16~

26 7 6
                                    



Napalingon naman kami sa nagsalita napaka ganda niya medyo hawig ko ang babaeng nasa harap namin. Tumayo naman si Axell para tignan lalo kung sino amg babaeng ito.



"Ate Nicole? Wow at dito pa tayo magkikita?"mukhang kilala nga ni Axell habang nag uusap sila eto ako nga nga kakasabi lang niya na hindi ako iiwan e ano ito?


"Kamusta si Nica?" Aba! Magtatanong pa, nakakaselos na talaga. So ate ni Nica ito? Kaya pala medyo kamukha ko siya.


"Uuwi siya dito sa pinas" eto na ba? Eto na ba ang kinakatakot ko?



Hindi ko na kayang pakinggan sila kay umalis na ako. Bumalik ako kung saan nag paparty ang mga bata. Pulubog na rin ang araw kaya ang ganda tignan.
Nagtanong naman saakin si Alex bakit ganto ang mukha ko.


"Kainis si Axell"



Hindi na sumagot si Axell dahil alam niya na siya ang lagi kong sakit. Nagpaalam naman siya na magliligpit ng pinagpartyhan Ang mga bata ay naliligo na kasama rin ang mga magulang. Tinulungan ko na si Alex dahil hirap na hirap na. Habang naglilipit ako tahimik ako at napapalingon nalang saakin si Alex. Matapos kaming nagligpit ay kinausap ako ni Alex.


"Vy, Okay ka lang? Pwede mo nang ikwento saakin" naawa na si Alex saakin pero mas naawa ako sakanya dahil paulit ulit nalang siya umiintindi saakin. Kinuwento ko naman lahat lahat ng nangyare kanina.



"Alam mo vy, hindi ka makaka move on kung lagi mo siyang kasama kailangan mo siya kalimutan dahil mas lalo kang masasaktan" sabay yakap saakin hindi ko na mapigilan ay umiyak na ako.



"Bakit kasi si Nica nalang lagi, ako yung nandito dinadamayan siya. Pero P*tang *na siya parin. OPTION LANG AKO!!!"Sigaw ko.



Yung iba napapatingin na sa amin dahil sa pag iyak ko.



"Be! Inom tayo" alam kong bawal at mali pero yun ang gusto ko kahit ito lang magawa ko sa ngayon. "Wait lang kukuha lang ako ng tubig"patawa talaga to kahit kailan.



"Tangik, Inom tayo ng alak" hinampas naman ako ng Alex dahil sa kagaguhan ko hindi daw ito ang tamang paraan para makalimot pero gusto ko malasing.



Wala naman nagawa si Alex kundi sumama saakin may bar kasi dito sa resort nila kaya mabilis lang kami nakarating. Habang may nagsasayaw ay kami naman ay umiinom sa gilid.
Habang si Alex ay tinitignan ako.



"Kuyaaaaa isang hard" sabi ko. Binigyan naman ako etong si Alex umiinom na rin hahaha langya aayaw pa e.



Habang tumatagal nag eenjoy na ako sa tugtog at kaingayan ng mga tao. Nagpaalam na muna si Alex na nasusuka kaya dumeretsyo siya sa C.R. habang ako nag eenjoy dito at naka upo parin.




"Hi miss"may isang lalaking may kulay ang buhok na lumapit saakin. Gwapo siya pero mas gwapo ako charottt haha dala na siguro ng kalasingan ko ngayon.




"Hello" walang gana kong sabi. Hindi kasi ako nakikipag usap sa hindi ko kilala.




"Wait? Ikaw si Ivy right?"pati ba naman dito. "Oo bakit?"nagtataka parin ako bakit kilala niya ako.

"Im Asheton Garcia" hindi ko sila kilala pero bakit niya ako kilala. "Sa tingin ko hindi mo ako kilala" malamang mag rereact naman ako pag kilala kita. Nagkwento naman siya kung bakit niya ako kilala. So 3rd year college na siya at nagaaral sa school na pinapasukan namin ni Alex hindi ko siya napapansin pero gwapo siya ha.




"Halos lahat ata ng nagaaral sa Heera University kilala ka" hindi naman siguro o sadyang kilala niya ako. "Nagiisa ka?" Tanong niya saakin pero sumagot na si Alex. "Hindi, kasama ko siya" buti nalang dumating Alex. Nagpaalam naman saakin si Asheton at nagtanong saakin naman saakin si Alex bakit ako kumakausap ng hindi ko kilala sinabi ko naman na siya ang unang lumapit.


Inom lang kami ng inom ni Alex hanggang sa maging baliw na si Alex. Hahaha lasing na kami. Nag simula naman na akong mahilo at parang nasusuka. Hindi na namin kaya kaya umalis na kami sa bar. gewang gewang kaming naglalakad sa daan. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.







Axell P.O.V.


Matapos kong kausapin si Ate Nicole ay parang bula na nawala si Ivy. Hinahanap ko siya pero wala pati rin si Alex wala magkasama siguro yung dalawang yun. Buong resorts ay inikot ko na pero may isa pa akong hindi napupuntahan na imposibkeng puntahan nila Ivy. Habang naghihintay ako sa labas ng Tinutulugan namin ay hindi ko maiwasan na mag alala kay Ivy. Napasarap kasi ako ng kwentuhan kay ate Nicole hindi ko rin siya napakilala. Sa hindi kalayuan dito ay may nakita akong dalawang babae na nagtatawanan mukhang lasing sila nang naaninag ko kung sino sila at  si Ivy at Alex pagpunta ko duon ay nawalan na agad ng malay si Ivy kaya binuhat ko siya papunta sa kama at iiwan ko muna siya sandali para kausapin si Alex sa labas.




"Bakit kayi nag inom?" Agad naman nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Alex at kitang kita mo ang galit.




"Nasasaktan ang kaibigan ko bakit? May magagawa ka?" Anong pinagsasabi niya?siguro dala na rin ng kalasingan.




"Hindi kita naiintindihan bakit nasasaktan si Ivy?" Ang daming kong iniisip at gulong gulo na ako.





"Ganyan kana ba kamanhid? Unti unti mo nang napapatay yung kaibigan ko. Sobra na siya nasasaktan sayo, makaramdam ka naman Axell kawawa yung kaibigan ko" umiiyak na siya. Bakit nasasaktan si Ivy? Wala naman akong ginawang masama sakanya.





Pero bago siya umalis ay nag iwan siya ng mga salitang mas lalong nagpagulo ng utak ko.




"Kaibigan nga lang ba talaga Axell? O baka naman hindi mo lang matanggap" at umalis na siya. Pumasok ulit ako sa Room at humigaw sa kama samantalang si Ivy naman ay tulog na tulog sa kabilang kama.




Hindi na ako nakatulog simulang may nasabi yung batang si Calvin at kay Alex. Anong problema ng magkapatid na yun ay gustong gusto nila akong patayin kakaisip. Kaibigan ko naman siya pero bakit ganun ang tanong ni Alex saakin at anong hindi ko matanggap. Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Tanungin ko nalang bukas si Ivy.





Ano nga ba talaga kita Ivy?







Author's Note

Hi naka ud na ulit gusto ko na kasing macomplete ito e tyka may pinost ako sa board ko. Tignan niyo nalang. Thank you....

Tinatamad ako mag edit hahahaha mamaya nalang.

-ate Ashe.

First Love Never DieWhere stories live. Discover now