10~

40 9 0
                                    

Hindi naman ako nabigo dahil nanalo sila. Akala ko ipapasabay na ako ni Axell sa mga kupals, nang sinabi niya na sabay ulit ako sakanya.

Nang nasa sasakyan na kami ay nakikita ko sa mukha niya na masaya siya, kaya masaya na rin ako. Kahit na abnormal ito mahal ko parin siya.

Pero akala ko masaya na ako dahil masaya siya pero nagbago ang lahat nang banggitin niya ulit si Nica.

"Alam mo kung nandito si Nica masaya yun saakin kasi dati pinipilit niya ako mag laro kaso nung time na yung hindi ko pa siya mahal, nakaka miss talaga siya" tumingin naman siya saakin dahil nanahimik ako sa mga sinasabi niya.

"Natahimik ka? Hindi ka ba masaya na nanalo kami?" Dugtong niya pero hindi ko pa rin siya kina kausap.

Ayaw ko na pagod na ako, Ilang linggo pa lang kami naging mag kaibigan at dalawang buwan ko na siyang nakilala pero kahit ganun paulit ulit nalang ako nasasaktan.

"Magsalita ka naman" nanatili parin akong tahimik. Ayoko muna siya kausap, dahil baka hindi ko na mapigilan at masabi ko ang nararamdaman ko ngayon.

Kinalabit kalabit niya ako.

"Hindi ka naman ganyan kanina"paano yan?sobra na siyang makulit,bahala na.

"Ivyy, Oyy pansinin mo naman ak—" hindi ko na siya pinatapos dahil nilabas ko na ang kanina ko pa tinatago.

"NICA!NICA!NICA! NANAMAN" napatigil siya dahil sa pag sigaw ko kaya kinalma ko naman ang sarili ko."Ako yung nandito sa tabi mo Axell pero bakit siya parin ang lagi mong bukang bibig. Bakit siya parin?"shit ano na itong pinagsasabi ko nanahimik kami huminto na ang sasakyan sa harap nang bahay.Salamat lord.
Lalabas na sana ako nang ilock niya yung pintuan ko.

"ANO BAA?BABABA NA AKO!"galit ako, galit ako sa sarili ko dahil kahit na nasa tabi ko siya hindi ko parin siya mapantayan.

"Im sorry"nilagay niya ang kanyang mga palad sa mukha niya at hinihila pa niya ang mga buhok niya.Nang makita ko siyang ganyan kusang nanaig ang pagmamahal ko sakanya."Im really sorry".

Sorry nanaman? Mahal ko siya dapat intindihin ko siya yan ang sinasabi nang puso ko.

"Buksan mo ang pinto" binuksan naman niya pero bago ako umalis may sinabi ako.

"Okay lang,Kaibigan lang ako. Siya, mahal mo,kaya namimiss mo siya"pinilit kong ngumiti kahit may luhang pumapatak sa gilid nang mata ko.

Papasok na sana ako sa gate nang may sinabi siya na umaasa ako sa pangako niya.

"IVYY,pangako ko sayo na hinding hindi na kita sasaktan at hindi ko na siya ioopen ang tungkol sakanya"Umalis na siya at pumunta sa bahay niya ag pinark niya.

Umaasa ako sa pangako mo Axell. Huwag mo sanang sirain yun.

Pumasok ako dahil pagod na ako. Pagod ako kaka cheer sa mga kupals lalo na kay Axell. Pag pasok ko sa bahay ay nakita ko ang mga kupals ay natutulog sa Sala. Nakita ko naman si Daddy at Mommy na nag aayos sa office ni Daddy.

Aakyat na sana ako sa kwarto nang tawagin ako ni Mommy kasi makikita ako pag dadaan ako sa hagdan.

"Yes? Mom?"

Lumapit ako para yakapin sila nagiging busy na sila dahil maraming branch ang company ni Daddy at Mommy sa ibang bansa.

"Anak ikaw na bahala sa mga kuya mo alam mo naman na matitigas ang ulo nila tyaka na enroll ko na kayo nabayaran ko na ang dapat bayaran, Aalis kami ni Daddy mo papuntang Italy at Susunod sa France isang buwan kaming mawawala" naiintindihan ko naman sila kaya umoo na ako. Umakyat na ako sa kwarto. Geez nakakapagod rin pala. Nagpahinga naman ako saglit pero napag desisyon ko na mag open nang facebook ko. Ang daming nag frifriend request saakin 1k hindi ko naman sila ina accept dahil hindi ko sila kilala at lalong maggagalit ang kupals. Nakita ko naman na inadd ako ni Axell Vasquez kaya inaccepted ko na dahil kaibigan naman kami hindi pa pala kami friend sa facebook. At dahil gabi na ay tinawagan ko naman si Alex.

First Love Never DieWhere stories live. Discover now