17~

32 8 7
                                    






Nagising ako sa talon ni Calvin sa kama ko. Tumayo ako pero sobrang sakit ng ulo ko. Sino ba naman ang hindi sasakit ang ulo e uminom kami sa bar.
Kahit masakit ang ulo ko ay tumayo parin ako at naghugas ng mukha. Matapos kong maghugas nakita ko naman na magkasama si Calvin at Axell sa labas. Nakita ko naman sa lamesa na may isang tasang kape. Ito pala ang naamoy ko kanina, kinuha ko ito at pumunta sa tabing dagat at duon ko iinomin. Lasap ko ang bawat hampas ng hangin habang nilalaro nila ang buhok. Masakit na hindi ako pinansin ni Axell hindi ko mapigilan itong nararamdaman ko para sakanya. Parang falls ang luha ko na hinding hindi nauubos, kaya pala niya akong tiisin pero paano ako? Halos hindi ko na makita ang dagat dahil sa mga luha ko. Nagulat ako nang may maramdaman akong yumakap saakin.




"Ate bakit ka umiiyak?" Nakita ko si Calvin na nakayakap saakin,samantalang si Axell ay nakatingin sa dagat na parang wala ako.




"Wala baby, nasaktan kasi si Ate Ivy kaya ganito" sinubukan kong magpapansin kay Axell pero parang wala parin. Kaya dali dali akong pumasok sa kwarto at nag aayos ng damit. Aalis nalang ako tutal tapos na ang birthday ni Calvin. Nang maka ayos na ako ay biglang pumasok si Axell at parang nagtataka sa ginagawa ko..





"Anong ginagawa mo?!" Takang taka siya sa ginagawa ko. Wala naman siya pake bakit pa siya nagtatanong. Hindi ko siya sinagot dahil naiinis lang ako. Lalabas na sana ako ng pumasok si Alex sa kwarto ko.




"Goodmorn—, VYY SAAN KA PUPUNTA?!" Sabi ni alex saakin pati siya ay nagtataka.





"Aalis na babalik na ako ng manila, pasabi nalang sa kasama ko uuwi na ako" yun nalang ang nasabi ko dali dali humarang sa daan ko si Axell habang si Alex ay hindi alam ang gagawin saamin.





"Hindi ka aalis malayo dito ang manila!!! Makinig ka saakin ano ba huminto ka nga" naglalakad parin ako palabas ng resort pero pinigilan ako ni Axell. Kinuha naman niya ang mga gamit ko.






"ANO BA AXELL AKIN NA GAMIT KOOO!!" Sigaw ko. Pero natigilan ako ng umiiyak na siya. Nang hihina ako na makita siyang ganyan. Hindi ko makaya na ang taong mahal ko ay umiiyak sa harap ko. Pero ewan ko bigla ko nalang siyang niyakap. At umiyak na rin ako. Hindi ko maintindihan pero kusa nalang nagyare. Habang umiiyak ako sakanya ay tumigil na siya sa pag luha.






"Huwag mo ng uulitin yun ah" habang nakayakao parin ako sakanya. Tumango nalang ako at bumalik na kami sa tinutuluyan namin. Nakayuko parin ako dahil sa kalokohan kong ginawa.





"So bakit ka naglasing" ini angat  niya ako sa pagkakayuko. Pero nang tignan ko siya feeling ko natutunaw na ako.







"Wala lang" pagiiwas ko. Pero hindi niya ako tinantanan.







"Ano ngaaaaa" naka poker face na ang mukha niya. Sabihin ko na kayaaa...






"Ahhh kasi iniwan mo ako nuon hindi mo pa ako pinakilala bigla ka nalang nang iwan" pero sa isip isip ko sana maniwala ka, kahit ang totoo ay nasasaktan na ako nung gabi yun. Ginawa ko ang best ko para maniwala siya at salamat kay lord naniwala naman si Axell.







"Sorry napasarap yung usapan e" umirap nalang ako sa kagaguhan niua at sa pag iwan niya saakin.







"Anong lasa?" Pabalang kong sagot. So ganun hindi niya ako naalala nun? Wow just wow.







"Eto naman.... Sorry na" ayun e, eto pa ang isa kong kahinaan e. "Ano pa ba ang magagawa ko nangyare na e" agad naman siyang ngumiti at nag yes. Napatigil kaming dalawa ng may kumatok sa pinto.






"Tama na ang ka sweetan, tara ligo na sa beach sulitin niyo na uuwi pa tayo ng hapon" nakangiting nakakaloko si Alex.







Nagbihis naman kami at lumabas. Habang naliligo sila ay ako naman naka upo sa ilalim ng punong buko.
Nakita ko naman na naliligo sila at nilalaro rin ni Axell si Calvin mukhang close na rin sila. Nang naisipan ko nang maligo ay pumunta ako sa pwesto ni Alex.





"Tangna mo Vy! Nilasing mo ako kagabi hahaha" jusme! Gustong gusto pa niyang nalasing.







"Ayyy hindi ko na kasalanan Lex! Umimom ka rin hahaha"






Nagbonding naman kami nila Alex, Calvin at Axell. Sobrang saya naman ni Calvin dahil tumawag na ang mama niya. Sinamahan ko naman si Calvin na naghahanap ng mga magaganda bato samantalang si Alex ay umahon na at si Axell ay sinusundan lang kami.






"Ate ayun maganda"sabay turo niya sa batang babae napatawa naman si Axell sa sinabo ni Calvin.









"Baby, hindi yan bato. Tao yan hahaha ikaw ah gusto mo siya noh?"natatawa na rin ako sa pinagsasabi ni Calvin. Lumapit naman si Axell saamin at sinabing.






"Gusto mo ligawan mo ako bahala tiwala lang kay kuya Axell" umoo naman si calvin. Haysss hinampas ko naman si Axell dahil kung ano ano yung pinagsasabi sa bata.







"Picture tayooo" sabi ko kay Axell. Ewan ka pero parang gusto magpicture kami nilabas naman niya ang phone at nag picture kami selfie kumbaga habang ang nasa likod namin ang magandang view. Third pictures with him. Maya maya may mga lalaking lumapit saakin kasi umalis saglit si Axell dahil kinuha si Calvin malapit na kasi si Calvin sa dagat.







"Ate Single ka?" Agad naman lumapit saakin si Axell at Calvin. Pero bago sila umalis ay sinagot ko ang tanong nila.










"AHH KUYA Oo, single ako kasi may hinihintay ako" nakangiti ako sakanila at ang mukha naman ni Axell ay nagtataka.








"Sana yang hinihintay mo ate worth it, Maganda ka pa naman" at umalis na sila.











Sana nga.......

Author's Note

Hahahah naka ilang ud ba ako sa isang araw? Hahahaha. Gusto ko na kasing matapos ito kasi ang daming scene na pumapasok sa utak ko hahaha.

Edit ko nalang pag may time ako paki intindi nalang mga bess

-ate kaky Ashe.

First Love Never DieWhere stories live. Discover now