Chapter 17: I Know It

942 19 3
                                    

Nandito kaming lahat sa kwarto ni Margo. Pinatawag niya kami at nagbigay ng mensahe. Ewan ko ba dito pero natatakot ako sa mga kinikilos niya.

"Iwan niyo po muna kami ni Fate." Sabi niya.

Umalis naman sila Tita Beth, Marco, mama, papa at Chance.

"Marg, bakit?"

"Fate," Tawag niya sakin. "Promise me that you'll fight." Sabi niya.

"Fight for what? Ikaw dapat ang lumalaban, hindi ako." Sabi ko.

"Tinupad ko naman ang promise ko na lalaban ako, ah?" Sabi niya at umubo kaya naputol ang sinasabi niya. "Pero kahit naman lumaban ako, walang mangyayari. Mahirap kalabanin ang tadhana. "

Hindi ako sumagot. Nararamdaman ko na ang mga luha na tutulo na sa mga mata ko.

"Promise me, Fate, that you will fight for Chance. Just like what I promised you." Sabi niya.

"Bakit ko ipaglalaban, Marg, kung hindi naman talaga para sakin, di ba?"

"Kasi may mga bagay na kapag pinaglaban mo, mapupunta rin sayo."

"How sure are you that Chance will be mine?"

"I'm not sure, I know it." Sabi niya at pumikit. "Ikaw na din ang nagsabi sakin, Fate, na hangga't kaya mong ipaglaban si Chance, ipaglalaban mo."

"Mahirap umasa sa wala, Marg."

"Pero mas mahirap kung pagsisihan mo ang mga bagay na dapat sana ay sayo na kung ipinaglaban mo lang." Sabi niya.

Niyakap ko siya at ganun din ang ginawa niya.

Hindi naman kami mga manhid para hindi malaman ang dahilan ni Margo kung bakit niya ito ginagawa.

Hindi lang bilang pinsan ang turing ko kay Margo. Tinuturing ko na rin siya bilang isang kapatid.

"Promise me, Fate."

"I-i promise."

Iyak lang ako ng iyak. Bakit? Dahil hindi ko maatim na mawala si Margo.

Syempre, siya ang naging sandalan ko sa tuwing nasasaktan ako sa mga problema na kinakaharap ko especially Chance.

"Kalimutan mo na ang lahat, huwag lang ako." Nanghihina niyang sabi.

"Paano ko kakalimutan ang isang taong nagbibigay lakas ng loob para lumaban sa taong mahal ko?"

"S-salamat, Fate." Sabi niya.

Naramdaman ko naman ang pagkalas ng mga kamay niya sa pagkakayakap sakin.

"Margo?" Tawag ko sa kanya.

No response.

"Marg." Tawag ko ulit.

No response pa din.

Ewan ko ba pero tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung mawala si Margo.

Next week na din ang uwi namin sa Maynila. Ngayon nakatakdang ilibing ang katawan ni Margo.

Nandito na kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing si Margo.

Nakasandal ako sa balikat ni Chance habang umiiyak. Si mama naman ay pinapatahan si Tita Beth, maging si papa ay ganun din ang ginagawa. Si Marco naman ay umiiyak na din. Katabi siya ni Chance.

Masakit isipin na wala na ang isa sa mga taong nagbigay lakas ng loob sakin para ipaglaban ang taong mahal ko. Wala na ang isa sa mga taong naging parte ng buhay ko.

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now