#YU42

2.4K 200 13
                                    

A/N: The first of the last four.
© bukbukova for the photo used above. 😊

•MAINE•

May Coldplay hangover pa ko the whole night pagdating namin from Singapore. Hindi rin naman ako makatulog agad kaya nagdecide akong iupdate yung blog ko.

I started blogging 2 years ago, nung second year highschool ako. Dati puro photos lang yung dinadagdag ko but eventually, I started making videos na din supplementary to the blog I wrote.

Nung nasa Singapore kami, marami-rami rin akong nakunang videos, kasama na yung videos ko na umiiyak na si RJ ang kumuha (grrr ang chaka ko dun eh! Ayaw naman niya ipadelete!) kaya gumawa na ako ng #ColdplaySG vlog. Mamaya or bukas ko siguro ipopost since matagal siya magrender dahil mahaba, at matagal siyang magpost sa youtube kasi bumabagal na naman ang internet namin. Buti na lang na-type ko na sa drafts yung blog ko.

Hindi ko inakala na yun ang birthday gift sa akin ni RJ. Coldplay concert!!!! At sa Singapore pa! Grabe kung pwede lang magwala sa airport nung dumating kami, (actually nagwala nga yata ako?) ginawa ko na. Sobrang favorite ko kasi ang Coldplay! Ewan ko ba, iba yung impact nila sa akin. Naimpluwensyahan ko na nga lang si RJ sa pakikinig ng Coldplay songs eh. Naging favorite na rin niya yung Yellow kasi lagi kong pinaparinig sa kanya.

Hindi pa kami nagpopost ni RJ ng photos from our Coldplay Singapore experience kaya nagulat kaming dalawa pagkapasok namin ng monday morning.

"Hoy kayong dalawa ano tong nalaman namin na nagpunta kayo ng Singapore?! Nanood pa kayo ng concert ng Coldplay!" bungad sa amin ni Gio. Ni hindi pa nga kami nakakapasok ng room.

Kinuha na ni RJ sakin yung bag ko saka siya bumulong sakin, "Ipapasok ko na to. Ikaw na bahala diyan."

He kissed the top of my head and went inside our classroom. Pagkapasok ni RJ, hinila ako nina Karla at Gio sa may cleaning casket.

"Teka, baka dumating si Ms. Carvalho," sabi ko sa kanila.

"Bakla, free period tayo ngayon. Wala si Ms. Carvalho. Magkwento ka na bilis!" sagot ni Karla na may hampas hampas pa.

"Wag muna kayong magrereact ah! Mamaya na pagkatapos ng kwento ko."

"Oo na nga kasi!" sabay pa nilang tili sa akin.

So nagkwento na nga ako. Mula sa umpisa. Na nung friday nga, inaya ako ni RJ. Mag-empake daw ako ng damit for the weekend. Hindi niya sinabi kung saan kami pupunta pero sumama naman ako. Na nakarating ako sa Singapore ng hindi ko namamalayan kakanood ko ng kdrama. Na nag-ikot kami sa Gardens by the Bay at nanood ng Coldplay concert sa National Stadium. Nag-ikot ulit kinabukasan at nagpapicture sa may merlion bago kami umuwi ng Pilipinas. Na hindi lang daw yon ang birthday gift niya sa akin.

Kilig na kilig yung dalawa sa kwento ko, ang animated pa ng hampas ni Gio sakin nakakainis. Pero tawa naman kami ng tawa. Parang mga baliw lang.

"Mga bakla, hindi ba talaga nabanggit sa inyo ni RJ itong plano niya?" umiling silang pareho. "E pano niyo nalaman?"

"Kay Paolo. Sa kanila daw binanggit ni RJ nung nasa bahay tayo. Saka hello, kung ako rin si RJ, hindi ko din babanggitin sa amin yung ganyang surprise kasi malaki yung chance na masabi ko sayo. Lalo na tong si Gio."

"Bakit ako na naman?!"

"Bakla ang daldal mo kaya!"

"Grabe ka Karla hindi ah!"

"Oh, awat na. Baka mag-away pa kayo diyan."

"Pero Meng, seryoso ha. Sobrang sweet ni RJ sayo. Imagine, gumastos pa siya talaga for your birthday. Pero sabagay, gumastos ka din naman nung birthday niya," Karla told me.

Your UniverseWhere stories live. Discover now