Chapter 25: Tama Na

918 24 0
                                    

Linggo ngayon. Nandito kami ngayon sa isang restaurant dahil family day namin.

"CR lang ako, ma, pa." Sabi ko.

Tumango lang naman si mama at papa.

Papunta pa lang ako sa CR ng babae ay may humatak na sakin. "Fate, samahan mo ako." Sambit ni Chance.

Tumingin ako sa table namin. Mabuti na lang at medyo malayo ito kaya hindi kami makikita. "Kasama ko sila mama, Chance, hindi pede." Sabi ko.

"Dali na, kahit saglit lang, nakita ko kasi si Laura eh." Tch. Laura na naman.

"H-huh? O-oh sige! Subukan ko kung makakatakas ako." Sabi ko at aktong babalik na sana ako sa table namin ng biglang magsalita si Chance.

"Huwag ka na magpaalam, Ateng." Sabi niya at hinatak na ako palabas ng restaurant. Hinahatak lang ako ni Chance.

"Chance, ano ba? Mapapagalitan ako nito eh." Sabi ko. Totoo naman kasi eh.

"Sandali lang naman ang hinihingi ko, Fate." Sabi niya. Para kaming shunga dito. Nagtatago sa likod ng isang stand.

"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" Tanong ko.

"Sinundan ko kayo." Sabi niya. Nasatisfy naman na ako sa sagot niya kaya tiningnan ko na kung saan manv siya nakatingin.

Si Laura may kasamang lalaki. Ito siguro yung sinasabi niyang si Phillip. Tiningnan ko naman si Chance. Namumuo na ang mga luha sa mata niya.

"Chance, halika na, alis na-"

"Nasaktan na naman ako, Ateng di ba? Bakit hindi ko pa lubus-lubusin?"

"Nasaktan ka nga pero ano? Buong buhay mo, sasaktan mo na lang ang sarili mo?"

Hindi siya sumagot. Binalik na lang ulit namin ni Chance ang tingin kay Laura.

Masaya si Laura'ng nakikipag-usap kay Phillip. Nakaramdam ako ng galit sa kanya. Sinungaling siya. Ang sabi niya mahal niya si Chance pero bakit parang masaya siya kay Phillip?

"Natutuwa ako dahil masaya siya pero ang sakit lang, tangina, kasi masaya siya at alam kong hindi ako ang dahilan nun." Sabi ni Chance. Nakita kong tumulo ang luha niya. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya kaya mas pinili kong manahimik na lang.

"Pilit kong sinasabi sa sarili ko na huwag na siyang mahalin pero wala eh, hindi nila kayang talunin ang puso ko na patuloy na minamahal si Laura." Sabi niya.

Ang sakit. Ang sakit marinig mula sa kanya na kahit nasaktan na siya ni Laura ay ito pa rin ang mahal na mahal niya. Tumingin ulit ako kina Laura. Hay! Ano kaya ang mayroon si Laura na wala sakin?

Tumingin ako sa katabi ko pero nawala na ito. Saan nagpunta yun?

Bumalik na lang ako sa restaurant. Tinanong nga ako nina mama kung ba't daw ang tagal ko, sabi ko na lang ay pila.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi naako grounded dahil nakabawi na naman na daw ako kahapon sa family lunch namin.

"Fate!" Tawag sakin ni Bonnie.

"Bakit?" Tanong ko.

"Si Chance!" Agad nagising ang sistema ko.

"Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.

"Sumama ka na lang. Halika na, dali!" At hinatak na ako ni Bonnie.

Nakarating kami ni Bonnie sa nagkukumpulang mga estudyante. Nakita ko si Chance na nakikipag-suntukan kay... PHILLIP?

"Chance!" Tawag ko sa kanya.

"Hayop ka!" Sigaw ni Chance at sinapak ulit si Phillip.

Hindi naman makalaban si Phillip dahil nakapatong sa kanya si Chance. Pilit kong nilalayo si Chance kay Phillip pero tinulak niya lang ako. Napaupo tuloy ako sa sahig. Ang sakit ng pwet ko. Huhu.

"Fate!" Tinulungan ako ni Bonnie na tumayo. Sakto namang dumating si Laura kaya tinulak niya si Chance.

"Chance! Anong ginagawa mo kay Phillip?!" Galit na sigaw ni Laura kay Chance.

Mukhang nanghina si Chance kaya nabitawan niya si Phillip. Tinayo naman ni Laura si Phillip. Putok ang labi nito at gulong-gulo ang buhok.

"Laura." Malambing na tawag ni Chance.

"Tumigil ka na nga, Chance! Hindi ako bumalik dito para sayo. Bumalik ako dito para sa pag-aaral ko." Sabi ni Laura at umalis na kasama si Phillip. Napaluhod naman si Chance. Ang dami pa rin ng tao. Bakit walang mga prof. and teachers?

"Anong tinutunga-tunganga niyo, huh?" Mataray na untag ni Bonnie sa mga estudyanteng nakapalibot samin. Umalis naman sila. Natakot siguro kay Bonnie kahit naman siguro ako eh.

Pinuntahan ko naman si Chance. "Aneng." Tawag ko sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"Ang sakit talaga! Pinamukha niya sakin at sa harap ng maraming tao na hindi na niya ako mahal." Sabi ni Chance at tumayo.

Hinwakan ko ang braso niya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko. Binawi niya ang braso niya bago magsalita.

"Iwan mo muna ako, Ateng. Gusto kong mag-isa." Sabi niya. Pinanood ko siyang umalis.

Hinawakan ni Bonnie ang balikat ko.

"Fate," Tawag niya sakin. Hinarap ko siya na may kasamang luha ang mga mata ko.

"Nag-iba na si Chance, Bonnie. Nag-iba na siya dahil sa isang babae na sinaktan siya." Sabi ko.

"Tama na, Fate." Sabi niya.

"Sinasabi ko din yan sa sarili ko, Bonnie, pero anong magagawa ko? Kailangan niya ako lalo na ngayong wasak na wasak siya." Sabi ko.

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now