9~

35 10 1
                                    

Pumasok naman ako agad sa bahay para mag lunch pero parang isang pader ang mga kupals na hinarangan ang daan ko. Binigyan ko naman sila nang nagtatakang mukha.

"Anong meron sainyo ni Axell?" Unang nag tanong si kuya Justine.

Sasagot na ako nang mag tanong naman si Kuya Math.

"May namamagitan ba sainyong dalawa?"

Huh? Pinagsasabi nila?

"Umamin kana" sabi naman ni Kuya Ivan at talagang nakisali pa siya sa mga kupals.

"Anong aaminin ko?" Nagtataka parin ako.


"May relasyon ba kayo ni Axell" sabay sabay nilang sinabi saakin kaya agad naman akong nagulat. Anong kagaguhan ang pumasok sa isip nila?


"HOYYY SAAN NIYO NAPULOT ANG MGA SALITANG YAN!? MY GOSHH NAKA SINGHOT BA KAYO AT NASASABI NIYO YAN? WALA, WALA KAMING RELASYON NI AXELL. KAIBIGAN LANG KAMI"

Agad naman nawala ang pag ka istrikto nila at sinasabi na "Yun naman pala e" pero hindi parin sila naubusan nang tanong.

"Pero bakit magkahawak kayo nang kamay kanina? Tyaka sabay pa kayo mag lakad at ito pa ang malupit bakit ka niya kinikiss sa noo? Ano yun kaibigan lang?"

Napasapo ako nang ulo dahil pati yung inintriga nila. Chismoso sila tinitignan pala nila kami kanina.

"Alam niyo ang kikitid nang utak niyo, Sinabi niya na,kaya niya rin gawin ang ginawa ni Winter at mas higit pa duon at nangako siya" tinulak ko sila at dumaan sa gilid nila.

Magsasalita na sana sila nang naka akyat na ako. Kaibigan lang ang tingin saakin Axell samantalang ako naman higit pa sa kaibigan ang unfair diba? Option lang ako kasi alam ko na gusto niya si Nica. At natulog na agad ako dahil sa galit ko.... Kina umagahan naman ay nagising ako sa isang katok. Kumatok naman ang katulong namin tinanong kung pupunta ako sa laro nila kuya first game nila ngayon pero sa sobrang nainis ako sakanila. Aaway awayin ako tapos tatanungin kung manonood ako nek nek nila.
Nagulat ako nang nag vibrate yung phone ko. Kay abnormal? Wow himala siya nauna nag text.

Abnormal:

Manonood ka! Labas!


Galit ba ito? Ayoko manood badtrip parin ako. Ang haba pala nang tinulog ko tanghali ako nakatulog nagising na ako nang umaga hindi parin ako nag dinner. Kahit labag sa kalooban ko naligo ako at nag bihis ako at bumaba na.
Simple lang suot ko white na blouse at black high waisted na pantalon.

Pagkababa ko naka tingin saakin ang mga kupals, nilapitan naman ako ni Yaya Flora.

"Naku! Buti anak lumabas kana, kagabi pa kami katok ng katok sa pintuan mo para mag dinner ka kagabi" yumakap naman saakin si yaya mukhang nag alala siya.

Pumunta ako sa dinning area para kumain hindi ko parin pinapansin ang mga kupals, sumunod naman sila at kumain na rin at nanahimik sila. Alam ko nag titinginan sila nagtuturuan.

"Ahh—" hindi ko pinatapos si kuya Ice,


"Ano? Mag eexplain pa ba ako?" Medyo may pa ka sarcastic ko sabi. Agad naman silang umiling na parang sinasabi na hindi na.

"Hindi na kailangan kasi si Axell na mismong nagsabi kanina umalis lang siya para kunin yung extra shirt niya sa bahay nila" kaya siguro nag text siya, para maka usap ko na rin itong mga kumag na ito.

"Malinaw na saamin na kaibigan kayo"naka ngiti na sila.

Hindi parin ako umimik at hinayaan ko sila may gusto lang ako marinig galing sakanila.

First Love Never DieWhere stories live. Discover now