3~

47 11 4
                                    

"Ready na ba kayo?"

Tanong ni kuya Ivan saamin. Paano ba naman kasi nakisiksik pa itong mga kupal sa Van kasama rin si Axell. Papunta kami sa Shop nang tita namin,kapatid ni dad. Magpapasukat na kasi kami nang jersey niyan. Habang nasa byahe kami ay nakaupo ako passenger seat. Kasi medyo malayo pa ang pupuntahan namin, ayoko naman makipagsiksikan sa loob, lalo na't ang gugulo nang mga pinsan ko. Isang oras ang nakalipas ay buti nakarating na kami, dahil hindi ko na kinaya ang kaingayan nang mga pinsan ko.

"Hi tita" sabay beso ayaw naman niyang mag pa mano kaya beso beso nalang. Nagmumukhang matanda daw siya.

"Hello darling, Saan ang kuya mo?Pasok kayo"tanong naman niya saakin at hinahanap hanap pa niya ito.

"Nag park lang po gilid"Nang maka pasok na kami ay bigla nalang nilambing nang mga pinsan ko ang tita namin. Pinsan ko sila sa Father side kaya tita rin nila.

"Mga binata na ang mga pamangkin ko, lalo na sa nag iisang dalaga na pamangkin ko" niyakap kami ni tita. Huh? Apat  magkakapatid sila daddy si tita july si tito June at itong si tita May (mey)at ang daddy ko. Anak ni tita july itong limang kumag na ito. Panganay si kuya Justin graduate na siya actually sunod naman sakanya si kuya Ice kakagraduate palang nang college pero kailangan parin niyang pumasok at si kuya Math naman ay fourth year college na sa pasukan. Si kuya Ricky naman ay third year college sa pasukan at si kuya Von na second Year College rin sa pasukan kasi nag ulit siya. Lahat sila college na ako naman sesecond year college sa pasukan. Ka batch ni kuya Ivan si kuya Justin.

"Yung anak po ni tito june yung si Angela?"tanong ko dahil nakakalaro ko pa siya nang barbie dati. Kahit na ayaw namin ang barbie doll pinagtiisan namin yun dati kasi gusto niya baril barilan e ako? Ang gusto ko naman sasakyan kaya sabi ng mga kupal mag aral muna ako mag bike bago yun. Kaya wala akong magawa kundi gawin ang mga gusto nila.

"Angelo kamo, Kahit anong pilit nila tito at tita mo na pasuotin siya nang dress ayaw naman niya, Tomboy ata yung pinsan mo" hahahaha hanggang ngayon lalaking lalaki parin siguro galaw nun.

"Tita May,si kuya mark? Nasaan?" Tanong ko, anak naman siya ni tita kaisa isang anak.

"Busy siya nasa probinsya may project nanaman sila" engineer still engineer kawawa naman si Kuya Mark walang bakasyon. Ako kaya pag naging  architect ako may bakasyon rin ba ako?

"Umpisahan na natin? Btw sino yung guy na kasama nila Von? Si tita talaga hindi parin nauubusan nang tanong.

"Kapitbahay po namin, tara na umpisahan na natin tita" pag iiba ko nang topic. Mahirap pa naman mauto si tita.

"Kala ko boyfriend mo, kanina pa kasi tingin ng tingin sayo" bulong ni tita tyaka niya kinuha yung tape measure sa loob nang isang room. Nang maka alis si tita ay lumingon ako kay Axell na nakatingin talaga siya saakin. Anong problema netong lalaking ito?

Sinukatan naman silang lahat at itong limang ito ang kukulit gusto pumunta sa mini Cafe nila tita. Buti nalang nanjan si kuya para maiba yung usapan. At last si Axell na ang sinusukatan.

"Anong pangalan mo iho?" Tanong ni tita, hahaha Q&A ay mag uumpisa na.

"Axell po." Aba, magalang. Sampalin ko kaya ito.

"Alam mo ba bagay kayo ni Ivy, at yang mata mo iho ang lakas maka twilight" natatawang sabi ni tita. Pati si tita alam rin ang mga yun. Paano ba naman kasi si kuya mark ang may pakanan ng lahat.

"Hindi po kami bagay ni Panget" sabay tingin saakin ni Axell, may gana pang ngumisi. At may gana pang mang lait saakin.

"Mas lalong ayoko naman tita, ayoko sa abnormal" bawi ko sa sinabi niya, na hurt ako sa sinabi niya a. Makakasapak ata ako nang abnormal ngayon a.

First Love Never DieWhere stories live. Discover now