#YU39

3K 254 19
                                    

•MAINE•
Saturday

The Sports Club, where my friends and I (except Gio since hindi siya member ng kahit anong team) are preparing the booth we are going to use for our school's foundation week. May free use of darts, chess boards, may basketball rack din (the one used on arcades) saka may available dance revo din. Our booth is situated at the near end of the school grounds, near the flag pole kaya medyo malaki yung space. Madami kasing equipments na nilalagay kaya kailangan ng mas malaking space.

"RJ, hindi diyan kasi. Dun mo na lang ilagay sa may left side... sa tabi ng—ayan diyan teka teka mali!!!"

Padabog niyang binagsak yung box ng mga bola saka ako tiningnan, his eyes obviously irritated since kanina ko pa siya inuutusan.

"Saan ba kasi talaga?" he annoyingly asked while scratching his head. He sat on the floor and closed his eyes, heaving a sigh. "Kanina pa ko nagpapabalik-balik dito, Maine."

"Dun kasi yan sa tabi ng isa pang box, RJ," nilapitan ko siya and sat beside him. Kinuha ko yung towel na nakasukbit sa may braso niya, saka ko siya pinunasan ng pawis. "Sige na diyan mo na muna ilagay yan, pahinga ka na muna. Ako na maglalagay niyan doon mamaya."

"Huy ang bigat kaya nito."

"Nahihirapan ka na eh, ako na lang mamaya."

Hindi ko pa siya tapos punasan ng pawis pero tumayo na siya at nilapag sa tamang pwesto yung box ng mga bola, saka siya bumalik sa tabi ko.

"Ayan tapos na," he told me.

"Diba sabi ko ako na lang?"

"Bakit parang naiinis ka?"

"Sabi mo kasi kanina pabalik-balik ka na kaya ako na lang maglalagay," I told him.

He stood up and walked towards the door. We heard the boys outside with Karla. "Hoy ano RJ ano iiwan mo na lang ako dito?" I asked him annoyingly.

Tumingin siya sa'kin, his face blank with expression. "Lalabas muna ako kung ganyang mainit ulo mo."

At talagang iniwan na niya ako dito!

Nagkasalubong pa sila ni Karla nung palabas siya dito. "Anyare dun?" Karla asked after sitting down on the chair beside me. "Bakit nakasimangot?"

"Ewan ko dun! Sabi ko lang naman kasi mali siya ng napaglagyan kaya ako na magbababa mamaya tapos nainis na."

"Baka naman kasi iniinis mo, girl."

"Uy grabe hindi ah! Mali lang talaga siya ng lagay kanina."

"E kanina pa naman nagbubuhat yung jowa mo ano ka ba. Sina Paolo nga nagpapahinga na dun sa may lobby kanina pa. Hello, nauna kayo ni Richard kanina diba so malamang pagod na yon."

Now that Karla mentioned it, kanina pa nga rin talaga nagbubuhat si RJ. Napikon nga ata talaga sa'kin kaya nagwalkout na. For him na hindi madaling mapikon, sumobra na ata ako. Pagod pa siya. Hay. Ang shunga lang, Maine!

"Oh, san ka na pupunta niyan?" Karla asked when I stood up.

"Pupuntahan ko muna si RJ!"

I was running towards the lobby where RJ was resting together with Paolo and Kevin when I tripped on one of the cables. Pagtingin ko, sugat sugat yung tuhod ko kasi naka-shorts ako.

"Ang lampa mo talaga, Meng," I mumbled to myself. Paayos na ako ng upo nung makita kong patakbo si RJ papunta sa'kin.

"Meng! Okay ka lang ba?" tanong niya ng makalapit siya. "Paps, pabasa naman nitong towel ko tapos pahingi ng first aid kit sa clinic," sabi niya kay Paolo. Hawak niya lang yung tuhod ko, checking if it's okay. Inalalayan niya akong tumayo para makaupo ng maayos sa lobby where he started attending my wounds. Dumating na si Paolo at inabot sa kanya yung first aid kit. Tahimik lang niyang nililinis yung mga sugat ko until I started wincing.

Your UniverseWhere stories live. Discover now