35~

16 6 2
                                    

Habang minamake up- an ako ng mga bakla ay hindi ko maiwasan na mag alala kay Monica hindi daw siya makakapunta dahil nagsusuka at nahihilo daw siya. Kaya sinabihan ko naman siya na magpahinga nalang. Nagbihis naman ako at itong si Gab nakikipagtalo pa saakin.

"GURL MAG HEELS KA NA KASI PARA PAK ANG DEBUT MO, HUWAG KANG MAG CONVERSE ANG CHEAP MO BESSY" kanina pa niya ako kinukulit na mag heels.


"Isa pang pilit isasampal ko sa mukha mo tong heels na ito". Nanahimik namang ang bading kaya natawa naman si Alex.


Ayaw ko mag heels gusto ko unique  ako so eto na nga pag labas ko sa Room ay sumilip ako sa Venue shemayyy ang daming tao nakakahiya. Nakita ko naman si A.J. na naghihintay sa baba ng maganda hagdanan at para maihatid ako sa stage. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko, aba syempre dapat proud ako.




"Good evening everyone! Welcome to Hope Marieviela Hotel! Welcome to a night of pastel colors in celebration of a wonderful life for a girl who is now turning into a fine lady. All of you who are here tonight have watched her grow over the years into the wonderful person she is now. As a jumpstart, let us all welcome and acknowledge the ever supportive and loving family of our debutant.


Naglakad naman sila Mommy at Daddy papunta sa table nila, si kuya, mga Pinsan kong kupals at sila titas at titos ko. Kasama rin ang dalawa kong kaibigan. Eto na ako nasa taas ako ng hagdan oras na tawagin ako ng host ay baba na ako.




"Tonight is a celebration of adulthood and a thanksgiving of the life God has given to our lovely celebrant. Let us put our hands together, as we welcome the main highlight of this celebration, and as she stepped into a higher level of life, ladies and gentlemen, our debutant"




Dahan dahan akong bumaba at nakangiti sakanila. Tumingin naman ako kay A.J. na nakangiti rin saakin. Bawat hakbang ko ay lalo akong napapangiti sa wakas malaya na rin ako hahaha. Pagkababa ko ay sumalubong saakin si A.J. at hinalikan ako sa Noo. Agad naman nag "ayieee ang mga tao kaya napatawa nalang kami. Hinatid naman niya ako sa stage at pumunta naman si A.J. sa table namin. Umupo naman ako sa mala queen na upuan naks naman.






"Wow, blooming and lovely, indeed! Saan nga ba siya nagmana? Kay Mommy ba? Or kay Daddy? Or baka both? Evidently, before tonight, Ivy has had happy years in a very happy home. The love of a family will always be God's greatest blessing. Sabi nga nila, in life we can have several friends, classmates, and social circles, but there is only one family who is always willing and ready to welcome us no matter what. Ladies and gentlemen, to answer the question kung saan nga ba nagmana si Ivy, here's Daddy and Mommy to welcome all of us to their lovely daughter's 18thbirthday party." Tumayo naman sila mommy at daddy at tumabi saakin.




"Good Evening Everyone, Actually saakin talaga nag mana ang anak ko" proud na sabi ni Daddy kaya naman hinampas ni Mommy si Daddy sa braso.



"Ano ka?! Saakin nag mana ang anak natin, maganda, matalino, mabait" nakangiting sabi ni mommy kaya nagtawanan naman ang mga tao sa reaction nila mommy at daddy.



"Una sa lahat maraming salamat kay lord na binigyan ako ng isang angel na napaka ganda pa, salamat sa dumalo sa kaarawan ng anak namin na si Ivy, Ang masasabi ko lang lumaki si Ivy na may takot sa diyos, mapagmahal, masiyahin na bata ay este dalaga na hahaha kahit maraming sakit at pagsubok na dinanas niya. Proud kami sayo anak, I love you" niyakap naman ako ni Daddy niyakap ko naman siya ng mahigpit



"To my lovely and sweet daughter, Hi nak dalaga ka na , Always remember na lagi kaming nasa tabi mo. Mahal na mahal ka namin" niyakap ko rin si mommy nakaka tats naman yung sinasabi nila huhuhu. Minsan ko lang rin kasi sila makita e.


First Love Never DieWhere stories live. Discover now