Chapter 45: Harang

851 18 3
                                    

"Kailan ka pa nakabalik, Peter?" Tanong ko habang pilit na binubuksan ang pakete ng creamer. Lintek nga eh! Ayaw magpabukas!

Kinuha niya yung pakete ng creamer sakin at binuksan yun. Kukuhanin ko na sana kaso siya na ang naglagay nito sa inorder kong kape.

"Noong isang araw pa. Susurpresahin ko nga sana kayo ni Chance kaso ako yata ang nasurpresa dahil sa pagbunggo mo sakin ng umiiyak." Tawa niya. "Bakit ka nga ba naiyak?" Tanong niya.

Ikukwento ko ba? Mmmm. Sa bagay, kailangan ko ng masasandalan ngayon. Si Peter naman kasi ang naging sandalan ko rin noon kaya bakit pa ako mahihiyang magsabi sa kanya, di ba? Ang concern ko na lang ngayon ay kapag umiyak ako at kung ang sasabihin ko ay ang buong pangyayari o yung nangyari lang kanina.

"U-umamin na kasi ako kay Chance."

Halos maibuga niya ang ininom niyang kape sa sinabi ko. Literally. Pero thank God kasi hindi sa mukha ko!

"Sorry!" Sabi niya at natarantang pinupunasan ang mesa namin.

Sorry...

Sorry...

Sorry...

UGH SHIT!

"U-umamin ka na? A-anong sabi ni Chance?" Tanong niya.

"Tinawag n-niya lang ako tapos tumakbo na ako." Nararamdaman at nakikita ko na nangingilid na ang mga luha ko sa mata.

"Huy! Fate! H-huwag kang iiyak dito, huh? Baka isipin nila nagbreak tayo. Hindi naman nila alam na hindi tayo eh. Huy! Fate!" Sabi ni Peter at lumilinga-linga pa sa mga katable namin.

Pinunasan ko ang luha ko at tumawa. Hahaha! Para na akong baliw!

Ilang minuto ring tumagal ang tawa ko. Nakatingin na nga sakin ang mga katable namin pero wala akong pakielam. Tumingin ako kay Peter. Nakatingin siya sakin. Malulungkot at naaawa ang mga titig niya.

Tumigil ako sa pagtawa. Diin ko ang mga labi ko para pigilan ang mga nagbabadyang mga luha. Tumingin ulit ako kay Peter. Malungkot na ngiti naman ang binibigay niya sakin.

"Sana pala nung una pa lang nagtayo na ako ng malaking harang para hindi na magtuloy yung nararamdaman ko." Sabi ko.

"Lahat ng bagay nalalagyan ng harang. Ang isang butas pwede mong tapalan. Ang isang sugat pwede mong takpan. Pero ang puso at nararamdaman mo, kahit kailan hindi yan pwede harangan. Nawawala pwede pa, pero yung pipigilan at haharangan? Mukhang malabo yata yun."

"Paano ba nawawala ang nararamdaman? Kung alam mo, please, sabihin mo sakin. Sabihin mo kasi gusto ko ng mawala ang nararamdaman ko para sa kanya para mawala na ang sakit na nararamdaman ko." May nakatakas na luha sa mga mata ko kaya pinunasan ko ito.

Umupo si Peter sa tabi ko at niyakap ako.

"Sorry, Fate. Hindi ko kasi alam kung paano eh." Tuluyan na akong lumuha.

Wala na naman ako sa sarili ko matapos yun. Dinala pala ako ni Peter sa bahay namin.

"Huwag ka na umiyak, Fate. Panget ka na nga eh! Papanget pa!" Sabi niya at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Pinalo ko siya sa braso.

"Gago!"

"Love you!" Halakhak niya.

Umiling na lang ako. "Gago ka talaga!" Untag ko.

Humahalakhak lang siya hanggang sa makapasok sa kotse niya.

Dumerecho ako sa kwarto ko nung makapasok ako sa bahay. Humiga ako sa kama ko. Nakatingin ako sa kisame nang pinilig ko ang ulo ko sa may kanan ko ay nakita ko ang dingding kung saan nandoon lahat ng picture namin ni Chance.

Tumayo ako at dahan-dahan na lumapit dun.

Dahan-dahan kong pinasadahan ang bawat litrato na nakalagay dun nang dumapo ang kamay ko sa isang parang notebook.

Ito yung scrapbook namin ni Chance.

Umupo ako sa malapit na upuan. Binuklat ko iyon at bumungad agad ang litrato namin nung mga bata pa lang kami.

Bawat paglipat ko ng pahina, natutuluan ng luha. Eto yung mga araw na masaya pa kami. Eto yung mga araw na kaming dalawa lang ang lagibg magkasama. Eto yung mga araw na hindi ko pa siya mahal at hindi pa komplikado ang lahat. Yung mga araw  na gusto kong balikan.

Ano nga bang nangyari satin, Chance? Yung iningatan nating ng ilang taon, nasira dahil sa pag-ibig. Pag-ibig mo kay Laura at pag-ibig ko sayo.

Sa huling pahina ng scrapbook, nakaakbay sakin si Chance na sobrang laki ng ngiti at ako naman ay nakaakbay rin sa kanya na sobrang laki rin ng ngiti.

Tiningnan ko ang nakasulat sa ibaba ng picture namin.

"Best Friends For Life." Yan ang nakasulat doon.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at diniin ko ang mga labi ko.

"I love you, bes." At rumagasa na naman ang mga luha ko.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon