#YU9

4K 319 52
                                    

•RICHARD•

Hinila ako ni Gio palabas ng infirmary. Pinabantayan ko na lang si Maine kina Kevin and Paolo habang tulog pa siya. Kaninang sinabi ko na may gusto ako kay Maine, pumalakpak yung dalawa tapos si Gio, nakanganga lang. At ayun nga, hinila ako palabas. Pinagdadasal ko din na sana hindi narinig ni Maine kasi ang pangit naman kung dahil lang sa natamaan siya ng bola ng volleyball kaya ako umamin.

Pinaupo ako ni Gio sa bench na malapit sa infirmary. Nakatayo siya sa harap ko, nakatingin lang sa akin, with crossed arms nonetheless.

"Totoo ba?" tanong niya sa akin. Nag-iinterrogate ba to? "May gusto ka kay Maine?"

"Oo, meron," sabi ko sa kanya. "Pero please, Gio. Wag mo munang sabihin kay Maine. Ako na lang magsasabi sa kanya."

Umupo siya sa tabi ko at humarap sa'kin na parang batang binigyan ng paborito niyanh candy. Kilig na kilig. "Kailan pa?"

"Matagal na, Grade 6 pa lang yata yu—bakit ganyan ka makatingin?"

"Grade 6 pa lang?! Omg bakit ngayon mo lang to sinasabi?!"

"Wala naman akong lakas ng loob dati, ngayon nga parang natatakot pa ko umamin sa kanya eh."

"Hindi naman nangangain ng tao si Maine, ano ka ba."

I sighed. "Feeling ko kasi hindi naman niya ako gusto. Parang kaibigan lang talaga," binatukan niya ako. "Aray naman, Gio! Masakit pambihira!"

"Hindi mo kasi malalaman kung hindi mo susubukan. Mas mabuting umamin ka para no regrets. At least inamin mo. Kasi kung hindi, puro what ifs na lang yung nasa laman ng utak mo niyan. What if umamin ako? What if naging kami pagkatapos? What if masaya pala kami dapat together? Kung umamin ka at tinanggihan niya, at least you still tried."

Nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig habang nagmomonologue siya. She has a point.

"Alam mo Richard, mabait naman si Maine. It's up to you kung paano mo ipeperceive yung sagot niya na kunyari ayaw pala niya. Will you take it negatively? Feeling ko naman hindi."

"Kung ayaw naman niya at friends lang talaga, that would be okay with me."

"Ayun naman pala eh!" tinulak niya ako ng mahina. "Edi go na, sabihin mo na!"

"Sabihin ang alin, bakla?"

Napalingon kami ni Gio sa may gilid ng puno. Nandoon na pala si Maine, kasama sina Kevin at Paolo na nasa likod.

"Bakit tumayo ka na?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko. Inalalayan ko si Maine paupo sa bench na inuupuan namin ni Gio. "Kamusta na pakiramdam mo?"

"Okay na ko, RJ. Kalmahan mo lang. Nakakunot na naman yung noo mo eh."

"Wala naman bang masakit sa'yo?"

Hinawakan niya yung braso ko saka tumingin sa'kin. "Wala, RJ. Okay lang talaga ako. Nahilo lang kanina," napatingin siya kay Gio, pagkatapos sa'kin. "Ano ba yung sasabihin mo daw? May sasabihin ka ba sa'kin?"

I saw Gio shrug at me, mouthing "sabihin mo na." Pero hindi ko magawang magsalita. Walang lumalabas na mga salita sa bibig ko, kahit gusto ko nang sabihin talaga sa kanya yung nararamdaman ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Maine yung mga kamay ko. "Richard?"

"Ano," pinagpapawisan na talaga ko pambihira. "Kung...pwede ba kitang ihatid mamaya?"

Nakita kong napakamot sa ulo sina Kevin at Paolo. Gio glared at me, nainis ata. Bakit kasi ang torpe ko eh.

Ngumiti lang sa akin si Maine, "Oo naman," sabi niya. "Akala ko naman kung ano."

Your UniverseWhere stories live. Discover now