Chapter 28: Bravo!

961 25 1
                                    

Sabado ngayon. Kinwento ko kay Bonnie ang nangyari. Ikinatuwa niya ang pangyayari samin ni Scotty pero iyong kay Chance ay hindi.

Wala akong magawa kaya napagpasyahan kong lumabas ng bahay. Napadaan nga ako sa bahay nila Chance eh. Wala ang kotse niya. Mmm. Saan kaya nagpunta iyon?

Habang naglalakad ako ay may pumunta saking isang aso. Ang cute cute niya! Golden Retriever siya!

"Hello." Tumahol siya.

Tinap ko ng ulo niya. "Bravo!" Nagulat ako dun sa sumigaw kaya napaangat ng ulo ko.

"Oh?"

"Ikaw?"

"Hahaha... Ako nga!" Sabi niya at sinabitan ng tali sa collar yung Golden Retriever.

"Bravo. Stay." Pagkasabi ni Scotty nun ay umupo si Bravo at nandun lang.

Wow! Trained dog pa! Gusto ko na tuloy ng aso.

"Sayoyan?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yup!"

Tumingin siya sa paligid. "Ikaw lang ba ang mag-isa? Hindi mo kasama yung-"

"Hindi."

"Ano mo ba siya?"

"Bestfriend."

"I didn't know na ganun magselos ang isang bestfriend. To the point na kailangan kaniyang hatakin sa pag-uusap natin." Sabi niya.

"Ah hehe." Yan na lang ang sabi ko.

Nagaya si Scotty na magmall daw kami. Naisip ko na wala naman akong gagawin sa bahay kaya sasama na lang ako. Umuwi ako nang bahay para magpalit. Ganun din si Scotty at para rin mauwi na niya si Bravo. Hahaha! Ng cute talaga ng pangalan ng aso niya. Bravo.

Ang usapan namin ay sa guard house ng subdivision namin kami magkikita pero nagulat na lang ako nang paglabas ko sa gate namin ay may Black Porsche sa harapan ko.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko.

"Nalaman ko sa guardhouse." Naangiti niyang sabi.

Sumakay na kami parehas sa kotse niya. Malinis at maayos. Kung hindi lang lalaki kung umasta at hindi hinahabol ng mga babae itong si Scotty ay iisipin kong tiklop siya dahil sa ayos niya sa mga bagay. Pero, looks can deceive you, am I right?

"Hindi ako bakla. Malinis lang talaga ako sa katawan." Sabi niya.

Tinanong ko kasi siya eh. Nung una ay tumawa ang siya ng tumawa pero ngayon ay sinagot na niya ang tanong ko.

"Gusto mo ba ngpatunay?" Tumingin ako sa kanya. Nakangisi ang mokong.

Hindi ako sumagot. Hanggang sa makarating kami sa mall ay hindi ako nagsalita.

"Anong gusto mong gawin natin?" Tanong ni Scotty. Ano daw? Gustong gawin? Namin? Putcha!

"H-huh? U-uhm... Ano... Uhm..."

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now