#YU1

15.3K 484 102
                                    

• MAINE •

"Mendoza, since you were the one chosen by your former seniors to be the next team captain, ikaw na ang mag-lead ng practice routine natin this weekend okay? Sa school grounds tayo by 5pm."

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. This is the dream, my dream. Ever since I started highschool, pangarap ko na talagang maging cheerleading captain. Sobrang amazed kasi ako dati pa sa mga cheerleaders. Marunong naman akong sumayaw. Every vacation period, I watch dance movies, mas paulit-ulit nga lang yung mga Bring It On sa dvd player ko. Kaya naman nung nag-tryout ako for the next team captain kanina, binuhos ko na talaga lahat ng powers ko. Nagdasal pa nga ako sa Baclaran kahapon, saktong wednesday naman. Nag-alay din ako ng kandila, para naman sulit lahat ng dasal ko. And it's worth it. Lord, thank You! Team captain na ko!

"Lord, thank You!! Team captain na ko! Yehey!"

Sa sobrang saya ko, nagtatatalon ako sa may locker namin. Narealize ko lang na hindi lang pala ako yung nasa kwarto nung may umubo sa may bandang kaliwa ko. Pagtingin ko, si Faulkerson pala. Shit, nakakahiya.

Matagal ko nang kilala si Faulkerson, Richard sa karamihan, RJ sa family niya. Schoolmate ko siya since elememtary. Sobrang payat pa nga niya non. Pero ngayon, ang buff na niya. Grabe lang. Sobrang effort kasi yung pagpapalaki niya ng katawan for basketball. It paid off naman. Alam niyo, kahit matagal na kaming magkakilala, mabibilang ko lang sa daliri yung mga panahong nag-usap kami na hindi related sa school activities. Nahihiya kasi akong magstart ng conversation. Ang talino kasi niyan eh. Ako naman kasi aminadong average student lang, kaya baka masayang brain cells niya kapag kinausap ako. Isang beses nga nainis yata siya sa akin nung gumagawa kami ng math project. Hindi ko kasi talaga maintindihan, saka ayaw ko ng math! Ayaw rin naman sa akin ng math, so the feeling is mutual. Sumuko na lang si Richard sa pagtuturo sa akin, siya na tumapos ng project namin. Hopeless case talaga ko when it comes to Math. Okay naman ako sa ibang subjects, kaya ko naman. Math lang talaga hindi. Nahihilo kasi ako sa mga pinagsasamang letters at numbers, don't judge me please. Lol

Kung average academic student man ako, proud akong mag-excel sa extra-curricular activities, lalo na sa pagsasayaw. Dun siguro kami nagkatalo ng kaunti ni Richard. Siya kasi, sa basketball lang yung focus ng ECA niya. Ako naman, may cheerleading, dance troupe, badminton and volleyball. O diba? Hinakot ko na lahat. Nagtataka nga yung parents at mga kapatid ko kung paano ko napagkakasya yung oras ko sa dami ng ECA ko, may acads pa. Magaling yata magmultitask to.

Mabalik tayo kay Richard, may practice siguro sila ngayon kasi nakita kong kinuha niya yung jersey niya sa locker niya. Narinig ko din kasi kanina dun sa isang classmate ko na ngayon din sila pipili ng next basketball team captain.

Nagkatinginan kami saglit, bago ako umiwas. Nakakainis. Ang gwapo niya lalo ngayon. Yung dimples niya pa, Lord patnubayan Niyo po yung pagkababae ko. Joke lang po. Pero ang gwapo niya talaga. Aamin na nga ako. Crush ko talaga siya... ng slight. Dimples and mata niya kasi talaga yung nagdala. Hay. Richard. Tiningnan ko na lang siya habang naglalakad palayo. Goodluck sa practice mo.

• RICHARD •

"Faulkerson, may practice tayo ngayong hapon! Mamaya na din pipili si coach ng bagong team captain natin. Anong oras ka pupunta? Tara na kaya!"

"Tatapusin ko lang 'tong homework namin sa Physics tapos pupunta na rin ako sa gym. Mauna ka na, Kev."

"Pinapaalala ko lang, paps. Baka makalimutan mo kasi tutok na tutok ka na naman diyan sa Physics homework niyo. Ewan ko ba naman kasi sayo kung bakit dito mo pa ginagawa yan eh. Pwede namang sa bahay na lang. kaya nga homework."

"Para wala na akong gagawin sa bahay. Matatapos na rin ako. Mauna ka na nga, Kevin. Ang ingay mo eh. Hindi ako makaconcentrate."

"Siraulong to. Bilisan mo na diyan!"

Mga 5 minutes lang, natapos ko na din yung physics homework namin. Nasanay na kasi akong gumawa ng mga madadaling homeworks sa school bago yung basketball practice para konti na lang yung gagawin ko sa bahay, katulad ng kapag may kailangan akong iresearch gamit yung laptop ko.

Oo nga pala, ngayon din pipili si coach ng bagong team captain since bagong school year na naman. Sa totoo lang, gusto ko ding maging team captain pero kung hindi naman ako palarin, ayos lang din. Masaya naman ako sa team, dagdag na lang siguro kung maging team captain ako this year.

Dati kasi, sakitin ako. Lalo na nung bata pa. Lumaki kasi akong may asthma, pero nawala naman siya eventually, nung mga 7 years old ako. Buti na lang nawala. Sakto naman, nagkaroon ako ng interest sa basketball. Nagpaturo ako sa daddy ko, hanggang sa maenjoy ko siya. Sabi naman ng doctor ko, okay lang yung physical activities. Basta kailangan lang i-monitor kung babalik pa yung asthma attacks ko. Hindi na naman ako inatake ulit, thank You Lord. Kaya ginawa ko lahat para makapasok ako sa basketball team nung 1st year highschool. Nagpractice ako ng maigi, tapos inayos ko din yung katawan ko. Hindi naman kasi pwedeng magbasketball ako pero sobrang payat ko. Physical sport pa naman yun, baka kapag binalya ako lumipad akong bigla palayo.

Naglalakad na ako papunta sa lockers nung makita ko si Maine Mendoza. Hay, Maine. Nagtatatalon siya sa tapat ng locker niya, locker 0716F. Alam niyo bang parehas kami ng locker number ngayon? 0716M lang sakin. Every school year kasi, pinapabunot kami ng locker number. Nagulat ako nung nakita ko siya sa 0716F nung first day of classes. Sakto.

Elementary pa lang, schoolmates na kami. Pero hindi kami magkaibigan... kahit pa gusto ko siyang kaibiganin. Nahihiya kasi ako sa kanya. Sikat kasi siya sa school, lalo na ngayon. Sobrang ganda niya kasi, tapos ang cheerful ng dating. Basta. Masayahin kasi si Maine. Ang ganda ganda ng ngiti niya. Ang ganda gand—

"Lord, thank You!! Team captain na ko!! Yehey!!"

Pucha. Naubo ako sa pagpipigil ko ng tawa. Napatingin siya sa akin, sabay tigil dun sa pagtalon talon niya. Ang cute cute niya.

Kinuha ko na yung jersery ko sa locker. Iniwan ko na din muna yung ibang gamit ko dun para makapagbihis na ko agad. Malapit na kasi yung practice, hindi pa ko nakakapag-warm up. Tumingin ako sa kanya bago ako lumabas ng locker room. Hay. Ang ganda niya talaga.

Pagkabihis ko, dumiretso na ako sa gym. Nasa warm up na kaming lahat nung tinawag kami ni coach para maghuddle.

"Simula na naman ng school year natin and for this year, nakapili na ako ng bagong team captain. Humingi rin ako ng opinion from your former seniors to see who's the most qualified, and we have a unanimous decision."

Tahimik lang lahat ng nakikinig sa kanya pero yung utak ko, naglalakbay papunta kay Maine. Naiisip ko kasi yung pagtalon-talon niya kanina. Sobrang cute talaga. Nakakatuwa siya—

"Richard Faulkerson Jr."

Nagulat ako nung tinawag ako ni coach. "Bakit po?"

Nakatingin silang lahat sakin, natatawa. Anong meron?

"Congratulations. You're the new captain of the basketball team."

***
A/N: Nandito na naman ako!!! Hahahahaha hindi ko mapigilan 🙊😂 I posted a series of tweets about this on my twitter (@fymaichard) then I decided to start posting here. This will be all fluff and no angst because I'm no author for angsty fics lol. I seriously hope you'd like this because this is cute HS Maine and Richard. Got inspired with Rico Blanco's Your Universe, hence the title. Please do leave comments and/or suggestions, I'd be open for it! Sana maenjoy niyo! 💛

Your UniverseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang