34~

14 6 2
                                    

Ilang Oras, minuto, segundo ng buhay ko ay unti unti ng lumalayo ang loob ni A.J. saakin. Hindi ko alam kung ako yung mali, madalas kaming mag away dahil sa maliliit na bagay ay ginagawa niyang problema. Malapit nanaman mag bakasyon at mag iisang tanong na kami masaya ako na mag iisang taon na kami next month pero ako lang ata ang masaya. Debut ko na sa friday pero ang last dance ko ay WALA,Hindi nag paalam saakin gusto kong umiyak at tanungin siya kung may pagkukulang ako dahil hindi na siya masaya saakin.



"Wala nanaman ba si Axell?" Lunapit at tumabi saakin si Kuya Ricky. Mukhang napipikon na siya kay Axell dahil hindi na siya nag practice. Nung una pumunta na siya pero nung sa huli wala na.



"Hindi pa nga nag tetext e, sabi niya pupunta lang siya sa bagong condo niya" lilipat na kasi siya dahil gusto niyang  matutong  mag isa.




"Osiya tara na baka magalit pa yung nagtuturo saatin" sumabay naman ako kay kuya Ricky at sumayaw ng paulit ulit.






Hindi ko na pinatapos ang practice ay pumunta nalang ako sa Condo ni A.J.
Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong babae. Mukhang kakagising lang anong oras na siguro malate gumising. Nakarating naman ako sa Unit niya may susi rin ako binigay niya. Pag bukas ko isang matamis na amoy ang ang sumalubong saakin. Nakita ko naman si A.J. na nakahiga sa Sofa at nanonood.



"Ang tamis naman ng pabango ng room mo"nakangiti kong sabi nakita naman niya ako at hinalikan, at bumalik sa sofa.




"Nagustuhan mo ba? Alam ko naman na gusto mo ang matatamis e"




"At kailan kapa nagkagusto sa matatamis na pabango?" Nakataas kong kilay.




"Syempre kung ano gusto ng mahal ko syempre gugustuhin ko" napangiti naman ako sa banat niya.





Nagkwentuhan naman kaming dalawa. At konti nalang mapupuno na ang album na binili ni Axell dati lahat kasi ng magagandang moment namin nilalagay ko duon pag mag isang taon na kami ibibigay ko sakanya yun tutal next month na.





"Hindi ka nanaman nag practice" naka poker face akong humarap sakanya.
Mukhang napikon saakin dahil napa irap siya.



"Pag aawayan pa ba natin yan? Alam mo naman na busy ako" nailing nalangnako sa mga sinasabi niya.




"Ano ba ang dapat pag awayan A.J.? At saan ka naman busy?"




"Ilang beses mo na ako kinukulit na pumunta" naiinis niyang sabi.





"Sagutin mo ako saan ka busy?! PRACTICE LANG YUN!! A.J. HINDI KA PA MAKAPUNTA" sigaw ko, humarap naman siya saakin at sinagot ako.



"Ano gusto mong gawin ko?!"





"SIMPLE LANG YUNG PUMUNTA KA AT MAGPRACTICE YUN LANG ANG GUSTO KO"





"PAANO NAMAN YUNG MGA GUSTO KONG GAWIN?! LAGI KA NALANG NASUSUNOD?!" nagulat ako ng sigawan niya ako, natahimik rin siya sa ginawa niya saakin.





"Axell hindi na ikaw yan, dati sabi mo kung saan ako masaya duon ka rin. Kaso wala ka sa lahat ng gusto ko gawin" nagulat naman na siya na Axell ang tinawag ko sakanya. Kinuha ko ang bag ko at lumabas sa Condo niya. Sinundan naman niya ako at humihingi ng tawad.





"Please lang Axell huwag ngayon" tumakbo ako para hindi na niyabako mahabol pa. Pumunta na ako sa parking lot at pumasok sa loob. Ako ba ang mali? Ako ba ang naguumpisa ng away? Makulit na ba ako? Hindi ako sanay sa A.J. ngayon kasi dati sinasanay niya akong laging nandiyan pero sa mga oras na kailagan ko siya ngayon wala na. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nag sawa na ako. Pumunta nalang ako sa bahay nila Gab at tinext ko naman si Alex na pumunta sa bahay nila Gab. Pinapasok naman ako agad ng katulong nila at pumasok sa loob ng kwarto niya nakita ko naman siya na nagmamake up mukhang hindi na siya natatakot na mahuli siya ng tatay niyang barako. Lumapit ako sakanya at niyakap siya, umiyak ako sakanya.




"Si Axell nanaman yan no, sabi ko naman sayo, tanungin mo siya" saktong pumasok naman si Alex sa kwarto.




"Hi-hindi ko kaya na tanungin" niyakao naman nila ako at comfort ang ginagawa nila saakin. Hanggang sa natapos akong umiyak.



"Hoyy bakla maka make up ka naman nasa bahay ka lang nakuuu! Pag ikaw nakita ni Daddy mong barako baka pasa ang naka lagay sa mukha mo HAHAHA"napatawa na naman ako sa pananakot ni Alex kay Gab.





"FYI, MGA BESSY WALA DITO SI PUDRA KAYA FREE LIKE A BIRD AKO" kunwari lumilipad naman daw siya kaya tumawa nalang kami.





Kinuwento ko sakanila ang nangyari kanina at naiinis sila kay A.J.





"Nakuuu yang boyfriend mo masasampal ko ng left and right" naiintindihan ko naman sila kung sila naiinis kay A.J.





"Gurl, hindi ako papayag na sigawan ka niya ulit dahil pag ginawa niya yung kakalimutan ko na bakla ako at jojombagin ko siya"





Nagtataka ba kayo? Kung nasaan si Monica? Laging busy ewan ba namin dun laging wala. Pero okay lang nag upupdate naman siya.




"Excited na ako sa Debut mo girl hihihi"  nagtitili naman si Gab kaya napapa iling nalang ako.




"Aba! Syempre ako din, kung ikaw excited paano pa ako" proud na proud nilang sabi.





"TEKA TEKA! PAANO PA KAYA AKO? AKO ANG MAG DEDEBUT HAHAHA" kahit papaano nakakalimutan ko rin yung sakit na nararamdaman ko kay A.J. na sigawan at sisihin sa away namin.





Umuwi na ako dahil magdidilim na hinatid naman ako ni Alex hanggang sa Gate lang ng Village dahil ayaw niyang makita yung guard na nagkakagusto sakanya. Habang naglalakad ako papunta sa bahay ay may nakita akong lalaking naka upo sa gilid ng kalsada sa harap ng gate namin. Malayo palang alam ko na siya yun. Tumakbo naman siya papunta saakin at niyakap ako.




"Sorry, I.C. SORRY KUNG NASIGAWAN KITA KANINA NATATAKOT LANG AKO" umiiyak nanaman siya sa harap ko paulit ulit nalang niyang ginagawa yan pag nag aaway kami pero ang kahinaan ko ay ang umiyak siya saakin habang nagsisisi siya sa ginawa niya saakin. Nanlalambot ako pag nakikita siyang nagmamaka awa na patawarin siya wala e mahal ko talaga siya.





"Mahal kita A.J. iintindihin kita kahit paulit ulit nalang" niyakap ko narin siya.





"Sorry I.C. sana mapatawad mo ako sa mga kagaguhan na ginawa ko" nagtaka naman ako dahil bakit niya masyadong sinisisi ang sarili niya pero wala na akong panahong tanungin pa siya dahil ang importante okay na kami.








Author's Note



SORRY RIN GUYS NGAYON LANG AKO NAG UPDATE HAHAHA PASENSYA NA MAY PROBLEMA KASI SA MATA KO E HUHU

try ko pong mag update


Vote and Comment :)




-Ashe

First Love Never DieWhere stories live. Discover now