Chapter 5: Umasa Na Naman Ako

1K 33 9
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon dahil anim na araw na ang nakalipas simula nung tulungan ko si Chance sa monthsarry nila ni Laura. Tuwang-yuwa nun si Laura sa pagkakatanda ko. Engot kasi nitong si Chance kasi naisipang magkaroon ng mascot na Cupid at syempre ang mascot ay walang iba kung hindi si ako.

Hindi ko naman maiwasang hindi isipin ang kasweetan nilang dalawa. Grabe! Nakakasakit. Mukhang malabo na maging kami pa. Siguro hindi talaga kami meant to be. Kumbaga, kung mayroon mang Girlfriend List na kung saan nandoon lahat ng pwedeng maging girlfriend ni Chance ay wala ako doon dahil nasa Bestfriend List ako.

"Ang gwapo ko talaga."

Nabalik naman ako sa realidad nung narinig ko iyon. Aba't parang lumalakas ang simoy ng hangin?

"Ang gwapo ko naman talaga. Sa sobrang gwapo ko, nakakainis na."

Aba! Nahiya pa ang mokong at kinabwisitan ang pagkapogi niya.

Teka...... Rewind.....

AHA!

"Walang hiya ka, Chance." Sabi ko at binato ko siya ng mga bagay na makita ko. Mostly ay mga bato.

Nakakailag naman ang mokong kasi pinangsasagi niya ang braso niya. Nung sa wakas ay napagod ako ay tumigil na ako.

"Hala ka, Fate! May sugat ako!" Sabi niya at pinakita sakin ang sugat.

Ako ang may gawa niyan? Hala! Ang laki at nagdudugo pa! Hala ka nga, Fate!

"Halika dadalhin kita sa infirmary." Sabi ko at umabang aalis na kaso hinawakan niya ang pulsuhan ko na agad namang ikinabilis ng tibok ng puso ko...

Mukha namang manhid si Chance kaya hindi niya ito napansin...

"Huwag na. Hindi naman ako mamamatay kung hindi ito magagamot." Sabi niya at pinaupo ulit ako sa tabi niya.

"Si Laura?"

"Saan?" Tanong niya at lumingon-lingon pa. Binatukan ko na.

"Joke lang naman. Nasa bahay nila. Ewan ko kung bakit siya umabsent." May bahid ng pagkalungkot si Chance nung sinabi niya iyon.

"Malungkot ka?" Tanong ko.

Umiling siya at namulsa.

"Hindi daw. Bakit na naman?"

"Eh kasi pakiramdam ko nanlalamig na si Laura." Sabi niya.

Hindi ko maiwasan ang pagkatuwa ko dahil baka ito na ang matagal ko ng hinihintay. Baka ito na yung pagkakataong maging kami ni Chance.

"A-ano ka ba? 3 years na kayo tapos ngayon ka pa nag-iisip ng mga bagay na ganyan?" Sabi ko.

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now