Chapter 18: Mahirap Mawala Ang Nakatatak

897 22 1
                                    

Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas simula nung mamatay si Margo. Nakauwi na din kami sa Manila. May tatlong linggo pa kami ni Chance para magbakasyon. Ang daming nangyari nung first month of summer vacation. May iba na happy, yung iba torture at yung iba malungkot.

Pero after three weeks, college na ako. Excited? No. Hindi naman ako naeexcite sa mga first day of schools eh. Kung magiging kami ni Chance, baka dun maexcite pa ako. Haha!

Speaking of Chance, ngayon sila mag-uusap ni Laura. Pinaghandaan yun ni Aneng dahil bumili pa siya ng promise ring. Oh di ba? Syempre, ako ang naghanda at concept ko din yun.

"Ma, diyan lang ako sa may veranda natin sa harapan." Sabi ko.

Tumango lang si mama at binalik ulit ang tingin sa pinapanood niya. Wala pa naman si papa dahil nasa trabaho pa.

Lumabas na ako at naupo sa hagdan ng veranda sa harapan.

Tinitingnan ko ang mga taong dumadaan sa sidewalks.

Nagulat naman ako nung may tumabi sakin. Tumingin ako sa gilid ko at nakita si Aneng.

"So how's the date?" Tanong ko.

"It's over." Sabi niya.

Anong 'over'?

"Huh?"

"Wala na kami. Tapos na. Kumbaga sa sentence, period. Kumbaga sa storya, the end."

Wala na sila ni Laura? Like for real? Totoo ba ito?

Aaminin ko, masaya akong nalalaman ko na wala na si Chance at ang babaeng karibal ko sa puso, pagmamahal at atensyon niya pero syempre, malungkot din ako dahil alam kong masakit para sa bestfriend ko yun dahil mahal na mahal niya si Laura.

Hindi ako makapagsalita dahil first of all hindi ko alam ang dapat sabihin.

Nagulat na lang ako nung bigla na lang akong yakapin ni Chance.

Narinig ko ang paghikbi niya. "F-fate, sabi n-niya, may mahal na siyang iba. Na hindi na niya ako mahal." Sabi niya at humikbi ng humikbi.

Niyakap ko lang siya at hinaplos ang kanyang likod.

"A-ateng, ang sakit. S-sobra. Tagos sa b-buto." Umiiyak siya nung sinasabi niya yan.

"Ganyan talaga, bes. Sobra mo kasing minahal eh. Kaya sobra din ang sakit kapag nawala siya." Sabi ko.

Masyado niya talagang mahal si Laura. Biruin niyo, iniyakan siya ng bestfriend ko.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi nasasaktan ang bestfriend ko at nasasaktan ako dahil ako ang iniiyakan niya dahil nasaktan siya ng girlfriend niya.

Grabe ang sakit.

"Aneng, iiyak mo lang. Baka sakaling mawala." Sabi ko.

Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga luha sa mata niya.

"Mahirap mawala ang nakatatak na, Ateng." Sabi niya.

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now