#YU36

2.9K 236 35
                                    

•RICHARD•

Nagising akong bigla sa pagkanta ni Rico Blanco ng Your Universe. Alam kong tumatawag si Maine kasi bukod sa phone niya, sinet niya rin sa phone ko yung kanta para maging personal ringtone naming dalawa. I looked at the clock on my phone, 12:05am.

"Hello," bungad ko kay Maine. "Sorry nakatulog pala ako—"

"Happy Birthday, RJ!!!!!"

"Susmaryosep Nicomaine dinig ka hanggang sa Maguindanao!"

"Hehe sorry. Got carried away kasi. Pero happy birthday, my love! Sabi ko na nakatulog ka kasi di ka na nakareply kanina."

"Thank you, love. Sorry, nakatulog akong bigla kanina sa kama ko eh."

"Nah, okay lang. Alam ko naman na pagod ka din from yesterday's handaan and sorts. Sinabi na sa'kin ni Mary when I called earlier," napahikab akong bigla na narinig naman ni Maine sa kabilang linya. "I won't keep you muna, love. Rest well okay? I'll see you... when I see you."

Nagtaka ako sa sinabi niya but didn't push it. Antok na antok kasi talaga ako. "Love you," I said, half-asleep.

Hindi ko na narinig yung ibang sinabi niya kasi nakatulog na ko ng tuluyan.

Nagising naman ako kinaumagahan sa yakap sa'kin ni Angel.

"Happy Birthday, kuya!!!! Happy Birthdaaaaay!!!"

Pinugpog niya ko ng kiss hanggang sa bumangon na ko. "Sarap naman non, bunso," I smiled and gave her a kiss on her forehead.

"Happy Birthday, Kuya RJ!!"

Nakita ko naman si Mary at si dad na may dalang breakfast para sa akin. "Dito talaga tayo kakain?"

"Gusto mo bang dalhin na lang sa baba?" tanong ni dad sa akin. "Pwede naman."

"Sige po. Para sabay sabay na tayong kumain."

"Happy Birthday, anak," dad greeted me and smiled before going down to the kitchen. I pressed a smile on my lips and remembered how he used to greet me when I was a kid, sila ng mommy. Katulad ni Angel kanina, pinupugpog din nila ako ng kiss hanggang sa magising ako. Hay, good times.

Nauna na silang bumaba kasi naghilamos pa ako. Dumaan ako saglit sa altar namin to offer a prayer and to talk to my mom, kahit saglit lang. Nung nakababa na ko, nagulat ako kasi nandun yung mga kaibigan ko, may dala-dalang cake at balloons.

"Surprise!"

Lumapit na ako kay Gio na may hawak nung cake saka ko hinipan yung kandila. Saka ko napansin na wala si Meng dito sa bahay.

"Hindi niyo kasama si Maine?" tanong ko sa kanila pagkaupo namin. May nakahandang breakfast para sa amin, sina dad at manang ang nagluto.

"Hindi eh, may gagawin pa daw siya sabi niya kanina," Karla said. "Pero pupunta rin daw siya mamaya."

"Pinadalhan ka nga pala niya ng kaldereta," Gio told me. "Ihahanda na din ni Manang. Saka ito nga pala, pinapabigay niya."

She handed me a birthday card and as I open it, I saw Maine's handwriting.

Buon Compleanno, amore mio. Ti amo tanto ❤️

Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako hanggang sa naramdaman akong binabato na ko nina Paolo ng tissue.

"Hayup ka, Poks. Kalmahan mo naman sa kilig!"

"Susmaryosep kumain na nga lang kayo diyan!" Inipit ko na sa tagiliran ko yung card at nagsimulang kumain.

Your UniverseWhere stories live. Discover now