Chapter 20: Epekto Ni Laura

915 22 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung sigawan ako ni Chance. Nagsorry na namansiya kaya okay na kami.

Nagising naman ako dahil sa busina. Wala akong kasama sa bahay ngayon dahil bukas pa ang uwi nila mama at papa gawa ng out of town business nila.

Kinusot ko ang mga mata ko. Pupungas-pungas pa ako nung binuksan ko ang gate.

Unti-unti ko namang nakikita ang Black Dodger ni Chance. Napatingin naman agad ako dun sa lalaking nakasandal sa pintuan ng front seat na nakataas ang buhok na medyo gulo-gulo at nakaleather jacket na sa loob nito ay puting t-shirt at ang pants ay kulay gray.

Nahiya naman ako sa suot ko, no. Nakapajama na Hello Kitty at puting sando. Kakagising ko nga lang kasi, di ba?

Lumapit siya sakin. Napanganga naman ako. Shit! Bakit ganito kabango at kagwapo ang damuhong ito?

"Just woke up?" Tanong niya.

Gaaaaahd! Bakit pati ang hininga, perfect?

Tumango ako. 

Pumasok naman siya sa loob ng bahay kaya sinundan ko. Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa namin habang nakade kwatro.

"Fate, samahan mo naman ako, oh?"

"Saan na naman?" Tanong ko. Nasa harapan na niya ako at nakapameywang na.

"Sa may Grand hills lang." Sabi niya at nagpout pa.

"Ano? Dun na naman sa racing track na yun? Para ano? Makipagkarera, ha?" Tanong ko. See? If he can race, there's no doubt that he can drive, right?

"Parang nagpapasama lang naman eh." Sabi niya

"Hindi pwede."

"Bakit?"

"May lakad ako kasama si Chip at Krizzy."

Oo, napagpasyahan kasi namin nila Chip at Krizzy na magbonding.

"Okay, fine. Ganyan naman talaga ang mga tao eh. Makakalimutan at makakalimutan ka pa rin. Kahit yung bestfriend mo pa." Sabi niya at nagtamputampuhan effect.

Umupo ako sa tabi niya. Nagcross arms at, "Teka lang naman, hindi naman kita nakalimutan eh." Sabi ko.

"Eh di sasamahan mo na ako?"

Do I even have a choice?

"Sige na nga." Sabi ko.

"Yes! I'll wait for you outside and please, Ateng, hurry." Sabi niya at lumabas na ng bahay namin.

Tinext ko naman agad sila Chip at Krizzy. Okay lang daw sa kanila na ipagpaliban muna ang lakad. Nadisappoint sila sakin kasi okay na ang lahat kaso hindi lang matutuloy dahil daw hindi ko na clear ang schedule ko ngayong araw.

Lagi ng nagpapasama sakin si Chance sa mga lakad niya. Natuto na nga siyang uminom ng alak simula nung iwan ni Laura eh.

Napa-isip ako, ganun ba ang epekto ni Laura kay Chance? Dun ko napagtanto.

Mahal nga talaga ni Chance si Laura.

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now