#YU38

3K 247 35
                                    

Maine - RJ

RJ, nabilhan mo ba ako ng gummies saka yung nerds?

Hala hindi ata...

Weh?! Sabi mo bibilhan mo ko kaya di na ko bumili :(

Nakalimutan ko...

RJ naman ehhhhhh

Joke lang. Nabili kita, nailagay ko na din sa bag. May mga chips na rin ako. Yung lunch and dinner naman natin provided na ng school kaya hindi na ko magdadala.

Magdadala ako ng pichi-pichi, luto ni nanay kanina. Bigay ko daw sayo lahat. Wala man lang ako kainis.

Mas mahal na ko ng nanay mo kesa sa'yo. Hahahaha.

Ganyan kayong dalawa hmp

Hahahaha cute mo. Matulog ka na, Meng. Anong oras na din oh. Maaga pa tayo bukas. Don't forget to put your alarm on.

Naka-on na po. What time mo ako susunduin?

Around 4:30am siguro.

Ang aga naman! 5:30am pa tayo aalis!

Edi 5am na. Daming sinasabi nito eh.

Hehehehehehe love you Arsheeeeey 😘

Love you too. Sleep na. 😘

•MAINE•

Our fieldtrip is scheduled today. Hindi ko alam kung bakit last week ng January talaga nila napiling itaon yung field trip namin pero okay na rin naman siguro. Tapos na rin naman yung exams. Wala pa namang mabigat na gagawin for this quarter.

Nagising naman ako ng maaga, around 4:15am na rin ata yon. Naligo na ako agad para pagdating ni RJ, nakapagprepare na ko. Baka sabihin ang bagal ko pang kumilos, minsan kasi atat yun eh.

Sakto ngang pagbaba ko, nandun na siya sa sala namin. Nakaupo, kausap si tatay. Hindi muna ako nagpakita, tinitingnan at pinapakinggan ko lang sila ni tatay habang nag-uusap.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo, RJ? Ayos naman ba?"

"Opo tito, ayos naman po. Hindi naman po napapabayaan."

"Mabuti naman kung ganoon. Alam kong mahirap din sa parte mo dahil nawala ang mommy mo."

"Malungkot po minsan, tito. Namimiss ko din po kasi si mommy. Pero nakakaya naman po sa araw-araw."

"Hindi naman ba sumasakit ang ulo mo kay Menggay?"

Doon na ko lumabas. Ako na kasi yung pinag-uusapan eh.

"Tay naman!"

I saw RJ grinning from ear to ear as I walked towards them. Nagmano ako kay tatay at umupo sa tabi ni RJ pagkatapos. Kinurot ko siya sa tagiliran kasi nakangisi pa din. Bastooooos.

"Aray naman, Menggay!" he said as he started stroking his sides. "Inaano ka ba?!"

"Nang-aasar ka na naman eh," I said, pouting.

Nakita kong napailing si tatay sa amin saka tumayo. "Tara na't kumain na muna kayo bago kayo umalis."

Tumuloy na kami sa dining area para kumain ng breakfast. Pagtingin ko sa table, may nakahandang tapsilog si nanay para sa'kin, tocilog naman kay RJ kasi favorite breakfast niya yun. Kakain na sana ako pagkaupo ko nung mapansin ko yung basket.

"Nay, namalengke na po kayo? Bakit may basket po dito?"

She went on to sit in front of me. "Dadalhin mo yan, Menggay. Nandiyan yung mga chips na pinabili mo."

Your UniverseWhere stories live. Discover now