25~

15 6 2
                                    

Salamat sa diyos at nakalabas na ako sa hospital at eto ako maagang pumasok dahil hahabulin ko pa ang mga na missed kong lesson. Sinabihan ko naman si Alex na maagang pumasok dahil mukhang mababaliw ako pag walang kasama. Pagkarating ko sa gate nakita ko na agad siya at kumakaway. Niyakap naman niya ako at sinabing kaya ko na ba daw sinabi ko lang na lagnat ito. Pagpasok namin sa Room ay nakita ko si Axell na nakaheadset at nakayuko natatapan ang mahahaba niyang buhok. Inangat niya ulo niya at tinignan ako. Iniwasan ko nalang siya at umupo. Siguro time ko na ipakita na masaya ako kahit wala siya. Humarap ako sakanya tamang tama nakatingin siya.




"Nakaya ko pala na wala, kaya ko pala maging masaya kahit wala ka" ngumiti nalang ako na parang masaya. At humarap kay Alex.







Axell P.O.V.


Nakita ko na sa wakas si Ivy, namayat siya pero still masaya parin siya. Tumingin ako sakanya baka kasi na pansinin niya na ako. Pero hindi mukhang nasaktan ako sa sinabi niya.



"Nakaya ko pala na wala, kaya ko pala maging masaya kahit wala ka" ngumiti siya na pagkasaya saya. Nasaktan ako ng sobra ganto pala ang feeling, dati ako ang nagpapasaya sakanya ngayon kaya na niya. Mukhang sa library siya mag gagawa ng activity at Quizez mamayang tanghali pa. Habang nag lelesson kami ay hinati kami ng Filipino Teacher namin sa dalawang grupo. Magdedebate kami dito sa room. Nahiwalay si Gab kila Ivy kaya nagrereklamo.




"Okay..... Bubunod ako kung anong magiging topic nati, its Past Generation or New Generation?"





Napunta naman saamin Past Generation. Bago kami mag simula nakita ko naman si Ivy Brody.







Ivy P.O.V.




Nubayan! Kanina pa ako naiirita kay Brody daldal ng daldal..... Nagumpisa na buti bumalik na si Brody sa kabila.




"Mahalaga ang past dahil hindi magkakaroon ng New kung walang past" pag uumpisa ni Stacey, sumagot naman si Mike.




"Bakit gusto mo bang habangbuhay kanang mamuhay sa Past?"



Nagkakainitan na ang room namin napapairap nalang ako dahil hindi tmutugma ang mga sinasabi nila kahit saamin rin. Pero natigilan ako ng magsalita si Axell.



"Ang past madaming nabinigay na memory magagandang aalala tyaka ano yung sinasabi mo Joy? Gusto namin mamuhay sa past? Oo naman" sabi niya so parang pinagmumukha niya na magandang alala niya si Nica? Pwes ako ang sasagot.






"Bakit? Aanhin mo ang past? Isa ALA ALA NALANG yun, mas mabuti nang tanggapin mo ang New kasi duon matutunan mo pahalagaan ang tao nandiyan NGAYON"



Nagtimes up naman na si Mam kaya umupo na kami sa upuan. Ay shet ano bang pinaggagawa ko huhuhu baliw na ata ako bakit ko ito nasasabi. Tanghali na dalawang subject lang ang hapon namin. Kaya nagexcuse nalang ako sa First Subject ko sa hapon.




Habang nag sasagot ako sa quizez ay matatapos na pala ako isang quizez nalang. Pero may mga activity pa, ang tahimik pa dito sa Library nakakaantok.



Habang nagsasagot ako ay may kumausap saakin mukhang hindi naman kami makikitang nag uusap dahil nasa dulo kami ng library.




"Ate kain na po kayo, may nagpapamigay po neto, at ito pa po" nakita ko naman ang note sa pagkain at alam ko kung sino ang nagbigay neto. Nakita ko naman ang mga gawang activity sa isang envelop nakita ko ay nakapangalan saakin. No choice buti gawa ko na ang mga quizez at Excited na kasi akong makasama sila Gab Alex at Monica huhuhu miss ko na sila.


First Love Never DieWhere stories live. Discover now