#YU31

3.3K 285 53
                                    

•MAINE•

Tito Richard invited me to come to their house for lunch. Parang despedida na rin for Kuya Dan since he's going to be with their lolo and lola sa States. Mamayang madaling-araw na kasi yung alis ni Kuya Dan. Dapat si RJ ang pupunta kaso tatanggi pa nga lang daw siya pero nagvolunteer na daw si Kuya Dan. I still have yet to prove that since sinabi lang yon ni RJ sa akin sa phone.

Pagkahatid sa akin nina nanay sa bahay nina RJ, naabutan ko silang nag-aayos ng mga gamit.

"O, Meng. Hinatid ka ba ng nanay at tatay mo?" Tito Richard asked as he guided me towards the living room. "Pasensya na at makalat. Inaayos kasi namin ang bahay."

"Ah, opo hinatid po ako nina tatay, tito," I sat on one of the couches. I saw the big boxes and other personal things. "Kanino po itong mga gamit?"

"Kay Dan yang mga yan, ilalagay sa storage room. May mga gamit nga din si RJ na nakakalat, lilipat kasi siya sa kwarto ni Dan eh."

"Nakapag-ayos na po ba si Kuya Dan ng mga dadalhin niya?" I asked.

"Oo, anak. Kaya mga gamit naman ni RJ ang aayusin namin."

"Pwede po ba akong tumulong?" I asked. "Saka, nasaan po si Angel?"

"Naku, wag na. Kasama ko naman sina Mary at RJ sa taas. Maupo ka na lang diyan at maya-maya, makakaluto na rin si manang. Si Angel nasa mga Tita Jo niya, doon natulog."

"Tito, aakyat na lang po ako sa kwarto ni RJ kung okay lang po," I asked him. Ayoko naman kasing umupo na lang tapos sila nag-aayos pa. Tutulong na lang siguro ako.

Sasagot na sana si Tito Richard nung narinig naming nagsisisigaw si Mary sa taas.

"Dad!!! Si Kuya RJ ayaw kumilos oh! Hindi ko naman mabubuhat mag-isa tong mga gamit niya!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Tito Richard saka ako natawa ng mahina. Si Tito naman, napailing na lang saka nagkamot ng ulo.

"Sige na Menggay, akyatin mo na sina RJ sa kwarto niya. Mukhang nag-aaway na naman yung dalawa sa taas."

I smiled at him and went upstairs. Pagtapat ko sa kwarto ni RJ, I saw him sitting on the edge of his bed, while Mary is putting all his Ironman toys on one container. The big ones are still displayed on his room.

"RJ," I nudged him as I sat beside him. Hindi man lang ako tiningnan at sobrang busy niya talaga sa phone niya. "Ano bang ginagawa mo?"

"Naku ate, kanina pa yan hindi makausap ng maayos. Pano naglalaro ng Mobile Legends!" Mary told me while scratching her head. "Ang sarap itapon ng phone niya nakakabwisit."

Wala talaga siyang tinag, hindi talaga ako pinansin. Mahusay, Pokerson. "Mukhang wala naman akong planong pansinin ng kuya mo kaya ako na lang tutulong sa'yo diyan," nilapitan ko na siya saka tumulong mag-ayos ng mga gamit ni RJ. "Saan ba ilalagay tong mga to?"

"Ililipat yan sa kabilang kwarto, ate. Gagawin na kasing guest room tong kwarto ni Kuya RJ."

Sinimulan na naming ilipat ni Mary sa kabilang kwarto yung mga gamit ni RJ. Inuna na muna namin yung mga kaya naming buhatin yung magagaan hanggang sa naiwan na yung mga mabibigat na kailangang buhatin.

"Ate, kukuha lang ako ng maiinom natin ha? Saka pansaboy na rin kay kuya. Busy pa din oh," Mary said and went downstairs. Tinabihan ko naman si RJ na busy pa din sa Mobile Legends. Nakakairita to ha.

"RJ..." I poked his arm. "RJ, huy..."

Wala pa din. Aba teka.

"Richard Faulkerson Jr.!" I shouted which startled him and dropped his phone. He turned and faced me.

Your UniverseWhere stories live. Discover now