Chapter 49: Seryoso Ako

878 21 1
                                    

Halos kulang na lang ay mahulog ako sa kama ko sa kakabalikwas-balikwas ko. Hindi ako makatulog.

Umupo ako sa kama ko at sinapo ang mukha ko ng dalawa kong kamay.

Tama ba ang ginawa ko? Yung ginawa kong pagtakbo kay Chance kanina? Hindi naman sa maarte ako or whatsoever, pero kasi sobra na yung sakit na naramadaman ko.

Sumulyap ako sa orasan sa tabi ko. 9:30. Tumayo ako at bumaba ng kwarto ko. Dumerecho ako sa kusina para sana uminom ng tubig. Patay na ang ilaw sa baba, tanging ang ilaw lang namin sa may porch sa labas ang bukas nang bigla akong makarinig ng ingay.

Napatingin ako sa taas para silipin kung nagising ba sila mama at papa... Hindi.naman kaya hinawi ko ang kurtina sa bintana na malapit lang sa front door namin.

Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Wala namang tao sa porch namin. Napatingin naman ako sa kusina dahil doon naman ako nakarinig ng ingay. Madali akong pumunta sa back door at sinilip kung may tao ba at laking gulat ko nang makita ko ang mukha ni Chance.

Binuksan ko ang back door namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Matabang kong tanong.

Pumungay ang mga mata ni Chance. Bakas sa mga mata niya na malungkot siya.

"S-sumama ka sakin sa playground, Ateng." Sabi niya.

"Anong gagawin natin doon?"

Pinilit kong maging kalmado habang kinakausap siya. Yun bang parang walang nangyari.

"Basta. Sumama ka lang." Matipid at madiin niyang sabi.

"Hindi pwede, Chance. Anong oras na oh?" Sabi ko sabay sulyap sa wall clock namin sa kusina. "Kung may sasabihin ka man, bukas na lang. Kung hindi importante ang sasabihin mo, huwag mo na akong istorbuhin." Sabi ko at aktong isasara na sana iyong pintuan kaso piniglan niya ako.

"Paano kung importante, Fate? Sasama ka ba sakin?" Tanong niya.

"Hindi pa rin kaya makakaalis ka na!" Sabi ko at aktong isasara ko na naman ang pinto nang bigla niya na naman akong pigilan. Nabwisit tuloy ako. "Chance, ano ba! Hindi mo ba ako naiintindihan? Hindi nga pwede dahil gabi na atsaka tulog na sila mama, hindi ako makakapagpaalam." Galit kong utas.

"Please, Fate?" Malambing niyang sabi.

Tila parang bula ang galit ko. Bigla na lang nawala. Ano ba ito? Napaka-unfair! Kita ko sa mga mata niya na gustong-gusto niya ako sumama sa kanya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Sasama ako sa kanya para matapos na ang kahibangan niya. Ang pangungulit niya sakin. Nang sa ganun ay makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Sinarado ko ang back door namin, baka mamaya ay pasukin kami ng magnanakaw dahil sa kapabayaan ko.

Ilang minuto rin ang lalakarin bago makarating sa playground. Buong paglalakad namin ay binabalot kaming dalawa ng katahimikan. Ayokong magsalita, siya rin yata. Ika nga nila, kung wala kang magnadang sasabihin, huwag ka na lang magsalita.

Bigla akong ginapangan ng kaba nung matanaw ko ang playground.

Dito sa playground, nangyari ang lahat ng sakit na nararamdaman at naramdaman ko. Dito una silang nagdate ni Laura na akala ko ay para sakin. Dito ko rin inamin sa kanya ang lihim kong pagtingin sa kanya.

"C-chance?" Tanong ko nung nasa playground na kami.

Tumingin siya sakin. Naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Ano ba talagang gagawin natin dito?"

Ngumiti siya at umupo dun sa telang nakalatag sa damuhan na nasa ilalim lang malaking puno ng ewan ko kung ano.

Tinapik-tapik niya ang tabi niya. Sumesenyas ang mokongbna maupo ako sa tabi niya. Naiilang ako nung pumunta ako sa tabi niya at umupo.

Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingala siya sa taas.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko kanina, Chance." Seryoso kong sabi at tumingin sa kanya.

"I want to date you, Fate." Sabi niya at tumingin sakin.

Naglalabanan kami ng titigan. At mukhang siya ang magwawagi.

"S-seryoso ka ba?" Natatawa kong sabi at umiwas ng tingin sa kanya. Medyo awkward ang pagkakatawa ko. Halata naman yata eh.

"I'm dead serious, Fate." Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko dahil sobrang lapit niya sakin. Natulak ko siya.

"C-chance?" Tawag ko.

Kita ko sa mga mata niya na seryoso nga siya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"At seryoso rin ako nung sinabi kong mahal kita." Sabi niya at muli ko na namang naramdaman ang malambot niyang labi na dumampi sa labi ko.










Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon