Chapter 46: Ayoko Nang Umasa

856 20 5
                                    

Hindi ako nakatulog. Umiyak lang ako ng umiyak. Ayoko na ngang pumasok dahil sa namumugto ang mga mata ko.

Tumingin ako sa orasan na nasa tabi ko. Maaga pa naman kaso ayoko ng nalelate ako kaya agad akong nagtungo sa banyo para makaligo at magbihis. Nung dumaan ako sa salamin sa kwarto ko ay napansin kong namumugto ang mga mata ko. Hinanap ko ang concealer na binili ni Bonnie para sakin at nilagyan ang mga mata ko. Medyo hindi halata na umiyak ako kaya kampante na ako.

"Fate!" Salubong sakin ng hinihingal na si Bonnie.

"Bakit?" Matamlay kong tanong. Napakunot naman ang noo niya.

"Umiyak ka ba?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin. Wala pa naman ako sa mood ikwento sa kanya ang nangyari kaya mamaya na lang siguro.

"H-hindi." Bulalas ko.

Tumango-tango siya. "Anyways, nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Scotty?" Tanong niya. Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Anong balita tungkol kay Scotty?" Tanong ko.

"Huh? Ibig sabihin hindi niya sinabi sayo na pupunta na siya ngayon sa Paris dahil inalok siya ng isang kumpanya ng isang modelling contract na sa Paris gaganapin?"

Umiling ako.

"Bakit nagkaroon ba kayo ng alitan or something?" Tanong ni Bonnie kaso wala akong time para makipag-usap at kwentuhan sa kanya dahil kailangan kong maabutan si Scotty.

Tumakbo na ako kaso kararating ko lang at hindi ko alam kung nasaan si Scotty kaya bumalik ako kay Bonnie.

"Nasaan siya?" Tanong ko.

"Nung nakausap ko siya ay papunta siya sa rooftop." Sabi ni Bonnie at nagpasalamat ako.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Tumakbo ako. Wala akong pakielam sa mga taong nababangga ako. Bakit kasi hindi na lang sila ang mag-giveway?

Nung makarating ako sa rooftop ay nabigo ako. Wala akong natagpuan na Scotty Reyes doon.

Lumapit ako dun sa edge ng rooftop. May railings naman kaya hindi ako mahuhulog. Tinuon ko ang kamay ko sa railings. Pumikit ng mariin at dinama ang hangin. Mabibigat ang mga buntong-hininga ko.

Wala na si Scotty Reyes. Si Scotty na isang modelo na ubod ng gwapo na nahumaling sa isang katulad ko lamang. Si Scotty na walang ibang ginawa kung hindi ang pasiyahin ako sa mga araw na ako ay nalulungkot. Si Scotty na walang ibang ginawa kung hindi ang alagaan at protektahan ako. Si Scotty na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako kahit na wala siyang assurance na masusuklian ko iyon.

Sana... Si Scotty na lang ang minahal ko. Hindi sana ako umiiyak, nasasaktan at nagdudusa ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang boses galing sa likod ko.

Lumingon ako para makitavkung sino.

"A-akala ko nakaalis ka na?" Tanong ko. Tumabi siya sakin at humarap.

"Kinausap ako ng co-model ko na si Harry. Madedelay daw ang flight namin." Sabi niya. "Ikaw? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na aalis ka?" Inis kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya. Tumingin sa malayo.

"Pipigilan mo ba akong umalis kung sakaling sinabi ko sayo?" Tanong niya.

"Hindi! Dahil trabaho mo yun!" Sabi ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Narinig ko na humikbi siya. "Nakita kita kahapon, Fate." Sabi niya.

Nakita niya ako? Saan? Pumunta siya ng bahay? Eh hindi ba't sabi niya sakin ay hindi?

"Kausap mo si Chance. Inamin mo na sa kanya, hindi ba?" Tanong niya.

"Inamin ko kasi ayoko nang umasa." Sabi ko.

Narinig ko na namang humikbi si Scotty. Umiiyak siya? Bakit? "Bakit hindi na lang ako, Fate?" Tanong niya.

Naiiyak na ako. Marahil dahil alam ko ang pakiramdam na hindi ka mahal ng taong mahal mo. Katulad ni Scotty. Katulad ni Phillip. At katulad ko.

Kumalas siya sa yakap. Hinalikan niya ang noo ko. Napapikit ako.

Ilang segundo ang tinagal ng labi niya sa noo ko bago niya ituon ang noo niya sakin. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at nanatiling tumutulo ang mga luha ko.

"Ikaw yung 'sana' na kahit kailan hindi matutupad, Fate."

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now