#YU7

4.5K 325 8
                                    

•RICHARD•

Nasa labas ako ng bahay namin, nagpapractice ng shooting. Hanggang ngayong weekend, hindi ako pinatahimik nung nalaman ko. Parang ayaw ko pa ring maniwala na ako yung unang lalaking pinayagan niya na tawagin siyang ganun. Kasi...bakit?

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nung maramdaman kong tumama yung bola sa may kaliwang braso ko. Dun ko na lang din narinig si Mary na tumatawa sa may veranda.

"Ano ba naman yan, Kuya. Ang shunga mo naman magbasketball," sabi niya sakin pagkatapos uminom ng juice niya.

Umupo ako sa tabi niya sabay kuha ng cookies na binake niya kanina.

"Napakalaitera mo talaga, Mary," sabi ko sa kanya pagkatapos kong nguyain yung cookies. Kumuha ako ng isa pa. "Nasaan si Angel?"

"Kasama ng daddy pati ni Kuya Dan," sabi ni Mary. "Problemado ka yata, kuya?"

"Wala, may iniisip lang."

"E bakit natamaan ka ng bola kanina? First time yun ah. Sana maulit."

Binato ko siya ng tissue. "Loko ka ah."

"Ano ba kasi yung iniisip mo? Parang hindi ka normal na tao ngayon."

"Ano?"

"Hindi! What I mean is, very unusual yung kilos mo ngayon. Is something bothering you?"

I sighed and thought of Maine once again. Isang buwan na rin naman simula nung magkausap kami, and I really enjoy her company. Masaya kasing kausap si Maine, hindi boring.

"Hoy Kuya, tinatanong kita. Wag kang tumunganga diyan oy."

"Kanina ka pa nambabato ah."

"E kasi naman wala ka sa sarili mo. Ano ba kasing iniisip mo? O sino?" napakunot yung noo ko sa sinabi niya. "Nako Kuya, babae yan no? Haluuuuuh, nagbibinata na siya!"

"Sira."

"Classmate mo ba?"

"Oo eh," I took I sip on my glass of iced tea. "Naalala mo yung kinukwento ko sayo dati?"

"Yung magandang dancer na pinakita mo sa'kin dati?"

"Yup. Siya nga."

"Oh, anong meron? Nililigawan mo na ba, Kuya?"

"Hindi....pa."

Tumili ng pagkalakas si Mary saka ako binato ng mga tissue. "Ahhh, nagbibinata ka na Kuya!!!"

"Parang timang to," sabi ko sa kanya. "Hindi ko pa nga nililigawan."

"Pero may balak ka?"

"I actually...don't know. I want to take things slow muna eh. "She leaned over and flicked my forehead. "Aray ko naman, Mary Christine! Masakit yon ah!"

"Ang shunga shunga mo kasi Kuya! Kabwisit."

"Ayaw ko kasing magmadali," I sighed. "Matagal ko na nga siyang nakikita pero ngayon lang kami nagkausap, nagsimulang maging magkaibigan. Naiisip ko, kapag niligawan ko siya agad, hindi pa sapat yung foundation namin."

"E kailan mo balak? Kapag naunahan ka na ng iba?" napatingin ako sa kanya. "Kuya, naiintindihan ko naman kung gusto mong pagtibayin pa yung foundation ng magiging relationship niyo. Pero sana, wag mong bagalan. Maganda si Ate Maine, tama ba, Ate Maine nga?" I nodded. "Siguro mas mabuti kung magbigay ka na din ng subtle hints, parang ganon."

"Baka naman kasi mabigla siya... mabilisan sa mga pangyayari."

"Kuya, it's better to try than not to try at all. Hindi mo kasi malalaman kung hindi mo susubukan. Sabi ko nga sayo, subtle hints lang muna since yun naman ang gusto mo. Take things slow nga sabi mo diba? But not the turtle kind of slow, please lang. Pag naunahan ka talaga ng iba, tatawanan kita ng bonggang-bongga."

Your UniverseOnde histórias criam vida. Descubra agora