Chapter 15: Ang Baho Ng Hininga Mo

1.2K 25 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nung makarating kami dito sa Cabezza kung saan dito nakatira ang Lola ko, ang mama ni papa. Dito rin nakatira ang anak ni Tita Beth, ang nakatatandang kapatid ni papa.

Si Lola ang nag-aalaga sa dalawa kong pinsan na si Marco at Margo dahil sa ibang bansa nagtatrabaho ang Tita Beth.

Namatay na kasi ang asawa ni Tita Beth dahil sa sakit sa puso.

Isang linggo ko na ring inaalagaan ang pinsan ko na si Margo dahil may sakit siyang Leukemia.

Si Margo ang naging diary ko tungkol sa mga saloobin ko na patungkol kay Chance. Alam niya ang lahat ng detalye tungkol sa pagkakagusto ko kay Chance.

Natutulog ngayon si Margo habang ako naman ay binabantayan siya. Wala rin naman akong gagawin dahil si Chance ay naglalaro ng basketball kasama si Marco.

Hindi ko rin namalayan na nakatulog na din pala ako. Nagising na lang ako nung maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko.

Dumilat ako at nakita ko si Chance.

Agad niya namang binawi ang kamay niya at tumayo habang ako ay sumusuka na ng silver dust. Haha! Joke lang.

"A-ah, Ateng, p-pwede bang gamitin ko muna yung shower mo sa kwarto?" Nauutal niyang tanong. Yieee! Kilig naman ako.

"B-bakit?" Kailangang umarte na parang bagong gising kahit gising na gising na ako dahil sa sobrang kilig.

"Eh kasi ginagamit ni Marco yung banyo namin sa kwarto eh." Sabi niya.

"Oh sige, pero gamitin mo yung green na tuwalya ha? Akin yung violet eh."

At ayun umalis na ang mokong.

Nagulat naman ako nung magsalita si Margo.

"Bilib talaga ako sayo, Fate."

"Bakit na naman?"

"Eh kasi hindi pa din nahahalata ni Chance ang pagtingin mo sa kanya." Medyo nahihirapan ng magsalita si Margo. Dahil siguro nanghihina na siya.

"Kaya naman kasi hindi niya nahahalata kasi manhid siya at may pinagkakaabalahan tulad ni Laura." Sabi ko.

"Hindi mo rin naman siya masisisi eh." Sabi niya.

"Huh?"

"Hindi mo siya masisisi kung bakit siya ganun kasi hindi niya alam na gusto siya ng bestfriend niya."

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now