#YU41

2.7K 219 18
                                    

•RICHARD•

Pagkatapos ng petiks week namin because of the school activities, dumaan naman kami sa slightly hell week dahil sa midterms. Slightly hell week were Maine's terms, paano nangarag na naman siya. Buti na lang matalas memory nito kahit saglit lang nakapag-aral.

"Ugh, I can't wait to graduate and enjoy summer! Puro aral na lang tayo ngayon, gusto ko nang mag-beach!"

"Girl, kainin mo na to, tapos na tayo sa midterms. Finals na lang aatupagin natin then tapos na! I'm sure tong pagkapetiks natin mamimiss mo din pag college na tayo. Hala sige, kain!" Karla pushed the plate with the ensaymada on it. Gawa daw ng yaya niya.

Nandito kami kina Karla ngayon, tambay lang after our midterm exams. Magkakatabi silang tatlo na nakahiga sa pool loungers nina Karla. Nakadantay lang ako kay Maine, sa may bandang tiyan niya. Sina Paolo kasi nasa loob, naglalaro ng xbox sa sala.

"Teka nga, bakit ka nandito Richard?" tanong ni Gio sakin. "Bakit di ka maglaro ng xbox dun?"

"Magrereklamo na naman si Kevin na natatalo ko siya eh."

"Dun ka na nga! May girl talk lang kami nina Maine!"

"Ano ba yan ang ganda na ng upo ko dito eh!" sumiksik pa ko sa gilid ni Maine para di ako maitulak nina Gio kaso pucha ang lakas nila grabe.

"RJ para kang sira. Sa sala ka lang naman pupunta huy," sita ni Maine sakin.

"Ehhh dito na lang ako mas masarap umupo dito oh."

"Hay nako stop being pacute oy hindi ka na five, Pokerson," she said with that smirk on her face.

"Ah ganon ha. Ganyanan pala ha," sinimulan ko na siyang kilitiin sa tagiliran. Malakas kasi kiliti ni Meng don kaya alam kong wala na yang palag.

"Tigil na RJ ano ba!!!"

"At nagharutan na naman po ang payb at tri," naramdaman kong tinapik ako ni Karla sa balikat. "Sige na, payb. May pag-uusapan lang kasi kami. Ito naman masyadong clingy."

I was left with no choice but to stand up kasi ang sama na ng tingin ni Gio sakin. I kissed Maine on top of her head bago ako pumasok sa loob. Siniringan pa ko ni Giovanna. Akala mo siya walang boyfriend eh. Baliw baliw din.

Pagkapasok ko sa sala, saktong kakatapos lang ng game nina Paolo at Kevin.

"Oh, bakit ka nandito? Pinalayas ka na no?" Paolo asked. Binatuhan na din niya ako ng soda in can pagkaupo ko sa sofa.

"Girl talk daw eh."

"Sus, magchichismisan lang yang tatlong yan," sabi ni Kevin. "Si Gio di ako pinapansin kapag may girl talk sila eh."

"First time kang pinalayas ni Maine no?"

"Oo eh. E kasi ngayon lang din sila nag-girl talk na kasama ako."

Tinatawanan lang ako nina Paolo at Kevin habang kumakain na kami ng chips. Ang babaw ko diba? Hindi naman kasi ako sanay.

"Maiba ko Poks, anong plano mo sa birthday ni Maine?" Paolo asked.

"Teka, natapat sa prom yung birthday niya diba?" Kevin said.

"Yun na nga, natapat sa prom. Buti na lang natanong ko kaagad kay Ms. Carvalho. Sakto naman na last year nagrelease ng tour dates ang Coldplay diba?"

Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon