nito

     Nang nakita ni Yassi na nagbubulungan ang dalawa…

Yassi:     josh… pwedeng iwanan mo muna kami?

     Emotionless yung sabi ni yassi. Pero may authorative tone pa din

Kris:        kung anong sasabihin mo sakin… sabihin mo na din kay Josh

     Sinubukang itago ni Kris yung feeling na natatakot siya.. syempre nga naman sino ba namang hindi matatakot dito kay Yassi? Itsura pa lang… parang makakapatay na eh.

Kung ngayon ako mamatay, mas mabuti ng may kadamay. Hehehehe

     Syempre nagets ito ni Josh. So tiningnan niya ng masama si Kris.

Yassi:     whatever. Choice mo yan eh.

     Sabi lang ni Yassi sabay upo sa couch.

      Sinundan lang siya ng tingin nina Kris at Josh, naghihintay ng sasabihin ni yassi.

Yassi:     I want you to be my boyfriend.

      After siguro 3 minutes… walang nagsalita… Hangang sa siniko ni josh si Kris.

Kris:        ANO?!

     Tipong nagbuffer?

Yassi:     (rolls eyes) 7 days lang naman eh. technically 6 or pwede ring 5 kasi sa last day papauwi na lang naman.

Kris:        Ayaw ko!

Yassi:     consider yourself lucky… binibigyan kita ng ganyang privilege!

Kris:        ANong privilege ka jan?! Una, hindi kita type! Atsaka… akala ko ba magka-away tayo? AT higit sa lahat… MAY GIRLFRIEND NA KO!

Yassi:     Asan ba yung girlfriend mo?

      Sabi lang ni Yassi na parang bored na bored sa usapan nila. Pagod na rin kasi siya at gusto na niyang magpahinga.

Kris:        hindi ibig sabihin na wala siya dito… eh maghahanap na ko ng iba!

Yassi:     I’m not asking you to cheat. All I need you to do… is to pretend.

Kris:        Ano?

     Yassi rolled her eyes. Sobrang labag naman kasi nito sa loob niya… kaso…

Yassi:     Nakilala niyo naman sina B1 at B2 no?

K & J:      B1 and B2?

     Di na sumagot si Yassi

Josh:      Yung Jude at Josef?

     Tumango lang si Yassi. At parang napaisip sina Josh at Kris.

Yassi:     Kasalanan ko ba kung sa sobrang ganda at bait ko, na-obsess na sakin yung dalawa?

Kris:        Pa-humble ka naman!

Yassi:     Whatever. Ang point kasi. Hindi ko mae-enjoy ang stay ko dito… kung nakapaligid sila. So Kailangan ko ng props.

ILY: I (loathe!/like?/love?!) youWhere stories live. Discover now