#YU4

4.7K 352 78
                                    

•MAINE•

Nakaupo ako sa may gilid ng stage habang hinihintay si Gio nung may biglang lumipad na papel papunta sa'kin. Kinuha ko saka binuksan.

Ngiti naman diyan. :)

Nag-angat ako ng tingin, saka ko nakita sa may 2nd floor sina Paolo at Kevin. May tinuturo sila sa likod ng poste at nagtatago.

"Si Poks nagbato niyan!" Sigaw ni Kevin sa akin. Nakita kong binatukan siya ni Richard. Ang kulit. Hahahaha.

"Baba na kayo dito!" sigaw ko sa kanila. "Papunta na rin si Gio dito galing canteen, may dalang food!"

Breaktime kasi namin ngayon. Madalas, dito kami tumatambay ni Gio sa gilid ng stage kapag breaktime. Madami kasing tao sa loob ng canteen, ayaw naman naming sumiksik doon. Nakita kong bumaba na sila galing 2nd floor. Ilang minuto lang, nandito na rin sila sa may stage.

"Richard," tawag ko sa kanya. "Salamat dito sa letter ha?"

Hinawakan niya yung kaliwang tenga niya, saka tumungo pero nakangiti naman. Labas pa dimple. Ano ba naman tong lalaking to, dimples lang talaga pangtapat. Sobrang gwapo, gusto kong mangisay. Joke.

"Si Kevin talaga nagbato niya—"

"Hoy gago, isasangkalan mo pa ko. Ikaw kaya nagbato niyan." Sabat ni Kevin kay Richard. Jusko, hinawakan na naman niya yung kaliwang tenga niya. Namumula na tuloy.

Tumingin na lang ako kay Paolo saka nagtanong. "Sino bang nagbato nito, Pao?"

Tinuro niya si Richard na pulang-pula na yung kaliwang tenga. "Richard, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Tumayo ako at nilapitan siya, tapos hinawakan ko yung namumulang tenga niya. "Ang pula pula na ng tenga mo."

"Okay lang ako," sagot niya sakin sabay ngiti. "Siraulo lang talaga tong sina Paolo."

"Hoy, Poks. Naninira ka na naman. Ikaw tong nagbato nung papel eh," sabi ni Kevin. "Maiwan na muna namin kayo. Tawag kami ni Sir Montealegre sa Filipino Department."

Hinila na ni Kevin si Paolo paakyat sa 4th floor kaya naiwan si Richard kasama ko.

"Huy, Richard. Umupo ka kaya muna?" sabi ko sa kanya. Nakatayo lang kasi siya sa gilid ko. Ang awkward naman kasi kung nakatayo lang siya habang naghihintay kami kay Gio.

Sinunod naman niya ako na umupo sa tabi ko. Tahimik pa din siya, nakatingin lang sa mga dumadaan na mga juniors sa harap namin. Ngayon ko natitigan yung side profile niya. Kahit anong anggulo talaga, ang gwapo. Walang tapon. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng lips. Lord, masyado Niyo naman hong pinagpala tong taong to. Ginalingan masyado ng nanay at tatay niya eh.

"Maine," sabi niya habang nakatingin pa rin sa mga naglalakad sa tapat namin. "May dumi ba ko sa mukha?"

Hindi ko na naiwas yung tingin ko kasi nahuli na niya kong nakatingin sa kanya. Kasi naman eh... ang sarap tingnan ng side profile niya.

"Wala... wala naman," sabi ko na lang. "Ito naman, napatingin lang naman ako."

Ngumiti na naman siya sa akin na labas ulit yung dimples. "Sige na nga, sabi mo eh."

"Alam mo, ngayon ko lang narealize. Ang tagal na pala nating magkakilala no?" sabi ko sa kanya. Kung anu-ano na lang sinasabi ko para magkaroon kami ng usapan.

"Oo nga no?" sagot naman niya. "Elementary pa lang tayo."

"Payat ka pa nga nun eh. Sabi ni nanay sa'kin, para ka daw tingting."

Natawa siya sa sinabi ko. "Grabe naman yung nanay mo. Pero sabagay, totoo naman."

"Ang laki na nga ng pinagbago mo eh," napatingin ako sa balikat niya, sa mga braso. "Hindi ko naman inakalang lalaki yung katawan mo ng ganyan."

Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon