Chapter 52: Noon Pa Lang

793 18 3
                                    

Mabibilaukan na ako dahil sa silver dust na nakabara sa lalamunan ko.

"Fate, baby, are you okay?" Tanong sakin ni Chance.

Tumingin ako sa kanya. Nakatuon ang mga mata niya sa daan habang ang isang kamay ay nasa manibela at ang isa ay nakapatong sa kamay ko.

Sinundo niya ako sa bahay. Ang sabi ko nga ay huwag na dahil malapit naman ang Partridge pero nagpumilit ang ungas na boyfriend ko.

Tumango ako sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti siya sa sagot ko.

Medyo nailang ako nung makapasok ang kotse ni Chance sa gate ng Partridge.

"C-chance?" Tawag ko.

Tumingin siya sakin habang pinihit ang susi at nilagay sa kanyang bulsa.

"S-sasabihin na ba natin na t-tayo na?" Medyo nautal ako nung sabihin kong 'tayo na'. Kasi naman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kami na nga!

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Of course, baby. Para malaman nila na akin ka na. Para wala nang magtangka pang agawin ka sakin." Sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

Wala na! Lumipad na sa labas ng tiyan ko ang mga paru-paro na kanina pa lumilipad sa loob.

Bumaba ako ng kotse niya. Nagulat ako nung kuhanin niya ang bag ko at sinukbit sa balikat niya.

"You do-"

"But I wan't to do this, Fate..." Sabi niya.

Tumango na lang ako at nagsimula nang maglakad. Nagulat ako nung hinawakan ni Chance ang kamay ko kaya napabalik ako sa pwesto ko kanina.

"What now?" Tanong ko.

Ngumiti siya at tumingin sa kamay naming dalawa na magkahawak at naglakad.

Halos pinagtitinginan kami ng mga taong madadaanan namin. Maraming dahilan ang tumatakbo sa isip ko.

Maaaring napapatingin sila dahil sa nakasukbit na pambabaeng bag sa balikat ni Chance. Maaari ring dahil naguguluhan sila sa holding hands namin ni Chance. O kaya naman ay dahil sa kagwapuhan ni Chance.

Hinatid niya ako sa first subject ko.

"Hindi ka pa ba late?" Tanong ko. Umiling siya nang nakangiti habang inaabot sakin ang bag ko.

"Sige. Bye." Sabi ko at tinalikuran na siya. Narinig ko siyang umubo kaya napalingon ako.

Kumunot ang noo ko sa kanya nung makita siyang nakangisi. Tinuro niya ang pisngi niya. "Ang halik?"

Lumapit ako sa kanya. Nakakahiya talaga ang ungas na ito. PDA masyado.

Tumingkayad ako ng kaunti dahil sa tangkad niya. Namula ang pisngi ko nung hinapit niya ang beywang ko para mapalapit sa kanya.

"Kapag sinabi kong halik, it doesn't necessarily mean na sa pisngi..."Bulong niya sa tainga ko tsaka ako binitawan.

"Bakit? It doesn't necessarily mean na kapag sinabi mong halik ay sa labi, ah?" Utas ko.

Ngumisi lang siya sakin. "Susunduin kita mamaya... I love you."

Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Chance. Nasabi naman na niya sakin na mahal niya ako pero ewan ko ba at ngayong kami na tapos magsasabi siya ng 'I love you' ay nagdala sakin ng kakaibang kilig.

"I love you, too." Sabi ko. Nginisian niya ako at umalis na.

Tumalikod ako at laking gulat na nakatingin pala samin ang mga kaklase ko. Binigyan ko sila ng awkward na ngiti. Damn, Chance! Pinlano yata ang nangyari kanina!

Hanggang sa makarating ako sa upuan ko ay ramdam kong na sakin ang atensyon nila.

Kinalabit ako ni Bonnie. Kaklase ko nga pala siya ngayon. Nakita niya kaya? Hay! Bakit ba nagtanong pa ako? Eh, ultimo butil ng 3in1 na kape ay makikita niyan!

"Kayo na nga ni Chance?"

Tumango ako.

"Payong kaibigan, Fate. Huwag mong mamasamain... Hindi sa ayaw kitang lumigaya pero huwag mong ibigay ang lahat ng pagmamahal mo sa kanya. Magtira ka para sa sarili mo." Bulalas ni Bonnie.

Napalunok ako. Kung hindi lang niya sinabi sakin na nililigawan siya ni Felix at nagkakamabutihan na sila ay napag-isipan ko na na may gusto si Bonnie sa Chance ko!

"Paano ako magtitira para sa sarili ko kung naibigay ko na lahat sa kanya noon pa lang?" Sabi ko.

Hindi na nakasagot si Bonnie dahil dumating na ang terror naming professor.

Fate & ChanceWhere stories live. Discover now