#YU12

4.9K 332 73
                                    

Napapabilis naman ngayon yung tumatakbo. Kapit ka ulit. Please use #YU12 on twitter so I can read your comments there (kung meron man haha) happy reading 😊

•MAINE•

"Menggay! Hoy Menggay bumangon ka na diyan! Baka ma-late ka pa! Ang petiks mo talaga hoy bangon na dali!"

"Ate naman kasi ehhhhhh inaantok pa ko!"

"Babangon ka ba o kakaladkarin kita pababa? May naghihintay sa'yo ano ka ba bumangon ka na!"

Pupungas-pungas pa kong bumangon sa kama ko. Napatingin ako sa phone ko, 6am pa lang naman. 8am pa yung pasok namin tapos sobrang lapit ko lang naman sa school, sa kabilang kanto lang naman kasi kami. Ano bang problema nito ni Ate Coleen pambihira gusto ko pang matulog eh.

"Menggay, bilisan mo't kakain na!" narinig kong sabi ni nanay sa baba.

"Ito na po, pababa na!" sigaw ko habang naglalakad pababa ng hagdan. Nakakainis naman kasi ang ganda na ng panaginip ko eh. Sinusundo daw ako ni RJ sa bahay kasi may date daw kami. Naghihintay daw siya sa—OHMYGAHD. Pinunasan ko yung mga mata ko kasi baka namamalik-mata ako. "Anong ginagawa mo dito?!"

Si RJ. Nakaupo sa couch namin, katabi si tatay. Base sa nakikita ko, nag-uusap sila. Huhu totoo ba to?!

Tatakbo na dapat ako paakyat pabalik sa kwarto ko kasi sobrang nakakahiya yung itsura ko mukha akong bruha kasi ang gulo ng buhok tapos hindi pa ko nagtu-toothbrush tapos hindi pa rin ako naghihilamos!!!! Nakakainis jusko huhu pero narinig kong tinawag ako ni tatay. "Menggay," tawag niya sa'kin. Wala na rin naman akong nagawa kaya bumaba na ko saka humalik sa pisngi niya.

"Good morning po, tay," bati ko sa kanya. Nilingon ko si RJ sabay ngiti sa kanya, yung ngiting alanganin na parang Grade 5. Ah basta!!! "RJ anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi niya. Kinurot ko pa siya ng mahina sa tagiliran. "Ang aga aga pa!"

"Susunduin sana kita eh," he answered, chuckling. "Pero napaaga nga ata ako."

"Tumayo na kayong dalawa diyan," sabi ni tatay sa amin. "Kumain na kayo ng almusal."

Tumayo na kami saka dumiretso sa dining room. Nakita ko doon sina Ate Niki at Ate Coleen, tinatawanan ako ng beri light. Bwisit, hindi nila sinabi sa'kin na naghihintay pala si RJ, hindi tuloy ako nakapag-ayos.

Umupo na kaming lahat sa mesa para kumain ng almusal. Napansin kong wala si Kuya Nico, hindi na naman umuwi. Hay nako yung kuya kong yon, masyadong gala.

Mabilis na lang akong kumain para makaligo na. Tinitingnan ko si RJ habang kumakain, nakikiramdam yata siya. Paano kasi, tahimik si tatay. Natatakot tuloy ako. Si nanay naman inaabutan kami ng mga pagkain. "Kumain ka lang ng kumain, Richard, tama ba?" tanong ni nanay.

"RJ na lang po," he answered, smiling. Nakita kong napangiti rin si nanay. Hala! Kinilig ata sa dimple ni RJ.

Binitawan na ni tatay yung kutsara't tinidor niya saka tumingin sa akin, kay Richard naman pagkatapos. "Richard, nanliligaw ka ba kay Menggay?"

Napaubo ako ng malakas. Napatingin silang lahat sa'kin, si RJ naman hinagod yung likod ko saka ako inabutan ng tubig. Tatay naman, makapagtanong eh! "Okay ka lang ba, Maine?" tanong niya sa'kin.

Your UniverseWhere stories live. Discover now