Chapter 7: Dahil Gusto Ko

1K 32 2
                                    

Nandito kami ngayon sa isang boutique na pagmamay-ari ng Tita Tessie ko na kapatid ni papa. Pumipili kami ng masusuot sa prom.

"Ayan," Sabi ni Tita at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago dugtungan. "Konting kembot na lang at perfect na ang masterpiece ko."

Bahagya naman akong natawa sa reaksyon ni Tita Tessie. Humarap naman ako sa salamin. Bigla namang sumagi sa isip ko na, paano kaya kung wala hindi malabo masyado ang paningin ko? Paano kaya kung wala akong salamin na suot? Paano kaya kung singkinis at puti ako ni Laura? Magustuhan kaya ako ni Chance?

"Ang gwapo talaga ni Chance."

Nawindang naman ako sa pag-iisip nung narinig ko yun mula kay Tita Tessie at mama kaya agad akong napalingon mula sa salamin at nakita si Chance na kakalabas pa lamang ng fitting room.

Kasabay ko kasi siyang magsukat at mamili.

Napaawang ang bibig ko sa nakita ko.

Oo. Araw-araw kong nakikita si Chance pero iba ngayon eh. Mas gwapo ang dating. Lumapit siya sakin. Waaaah. Nararamdaman ko na ang silver dust na nasa lalamunan ko.

"Ay!" Tuwang-tuwa na pumapalakpak si Tita Tessie. "Mas bumongga ang masterpiece ko. Miski kailan talaga itong mga batang ito. Bagay na bagay." Dagdag nito.

Bagay? Kami ni Chance?

Ramdam ko ang pagpunta at pagakyat ng lahat ng dugo na dumadaloy sakin sa mukha ko nung sinabi iyon ni Tita Tessie. Kinikilig ako!

"Tita Tessie talaga oh!" Sabi ni Chance.

"Bakit?" Tanong ni Tita kay Chance.

"Hindi po kami bagay ni Fate." Sabi ni Chance at inakbayan pa ako. Mas lalo naman atang namula ang mukha ko. "May girlfriend na po ako at bestfriend ko lang po si Fate." Dagdag ni Chance.

Medyo nasaktan ako sa sinabi niya ha.

"Hindi ba, Fate?" Tanong naman sakin ni Chance.

"O-oo nga po, Tita Tess." Sabi ko.

Umirap na lang si Tita habang inaayos ang mga gown at tux na binili namin.

"Sige po, Ate Tess." Sabi ni mama at nakipagbeso kay Tita. "Mauna na kami ng mga bata." Dagdag ni mama.

"Oh sige, mag-iingat kayo ha? Kung may kailangan ng repair, sabihin niyo lang sakin." Sabi ni Tita Tessie.

Nagmano naman kami ni Chance kay Tita.

Sumakay kami sa kotse. Ako sa front seat tapos si mama ang nagdadrive at si Chance naman ay nasa likod. Si mama lang ang sumama samin dahil talagang nagpaoff siya sa trabaho dahil sabi niya sakin ay sasamahan niya ako sa pagbili ng damit na gagamitin ko sa prom. Si papa naman ay nasa trabaho.

Fate & ChanceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang