28~

21 7 3
                                    


Nandito kami ni A.J. sa Bundok na lagi naming pinupuntahan. Masaya ako dahil wala na akong mahihiling pa, Si Axell John Vasquez na ang tipong hindi dapat pinapakawalan. Lumapit ako sakanya at yumakap dahil nag aayos siya. Nagpicnic kaming dalawa dito, ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at ito ang gusto ko, si A.J. naman eto nag ready agad hahaha.






"Nakikita mo ang spot na ito?"turo niya sa spot na napakagandang at kitang kita ang buong city. Binigyan ko naman siya na nagtatakang tingin.




"Dito tayo magpapagawa ng coffee shop"napangiti naman ako dahil nagplaplano na siya para sa future namin. Coffee shop maganda dito dahil masyadong mahangin, nakaka relax pa.




"Maganda yang idea mo"napangiti ako dahil ang ganda ng idea niya.




"Engineer ako, Architect ka. Bagay diba?" Bagay nga  A.J. ko.




"Tatalunin ba natin yung bulaluhan ni Marie?hahaha" napatawa naman siya dahil kaisa isang bulaluhan lang ang nandito sa bundok.




"Kung yan ang gusto mo I.C.ko hahaha"






Nakita ko ang bike ni Axell ito kasi yung dinala namin paakyat ng bundok naawa nga ako kay A.J. mukhang napagod kanina. Sinubukan kong mag bike kaso buti nalang nasapo ako ni A J. Dahil kung hindi? Galos ang meron ako.




"Turuan mo akong mag bike A.J. sige naaaaa" matagal na kasi akong nagpapaturo pero ayaw niya.






"Napag usapan na natin ito, A-YO-KO" sabi naman niya saakin.





"Bakit kasi ayaw mo?"nakanguso ko ng sabi nakaka inis na siya.




"Kasi gusto ko ako ang magdridrive sayo papunta sa forever natin" teka? Bakit biglang nawala ang inis ko? Ang unfair naman...inlove na inlove nga ako. Nagulat ako sa pag mumuni ng halikan niya ako sa labi.





"Hoyyy bakit mo ako hinalikan?" Pagalit kong sabi hahaha kasi naman first kiss ko ito.





"Sorry sinasadya" hahaha baliw na ang boyfriend ko. hindi ako naiinis dahil nawala na ang first kiss ko basta ramdam ko na forever ko na siya kaya walang dapat ikabahala.




Umupo na kami sa telang nilapag ni Axell kanina, nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya.




"Axell ang swerte swerte ko" napatingin naman siya saakin.




"Why"





"Finally, my true happiness is you. I never wanted to have a perfect lovelife pero bakit ganun? Perfect ka para saakin" napangiti naman siya at hinalikan ang noo ko, sunod ang mga pisnge ko at last sa labi ko. Gusto ko umiyak, ang dating lalaking pinapangarap ko nandito sa tabi ko at minamahal ako.




"Mahal na mahal kita Ivy, Dahil ang isang Axell John Vasquez ay mamahalin ka ng buong buo" sana hindi ako nanaginip dahil kung panaginip ito ayaw ko ng gumising pa.


"Axell alam mo ba kung bakit ako nahulog sayo?"




"Dahil Pogi Ako" nag gwapo sign naman sa lokolokong lalaki.






"Gwapo ka..... Pero nahulog ako sa pag aaruga mo saakin. Feeling ko boyfriend na kita sa sobra mong ka sweetan saakin....ikaw anong nagustuhan mo saakin?"







"Lahat ng ka engotan mo minahal ko, kaya MAHALIN MO ANG AXELL JOHN" ang yabang talaga ng mahal ko.







Umuwi naman kami dahil mag didilim na nang may madaan kaming ice cream house. Sinabi ko naman na kain kami pumayag naman siya edi nag hanap kami ng upuan sinabi ko naman kay Axell na Comfort Room lang ako. Alam naman ni Axell kung ano ang favorite kong inoorder. Paglabas ko ng C.R. pakshetttt may lumalandi na sa Asawa ko este boyfriend ko. Ay ang mga ahas nga naman kung saan saan na nakakarating. Hawakan ba naman braso ng boyfriend ko lumapit ako sakanila, magpapaliwanag sana si Axell ng unahan ko siya. Ang babae ang sama pa ng tingin saakin.



"Miss BOYFRIEND KO ANG NILALANDI MO"nanlaki naman ang mata ng babae pero tinarayan pa ako ng babaeng ito.





"Owww boyfriend mo? Ang asawa nga nabibingwit ikaw pa kaya na girlfriend lang?"





"Ate, alam mo nakakatuwa ka... Aalis ka diyan sa tabi ng boyfriend ko O KAKALADKARIN KITANG HIGAD PALABAS DITO?!" agad namang umalis ang babae, madaming tao ngayom dito sa ice cream house pero wala akong pake.







"I.C. ......"




"Tigilan mo ako...."




Umalis ako sa ice cream house na labag sa kalooban ko sayang yung ice cream kasi badtrip ako. Habang naglalakad ako ay pinipigilan niya ako at hinaharangan ang dinadaanan ko.





"Heyyy let me explain" sabi niya ng paulit ulit habang hinaharangan niya ang daanan ko. Huminto ako at huminti rin siya.





"Nag C.R. lang ako may lumandi na sayioo sigeee nga sinong hindi maiinis duon at magseselos kung maka kapit sayo akala mo naman siya ang girlfriend" napatawa naman siya sa asal ko ngayon.





"Huwag mo akong tawanan... Ano gusto mo ? Break na tayo ganun?"napatigil siya sa pagtatawa at sumeryoso naman siya ng tingin saakin.





"Hindi tayo mag brebreak akin ka lang"







"Kung sayo lang ako? Bakit ka pumapayag na may lumalandi sayo?!"





"Sasabibin ko sana na may girlfriend ako kaso dumating ka at inaway pa"






"So ako yung pinapalabas mong mali? Ako na mali...ako na war freak............
Mahal kasi kita Axell, natatakot ako na baka mawala ka.... Masama ba yun?!" Umiiyak na ako, masama ba na awayin ang ahas?




"No, I love you. Im sorry.. Dont cry"pinunasan niya ang mga luha ko..
Binigyan naman niya ako ng backhug at niyakap.






Ganto lang kami mag away walang sakitan, walang murahan. Pero may selosan at ako ang pinakamadalas mag selos.







Wala e mahal ko si A.J. ko e






Author's Note




Hi mga besss naka ud na rin sa wakas hahahaha



-ashe

First Love Never DieWhere stories live. Discover now