24~

19 6 3
                                    

Nagbihis na ako at humiga sinubukan ng mga pinsan ko na kausapin ako pero sinabi ko nalang na ayaw ko muna. Dahil hindi ako makatulog ay umupo nalang muna ako kama at tinawagan si Alex.

"VYYYY! GOSHHH BUTI NAHANAP KA NI AXELL" bakit siya nanaman? Bakit sa mukha ng lahat siya nalang ang tama?!

"Lex, pwede bang huwag natin siya pag usapan? Kalimutan natin ang kaugnayan natin sakanya?" Pumayag naman siya dahil ayaw niya rin naman akong nasasaktan. Sinabi ko na mukhang hindi ako makakapasok bukas dahil nanghihina parin ako. Pumunta ako sa Terrace nakikita ko ang stars. Naalala ko nanaman yung binigay niyang kwintas.

"Para kang shooting star....isang napakagandang pangyayari sa buhay ko"

Pinilit kong huwag isipin siya pero luha ang kapalit....Mas lalo akong nanghihina sa tuwing iiyak ako.. Tumingin ako sa kung saan ko nakita si Axell.. Nakita ko siya... Umiiyak habang nakatingin sa langit. Ewan ko pero bigla nalang ako napahiga at nanghihina.





IVAN P.O.V.

Alam namin na mahina si Ivy, pero bakit niya natanong saamin yun? Nagtataka kami dahil hindi pa nagbubukas ang pinto ni Ivy siguro ay hindi siya pumasok dahil masakit ang ulo.

"Manang pagising naman si Ivy" pumunta naman si manang sa taas para tawagin si Ivy pero isang sigaw ni manang ang nagpatakbo saamin ni Justin papunta sa kwarto ni Ivy.


"Ivvvvyyyyyy! Naku bata ang taas ng lagnat mo" sigaw ni manang


Pagkarating namin sa kwarto ni Ivy ay nakita namin si Manang na nasa terrace at nakahiga si Ivy... Kinabahan ako ng hawakan ko siya sobrang init niya. Nakita ko nagsuka pa siya ng dugo na may buo dinala na namin siya sa hospital tumawag naman si Justin kila mommy at daddy. Samantalang sinabihan ko ang mga pinsan namin na sa hospital na dumeretsyo. Ano bang nangyayare sakanya? Nasaktan ko pa siya kagabi kaya alam ko na galit siya saakin.



Ivy P.O.V.

Nagising ako sa kaingayan ng pinsan ko unti unti kong binuksan ang mga mata ko nakita ko sila na nagtatawanan. Pero bigla akong nagsuka ng dugo na agad naman naka agaw pansin sa mga pinsan ko.

"Tumawag kayo ng doctor" lumapit naman saakin si kuya at tinatanong kung okay lang ako. Hindi ko siya sinagot at pumikit nalang ako.
Pumunta naman ang  doctor dito at sinabing Sa sobrang init ko ay nagsusuka na ako ng dugo kaya lumalabas ito ng buo.


"Uuwi muna kami, Ice at Von maiwan kayo hintayin niyo muna makapunta dito sila Alex bago kayo umuwi"


Habang naglalari ng Lol ang dalawa kong pinsan ay nagulat sila nang magsalita ako.


"Paano kung na friendzoned kayo? Anong gagawin niyo?" Napatingin sila sa isat isa at lumapit saakin.


"Nakakagulat ka naman... Pero salamat kinausap mo kami" sabi ni kuya Von.



"Sasagutin namin yan kung sasabihin mo kung bakit ka nagkakaganyan"

No choice.



"Nainlove kasi ako sa lalaking dapat kaibigan lang, kaso umasa ako sa pag aalaga niya saakin. Siya lang ang lalaking nagturo kung paano maghintay kaso nainlove ako sa lalaking inlove sa iba, umayaw na ako dahil tanga na ako at lalong pagod na umaasa" walang tumulong luha sa aking mga mata dahil pati ang mata ko wala ng iluluha pa.  



First Love Never DieWhere stories live. Discover now