#YU34

2.9K 226 48
                                    

•RICHARD•

I woke up at 3am para makaattend ng huling misa ng Simbang Gabi kasama yung family ko. It became our family tradition to attend Simbang Gabi masses because of our mom. Hindi kasi yun nakakamiss ng mga misa tuwing Simbang Gabi simula nung dalaga pa siya. Kaya ngayon na kahit wala na siya, we still attended the mass in her behalf.

Pagkauwi namin after the mass, pinatulog ulit kami ni daddy para naman may energy daw kami mamaya habang namimili sila ni manang ng mga ingredients para sa Noche Buena namin. Dadating kasi yung tita ko and her family and they'll spend Christmas Eve with us. Sayang wala na ang mommy, pero alam ko naman na binabantayan niya kami, wherever she may be.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Pagtingin ko, I saw my Tita Jo and her husband Tito Miguel. Of course Martine is here, along with her siblings Janina and Maddi. Sa kanilang tatlo, si Martine ang halos kaedad ko, but she's one year level lower than me at school. Same age naman sina Mary and Janina, tapos sina Angel at Maddi na naglalaro na sa may garden. Hanggang dito sa loob dinig ang boses, ang lakas ba naman kasi.

"Tita Jo," I walked towards her and pressed a light kiss on her cheek. Nagmano na rin ako kay Tito Miguel and gave Martine a nod who is talking with someone on the phone. "Kanina pa ho kayo? Si daddy ho pala?"

"Hindi naman, hijo. Kadarating lang din namin," she said. I sat on the one-seater couch and leaned back. "Nagmamadali sina Nina at Maddi pumunta dito eh. Ang daddy mo bumalik lang saglit sa palengke at may nakalimutan daw sila ni manang. Pagbalik niya magluluto na rin kami."

"Kamusta na nga pala ang kuya mo sa States?" Tito Miguel asked after sipping from his cup of coffee.

"Okay naman po, tito. Nakakapag-adjust na naman daw po siya doon. Saka malapit daw po yung bahay nina lola sa pinapasukan niyang school kaya hindi daw siya hassle sa byahe."

"Mabuti naman. Oo nga pala, saan ka mag-aaral ng college? Hindi pa nababanggit ng daddy mo sa amin eh."

"Sa UP po, Tita. Fortunately, nakapasa po sa exam," I told them and smiled.

"Aba't mabuti yan, itong si Martine nga sinasabihan na namin ngayon pa lang na pag-isipan na niyang mabuti kung saan siya papasok sa college nang hindi siya mahirapan next school year," Tita Jo said. Narinig namin na may tumigil na kotse sa labas, probably my dad.

"Mommy naman eh," Martine grunted as soon as she ended her phone call. "Sabi ko sa'yo gusto ko sa UP diba?"

"Aba e sigurado ka na ba doon? Baka naman kasi magbago na naman ang isip mo."

"Oo naman ma! Magpapa-tutor pa ko kay RJ para sa entrance exams, tingnan mo nakapasa nga oh."

"Kayang-kaya ni Martine yan, diba Martine?" I told her and wiggled my eyebrow which made her laugh.

"Gags RJ di ka pa rin talaga marunong gumanyan. Tigilan mo nga yan."

"Baliw," I heard my phone ringing, pagtingin ko, si Maine ang tumatawag. "Tito, tita, sagutin ko lang po to," I excused myself and walked towards my room upstairs.

"Good morning, my love!" I heard Maine on the other line after picking up the call. "How was your sleep?"

"Okay naman, slept after the mass earlier. Ikaw? Busy na?"

Your UniverseWhere stories live. Discover now