Chapter 16: Kahit Minsan Lang

997 24 0
                                    

Mabilis na dumaan ang araw. Isang linggo na ang nakalipas simula nung magkadikit ang mukha namin ni Chance.

Lumalala naman na ang sakit ni Margo. Pinayuhan na namin siyang magpa-confine sa ospital pero ayaw niya. Wala naman daw kasing maitutulong ang ospital sa kalagayan niya, kung oras na niya, oras na niya, hindi na daw iyon mababago ng kahit na sino. Kung siya nga daw ay hindi mababago ito, yung iba pa kaya.

Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siya. Lunong-luno ang pinsan ko. Naaawa ako.

"Margo, ito na yung noodles na gusto mo." Sabi ko at inabot sa kanya.

Ngumiti lang siya. Namumutla na ang mga labi niya.

"S-salamat, Fate." Sabi niya. Rinig mo sa boses niya na nahihirapan na siya sa kalagayan niya.

"Marg, ayaw mo ba talagang sa ospital na lang?" Tanong ko.

Makulit na kung sa makulit, pero, PUTCHA NAMAN OH! Buhay na ng pinsan ko ang nakataya.

"Fate, ilang beses ko ba sasabihin na kung oras ko na, oras ko na. Kung ako, hindi ko kayang baguhin na mamamatay na ako, yung iba pa kaya?" Sabi niya.

See?

"Pero Marg, iba pa rin sa ospital, doon alam nila ang gagawin sayo." Sabi ko.

"My decision is final, Fate, ayaw ko sa ospital, and that's that." Sabi niya.

I took a deep sigh and held her hand.

"Promise me one thing, Marg."

"What?"

"You'll fight,"

"For-"

"Just promise me, alright?"

"Promise."

"Pinky swear?"

"Pinky swear."

Kaya ayun, nagkwentuhan na naman kami. Grabe! Kung sakaling mawawala itong si Margo, hindi ko alam ang gagawin ko. Pero syempre, think positive, hindi mawawala si Margo.

Bigla namang pumasok si Chance sa kwarto ni Margo. "Pahiram muna si Ateng, Margo ha?" Sabi ni Chance at hinigit ako palabas ng kwarto ni Margo.

"Saan ba tayo pupunta, Aneng?"

Yan ang paulit-ulit kong tanong sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. Naiinis ako. Naiinis ako kasi kinikilig ako kasi hawak ni Aneng ang kamay ko. Oh shit! Susuka na ako ng silver dust with matching rainbow pa.

Shit talaga!

Tumigil kami sa ilalim ng isang puno. Kung hindi ako nagkakamali, dito ang tambayan namin ni Aneng dito sa Cabezza.

Binitawan niya ang kamay ko. Ay! Sayang! Pwedeng hawakan mo uit? Haha!

"Ateng, ang ganda pa rin, no?" Sabi niya. Nakaupo na siya sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang dagat na hindi naman kalayuan samin. Maganda kasi ang view dito eh.

Nakatalikod siya sakin kaya umupo na ako sa tabi niya. "Oo nga eh." Sabi ko.

Nakatingin ako sa kanya nung tumingin siya sakin.

"Kasing ganda pa rin tulad nung mga bata pa lang tayo." Sabi niya.

Papalubog na ang araw kaya kita mo ito dahil nga sa di kalayuan ang dagat dito.

"Oo. Tulad ng dati." Sabi ko.

"Fate," Tawag niya sakin. Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya.

"I think Laura's slipping away from me." Malungkot niyang sabi.

"B-bakit mo na naman naisip yan?"

"Kasi nagkausap kami kahapon through Skype. Sabi niya sakin uuwi siya next week, sakto yun dahil next week na din ang uwi natin sa Manila."

"Anong kaso dun? Ayaw mo ba nun, uuwi si Laura?"

Okay. Bitter?

"Sabi niya pa, mag-uusap kami pagkauwi niya tapos nag-off na siya, ni hindi man lang nagbabye at I love you."

"Baka may problema lang siya. Family problem."

"No. Not a family problem. It's a problem where our relationship is at risk." Sabi niya. Ramdam ko sa boses niya ang lungkot.

"Huwag mo isipin yan. Mahal ka ni Laura." Pero mas mahal kita.

"Salamat talaga, Ateng. Kung wala ka, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Maswerte ako na may bestfriend ako na laging nandyan sa tuwing nangangailangan ako." Sabi niya at niyakap ako.

Ayan na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ang sakit talagang isipin na hanggang doon na lang ang tingin niya sakin.

Masama na ba ako kung maghahangad ako ng mas higit pa doon? Ng mas higit pa sa bestfriend?

Kahit minsan lang, maramdaman ko lang na mahal ako ng bestfriend ko.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon