37~

25 7 2
                                    


Excited ako, dahil nagreready na kami nila Alex at Gab mamayang gabi. Tuloy naman na sasama sila kuya kaso susunod nalang daw sila. So eto kinakabahan ako kanina pa at hindi mapakali.



"Halatang kinakabahan ka HAHAHA" sabay tawa ni Alex.




"Sino bang hindi kakabahan mamaya palpak itong surprise natin" naka upo ako ngayon sa sofa at hinihintay na magdilim para makapunta na sa Condo ni A.J.




"Ang OA mo gurl, kalma ka lang diyan" habang inaayos nila yung mga card. Bale si Gab hawak ang mga gift at card ko samantalang si Alex naman ay sa party poppers at ako naman sa Cake. Hindi ako makapaniwala na Isang taon na kami, ang saya saya ko ngayon. Habang nag aayos kami lumapit saamin si Kuya Ivan.




"Happy Anniversarry sainyo" habang naka ngiti saakin, lagi kasing seryoso si kuya pero ngumingiti at tumatawa rin yan.







"Thanks" yan nalang ang nasabi ko dahil hindi pa naman kami bati. Umalis na agad si kuya at pumunta sa kusina, saktong tumawag naman sila Mommy.




"Hi nak, Happy Aniversaary Sainyo ni Axell, Stay Strong" pagbungad saamin ni Mommy.





"Thank you Mom, Si Daddy?" Hindi ko kasi siya makita e.





"Naliligo na, may meeting kasi kami mamaya"




"Mom, kung may time pa kayo magpahinga naman kayo" parang ako yung nanay e kung maka remind sakanila.





"Okay my dear, Ingat na kayo diyan" nagpaalam naman kaming tatlo kay mommy. Dapat 8:30 kami pupunta para hindi halata na pupunta kami sa Condo niya. Edi sumakay na kami sa sasakyan dahil si Gab ang mag dridrive ang tagal tagal pa naman niya mag maneho buti pa si Alex, ang bilis. Eksaktong 9:00 kami nakarating pinagalitan ko pa si Gab pagkarating namin. Edi nag ayos muna kami at syempre ako, habang papunta na kami sa Elevator lalo akong kinakabahan hindi ko alam kung bakit. Edi Nandito na kami sa labas ng pinto pero naka lock buti nalang may duplicate ako. Pero pag bukas ko nakita ko si Monica at A.J. Gumagawa ng milagro. Pumutok ang party popper sakanila at nagulat sila dahil nandito kami. Parang nanghihina ako sa nakikita ko, Bigla nalang nagsi patak ang mga luha ko. Ang sakit, bakit si monica pa, kaibigan ko siya. Bigla nagbihis silang dalawa at lumapit naman saakin si A.J. pero bago niya ako hawakan binato ko sakanya yung cake na binili namin.




"TANG *NA NIYOOOO!!!! ANG GAGO NIYO, MONICAAAAA BOYFRIEND KO YAN!!" Kinuha ko yung party popper kay Alex na hanggang ngayon shock parin. Pinaghahampas ko si A.J. sa harap ko.




"Sorry, hindi ko sinasadya. Natukso lang ako, Sorry na I.C. ko" nang manghina na ako ay tumigil ako.





"AXELL, MINAHAL KITA BUONG BUO, ANG SAKIT SAKIT KAIBIGAN KO PA ANG TINITIRA MO, SANA MANLANG NAISIP MO AKO HABANG GINAGAWA MO YAN, INISIP MO NA MASASAKTAN AKO! akala ko maiintindihan mo ako kasi MAHAL MO AKO. KAILAN PA? KAILANG PA KAYO NAGTITIRAHAN SA ISAT ISA?" nagulat nalang ako ng sintukin ni Gab si Axell.




"Kakalimutan ko na bakla ako ngayon, mabugbog lang kita!" Halata na galit na galit si Gab. Sumunod naman si Alex na sinampal si Monica.




"GAGO KA MONICA! NANG AHAS KA NA NGA SA MAY JOWA PA! BILIB RIN AKO KAKATIHAN MO GAGO!" ilang beses niyang pinagsasampal si monica, Si Axell natulala nalang. Pinigilan ko na si Alex at kinausap siya.




"Im really sorry, Ivy. Hindi ko gusto na saktan kita" hinubad ko ang converse ko na sapatos at hinampas sa mukha niya.







First Love Never DieWhere stories live. Discover now