#YU11

4.4K 357 127
                                    

Happy 21st monthsary to my favorite dorks, my forever loves, Richard and Nicomaine 💛
PS. Kumapit ka, baka may mahampas ka. And please use #YU11 on twitter. Thank you 💛

•RICHARD•

Maine continued to receive gifts for days. Minsan maliliit na box na may candies, minsan flowers. Laging iniiwan sa ibabaw ng table niya na naaabutan naman namin sa room when we go back after our break. Ngayon, desidido na kong malaman kung sinong naglalagay ng mga kung anu-ano sa table niya.

"Paps, sigurado ka ba dito?" tanong sa'kin ni Paolo. Nagpaiwan kami sa gilid ng hagdan to check kung sino nga yun. Hindi kasi namin pinag-uusapan ni Maine yung tungkol sa mga natatanggap niya. I don't want to ask and I don't want to make her feel uncomfortable because of that. But one time, she told me that she's getting really creeped out about it. Kaya gusto ko na rin talagang malaman kung sino nga yun because I wanted him to stop. Not that I have the right but when she told me about it being creepy, nag-alala na rin ako.

"Susmaryosep, Poks. Nagugutom na ko. Kanina pa tayo dito. Wala namang pumapasok sa room natin," sabi ni Paolo. "10 minutes na lang, tapos na yung breaktime natin. Bumaba na tayo!"

"Sige na, bumaba ka na. Ako na bahala dito," sabi ko sa kanya. "Wag ka na lang maingay kina Maine kung bakit ako nandito."

"Anong sasabihin ko?"

"Magdahilan ka, sabihin mo gumagawa ako ng homework, ganon."

"Ulul. Ikaw gagawa ng homework dito? Sinong niloloko mo? Kahapon mo pa tapos lahat ng homeworks natin ngayon, wag kang ano."

I sighed and pushed him lightly as he walked down the stairs. "Bahala ka na nga kasi kung anong sa—shit. Si Maine naririnig ko."

And there she is, walking towards us, her left hand holding a paperbag and her right holding a mango shake. "RJ!" she called me and ran towards my side. "Dinalhan na lang kita ng food. Hindi ka na kasi bumaba eh," Tumingin siya sa amin ni Paolo. "Bakit nandito kayo sa labas? Akala namin ni Karla nandun kayo sa loob."

"Oo nga, sabi kasi ni Kevin kanina sa baba nasa room daw kayo." Karla told us as she sat beside Maine.

"Bababa na dapat kami ni paps kaso naunahan niyo na kami," sabi ni Paolo.

Hinila na ni Paolo si Karla pababa ng hagdan. Nagulat yata si Karla kaya muntik ma-out of balance. Buti nasalo siya ni Paolo agad. "Hinayupak ka, Hernandez! Muntik na kong malaglag!" sabi ni Karla sa kanya habang hinahampas siya sa braso.

"Aray ko naman, Karla! Masakit yan ah! Saka ano ka ba, nasalo naman kita agad! Ako nga yung nahulog na eh!"

Nagkatinginan kami ni Maine sa sinabi ni Paolo. Si Karla nagulat din eh. "Anong sabi mo?" Hindi sumagot si Paolo. "Hoy Paolo anong—hmmppp!"

"Mauna na kami, Poks! Babalik na lang kami!"

Naiwan na kami ni Maine sa gilid ng room namin, sa may mga casket. Sa lahat kasi ng gilid ng mga hagdan namin, may mga caskets na puno ng cleaning materials na pwedeng gamitin ng mga students para linisin yung mga classrooms. Umupo na kami ni Maine doon saka ako nagsimulang kumain nung dala niya.

"Ang cute nina Pao 'no? May gusto ba siya kay Karla?" tanong ni Maine sa'kin. Ngayon ko naisip, ilang araw na ring bukambibig ni Paolo si Karla.

Your UniverseWhere stories live. Discover now