Chapter 51: Yes!

836 19 3
                                    

Halos manginig ako dahil sa sinabi ni Chance. Magiging kami? Waaaaaaah! Siete na malagkit!

Tumigil sa pagmamaneho si Chance sa tapat ng isang restaurant na walang tao. Ano ba ito? Bakit wala silang customer? Ano yun? Kami lang ang nandito?

"Pinareserve ko para sating dalawa."

Katabi ko na pala si Chance. Napatingin ako sa braso niyang may butas. "Tara na?" Sabay alok niya dun sa braso. Lumunok ako at nilusot dun ang kamay ko.

"Pinareserve? Paano?" Tanong ko.

"Tita ko ang may-ari nito kaya madali kong napareserve." Sabi niya.

Nasatisfy ako sa sagot niya kaya tumikhim ako.

Maganda ang ambiance sa loob ng restaurant. Dahil nga ba sa restaurant o dahil kasama ko si Chance ngayon?

Umupo kami ni Chance at sinerve samin ang appetizers.

"Chance, isn't this too much? Kilala mo naman ako,e. Kahit street foods, okay lang..." Sabi ko.

Medyo magarbo kasi ito. Hindi ako sanay.

"This isn't too much... Kulang pa nga ito, Fate..." Sabi niya.

"No, Chance. Sobra na ito. Para sa'yo siguro, pero para sakin, sobra ito."

Totoo naman kasi. Pwede naman kasing sa kalye na lang kami kumain. O kaya huwag na magdate, basta magkasama kami, ayus na sakin yun.

"Handa akong magbigay ng sobra kaysa kaunti, Fate." Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi niya.

Natahimik ako dahil sa sinerve na samin ang main course.

Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan si Chance habang kumakain. Masaya niyang nilalantakan at hinihiwa ang steak sa harap niya. Napapangiti ako sa pagtitig sa kanya.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya.

Mayroon siyang amos sa may bibig kaya kumuha ako ng tissue at pinunasan iyon. Nagulat naman ako nung hawakan niya ang kamay kong may hawak na tissue.

"M-may amos ka kasi." Naiilang kong utas nung hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

Ngumiti siya tsaka binitawan ang kamay ko. AYYY?

"Did you like the food?" Tanong niya nung matapos namin ang main course at dessert. Kanina pa kami nagkukwentuhan ngayon niya lang binago.

Tumango ako. "Sobra!" Bulalas ko.

Bigla namang may tatlong lalaki na lumabas kung saan at may dalang violin habang tinutugtog iyon. Isang tugtugin na masarap at nakakakilig pakinggan.

Nagulat ako nung tumayo si Chance. Pumunta siya sa gilid ko at nilahad ang isang kamay.

Tumingin ako dun sa kamay niya at sa kanya.

"A-ano-"

"Asking you for a dance." Sabi ni Chance.

Nanginginig ang kamay ko nung kinuha ko ang kanya.

Pumunta kami dun sa dancefloor at sumayaw kasabay ng tugtugin ng mga violin.

Nilagay niya ang dalawang kamay sa beywang ko. Nung una naiilang pa akong ipulupot ang mga braso ko sa leeg niya pero nawala iyon nung nginitian niya ako. Ang gwapo talaga ni Chance. Kahit anong isuot niya ay babagay at babagay sa kanya.

Matangkad ako, pero mas matangkad si Chance. Imbes na mukha niya ang kapantay ko ay yung ilong niyang matangos.

Tumingala ako. Nakatingin siya sakin.

"Chance," Tawag ko. "Huwag mo ulit akong sasaktan..." Sabi ko. "...please?"

Hinalikan niya ako sa noo. Sunod niyang pulinuntirya ng halik ay ang ilong ko. Nawala ang dalawang kamay niya sa beywang ko at napunta sa magkabila kong pisngi. Tinuon niya ang noo niya sa noo ko.

"Hindi na kita sasaktan ulit, Fate... Hinding-hindi na... Dahil kung sasaktan kita ulit, parang sinaktan ko na rin ang sarili ko." Sabi niya at dumampi ang mga labi sa labi ko.

Ramdam ko ang pagmamahal sakin ni Chance dahil sa halik niya. Mahal na mahal niya ako. At ganun ko rin siya kamahal. Ayoko na yatang umalis sa pwesto ko at gusto kong itigil ang oras.

"Will you be my girlfriend?" Tanong niya nung kumalas ang labi niya sa labi ko. 

Ngumiti ako habang nakapikit pa rin. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nasaktan niya ulit ako.

"Yes!"

Nung idilat ko ang mga mata ko ay may malapad na ngiti sa mukha si Chance kasabay ng pagtatalon niya at sa pagyuyugyog sa mga tumutugtog ng violin na nanonood samin.

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now