Chapter 53: Hiningi O Sinabi

813 20 2
                                    

"Fate? Di ka pa ba uuwi?" Tanong ni Peter at tumabi sakin sa bleachers na kaharap lang ng parking lot at gate ng Partridge.

Tumingin ako sa kanya at nginitian siya. "Hinihintay ko pa si Chance, e." Sabi ko.

Tumango siya. "Sige, alis na ako... Walang kasama yung kapatid ko sa bahay, eh." Sabi niya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Ilang minuto rin akong naghintay kay Chance hanggang sa madatnan ako ni Bonnie. 

"Fate? Hindi ka pa umuuwi? Anong oras na, ah? Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Bonnie at tumabi rin sakin. 

Umiling ako. "Hinihintay ko si Chance. Sabi niya kasi sabay kaming uuwi." Sabi ko.

Tatlong linggo na kami ni Chance at nalalapit na rin ang aming monthsary. Nakakatuwa nga dahil napapangiti talaga ako sa tuwing maaalala ko na malapit na ang monthsary namin ni Chance.

"Ganun ba? Oh sige, ingat ka, huh? Alis na ako. Bye." Sabi ni Bonnie at sumakay na sa kotseng sumusundo sa kanya.

Tatlong oras akong naghintay kay Chance hanggang sa nawalan na nang sasakyan ang parking lot. Napalunok ako at ramdam ko na ang mga luha sa mga gilid ng mata ko pero pilit ko itong pinipigilan.

Dadating si Chance. Nalate lang siya ng dating.

Naghintay pa ulit ako ng isang oras para hintayin siya kaso kailangan ko na talagang umalis dahil gumagabi na, nasita na ako ng guard na nakatoka sa gate ng Partridge at mukhang uulan pa.

Lumabas ako ng gate ng Partridge at saktong bumagsak ang ulan.

Nakarating ako sa waiting shed kung saan lagi akong naghihintay ng tricycle na medyo may kalayuan na rin sa Partridge.

At dahil sa ilaw ng poste na katabi nang shed ay naaninag ko ang isang kotseng pamilyar sakin. May tumakbong lalaki palapit dun at binuksan ang pintuan ng kotse pero natigilan siya nung yakapin siya ng isang babae.

Lumapit ako para marinig ang usapan nila dahil may kutob na ako.

"Mahal pa rin kita, Chance. At hindi nagbago yun."

Gusto kong magwala sa mga narinig ko lalo na sa pangalan na binanggit nung babae na alam kong si Laura pero hindi ko magawa. Parang unti-unting nawala at nalusaw ang lakas ko.

Nakita kong humarap si Chance kay Laura. Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga patak ng ulan kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.

"Laura." Banggit ni Chance sa pangalan ni Laura. Ang sakit.

Mas lalo akong nanginig at parang gumuho ang bawat piraso ng puso ko nung dumapo ang labi ni Chance sa labi ni Laura.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Sobra. Para akong tinutusok ng isang milyon at higit pa na mga karayom sa sobrang sakit. Akala ko okay na. Akala ko masaya na ako. Masaya na kami. Akala ko matutupad na ang mga pangarap ko. Pero akala lang yun. Akala na naman yun. Umasa na naman ako.

Tumingin ako sa direksyon nila. Nahuli kong nakatingin si Chance sakin nung kumalas siya sa halikan nila ni Laura. Lumingon rin si Laura sa gawi ko.

Mas lalo akong nahabag kaya tumakbo ako. Narinig ko ang pagtawag sakin ni Chance pero hindi na ako lumingon pa.

Napagod ako sa pagtakbo kaya naglakad na lang ako. Medyo tumitila na ang ulan pero nanglalagkit na ako dahil basa ang damit ko. Tulala ako habang naglalakad. Wala ako sa sarili ko ngayon.

Pakiramdam ko ang layu-layo pa ng bahay namin gayung nakalagpas na ako ng guard house. Well, medyo malayo naman talaga sa guard house ang bahay namin pero pakiramdam ko ang haba ng tatahakin ko.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Para akong paralisado. Walang nararamdaman. Manhid.

Biglang may humatak sakin sa braso.

"Fate." Banggit niya sa pangalan ko.

Binawi ko ang braso ko na hawak niya. Binitawan niya yun kaya napapikit ako.

"F-fate, I-i'm sorry." Sabi niya.

Nanatili lang ako ng nakapikit. Masakit. Sobrang sakit.

"Fate." Tawag niya. Dumilat ako. Umiiyak siya kaya agad napaltan ang sakit na nararamdaman ko ng galit ko para sa kanya.

PUTCHA! ANONG KARAPATAN NIYA PARA UMIYAK?

"F-"

"Tama na, Chance. Masakit na, e. Tagos na tagos na... Masakit na masakit na... Tama na... Ayoko na..." Pilit kong tinibayan ang loob ko para sabihin sa kanya ang mga salitang yan.

"I'm s-sorry." Patuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya. Ganun rin ang akin.

"Sorry? Sorry na naman, Chance?" Sabi ko at sarkastikong pinunasan ang mga luha ko. "Kahit anong sorry mo pa, hindi mahihilom niyan ang sugat na ginawa mo!" Medyo gumaralgal ang boses ko. "Bakit mo siya hinalikan, Chance? Mahal mo pa ba siya? Mahal mo pa ba si Laura?" Tanong ko.

Hinawakan niya ako sa mga braso ko.

"Hindi ko alam kung b-bakit ko siya hinalikan pero dahil sa halik na yun, nalaman ko, n-nalaman ko na ikaw na talaga ang m-mahal ko." Umiiyak siya nung sinasabi sakin ang mga yan.

Napapikit ako. Gusto kong maniwala pero ayokong umasa. Ayokong umasa kasi masakit. Sobra!

"Chance naman, e." Humahagulgol ako. "N-nangako ka na hindi mo na ako sasaktan, hindi ba? P-pero ano na naman itong ginawa mo?"

"I'm so so so s-sorry..." Sabi niya at umiling-iling kasabay ng pagpatak ng bawat luha niya.

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

"Sinabi ko lang naman sayo na mahal kita kasi hindi ko na kaya... Hindi ko naman hiningi o sinabi na suklian mo yun, Chance!" Sabi ko. "Sana... Sana hindi mo na lang nalaman na mahal mo ako, eh, di sana hindi ako nasasaktan ngayon." Sabi ko at tumakbo na palayo sa kanya.

Mahal ko si Chance. Pero nasaktan na ako ng sobra kaya suko na ako. Ayoko na. Tama nga si Bonnie. Dapat. Dapat nagtira ako para sa sarili ko, kung sana sinunod ko si Bonnie, hindi sana ganito kalala ang sakit na nararamdaman ko.

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now