23~

20 6 2
                                    

Maaga kaming pumasok nila nila Gab at Alex dahil nagpapatulong ako mag bake sa H.E. room namin  cupcake kasi ang niluluto namin. Umaga palang luto pinalamig lang namin saglit at plano ko kasing ibigay sakanya ito mamayang uwian. Pinatago ko naman sa Canteen namin yung cupcake ba ginawa namin. Si Alex naman ay kinakausap si Gab samantalang ako niloloko ako ni Axell ngayon.  Tanghaling tapat nangloloko, kasi naman napapaturo ako sa math hindi kasi kami naka pasok nila Alex dahil nag bake kami sa H.E. Room nalate kami hindi na kami pinapasok natatawa na lang si Alex at Gab sa Reaction ni Mam Sube saamin.




"Sige na kasi Axell, turuan mo na ako"kinukulit ko siya kanina pa pero ang lagi niyang sagot.



"Kiss mo muna ako"nanliit ang mata ko dahil paulit ulit nalang buti may naisip ako na kalokohan.



"Okay, kay Brody nalang ako magpapaturo mukhang gwapo pa, magaling pa sa math, Diyan kana" aalis na sana ako ng hilain niya kamay ko pabalik sa harap niya.




"Eto na.... Hindi ka naman mabiro,huwag ka lang pumunta sa mga lalaki" dibaaa ang galing ko talaga.




Habang nagdidiscuss naman siya sa harap ko. Naiintindihan ko naman pero gusto ko ulit na nagdidiscuss siya.



"Naiintindihan mo ba?"sabi niya sabay tingin saakin. Nakatitig na kasi ako sakanya kaya pinukpok niya ang ballpen niya sa noo ko.




"Makinig ka, huwag kang engot"nakapoker face na niyang sabu mukhangn naiinis kaya sinabi ko na gets ko na. Habang tumatagal napapangiti na ako sa sobrang inis niya saakin.





Mabilis naman ang oras ay uwian na. Nauna na si Alex dahil dadating na ang magulang nila... Si Gab naman ay nauna na dahil magkikita silanng frenny niya sa dating school kaya lakas loob kong kinuha ang cupcake sa H.E. Room. Sinabi ko naman kay Axell na hintayin ako sa harap ng Room. Sinabi naman niya na maghihintay siya kaya excited akong ibigay sakanya itong cupcake. Nang makarating ako sa harap ng room namim ay parang..........
Mali na pumunta pa ako sa harap ng room. Ang sakit sakit makitang ang taong mahal mo at ang Ex niya ay nagkita na. Napalingon naman sila sa pwesto ko nang mahulog ko ang isang kahon na cupcake. Wala na magkasama na sila, ang dating iniiwasan kong mangyare, nangyayari na ngayon. Lumapit saakin si Nica at tinignan ako mula ulo hanggang paa.



"Eto ba yung babaeng sinasabi mo kanina na kamukha ko?tsss" bumalik siya at tumabi kay Axell. Ang mukha ni Axell ay parang naguguluhan na hindi alam kung anong gagawin. Lalapit na sana siya saakin ng pigilian ko, ayoko na MASAKIT NA. Tumakbo ako hanggang sa sakayan ng tricycle.



"Saan punta mo miss?" Tanong ng driver.






Axell P.O.V.



Naguguluhan ako hindi ko alam kung sino ang sasamahan ko pero nung makita kong umiiyak na si Ivy at lalapitan ko sana siya ng pigilan niya ako at tumakbo papunta palabas ng campus. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero iisa lang ang naiintindihan ko nag aalala ako ngayon kay Ivy, hindi ko alam kung saan siya pupunta.



Paglabas ko ng parking lot ay bigla namang bumuhos ang ulan. Malakas ang ulan dahil may kasama itong hangin. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Hindi na ako nag paalam kay Nica dahil wala akong time para kausapin siya sa susunod nalang.
Matawagan nga si Alex.




"Hello Axell, anong meron?" Tanong niya.




"Tumawag ba sayo si Ivy?! Pahanap naman siya oh. Nawawala kasi siya. Pasabi saakin kung nasaan siya pag nakita mo"habang nagdridrive ako ay tumitingin pa ako sa paligid. Nagbabakasakaling makita siya. Ang tanga ko wala akong magawa.




"WHATTTTT?!Osigee, tawagan ko yung mga pinsan niya at si Gab. Hanapin mo na siya Axell" nag aalala na rin si Alex kaya pinatay na niya ang tawag.




Sinubukan kong pumunta sa park ng village namin nagbabasakaling nandoon siya pero wala. Ivyy? Nasaan kaba? Nag isip ako na pwede niyang puntahan nang maalala ko ang bundok na pinuntahan namin kaya dali dali akong pumunta sa Sasakyan ko kahit basa na ako sa ulan.









Ivy P.OV.


Biglang bumuhos ang ulan pagkarating ko sa bundok na favorite spot namin. Habang nagdidilim ay may lalong gumaganda ang paligid dahil sa City light. Basang basa na ako sa ulan pero wala parin akong pake. Basta ang gusto ko ngayon umiyak. Ang sakit yung ineexpect mo na ikaw ang sasamahan niya pero wala, wala siyang ginawa kundi panoorin kaming dalawa. Akala ko okay na ang lahat pero hindi papala. Ang daming oras, minuto, segundo ang nasayang ng dahil sakanya. Ang daming alala ang nagaea namin, pero bakit ganun? Kaibigan na lang ba talaga? Umupo ako sa damuhan at umiyak ng umiyak. Ayoko na titigil ko na ito. Nakita ko naman ang sasakyan ni Axell na papunta dito kaya lang hindi ko siya pinansin.




"Heyyy nag aalala ako sayo tara na uwi na tayo, basang basa kana sa ulan" hindi ko siya pinakinggan instead naka upo nalang ako at umiiyak. Hindi talaga siya tumigil kaka aya umuwi.





"ANO BA AXELL.... AYOKO NGA...AYOKO NA RIN, SAWANG SAWA NA AKO. AYOKO KO NA"sigaw ko habang umiiyak. Tumayo ako para harapin siya.



"Hindi kita maintindihan?" Ganyan ka naman e hindi mo maintindihan...nakaka inis ka.





"HINDI MO MAINTINDINHAN PWES IPAPAINTINDI KO SAYO... AYOKO NA SAWA NA AKONG MAGING KAIBIGAN MO.... KALIMUTAN MO NALANG AKO!!KALIMUTAN MO NA ANG IVY NA NAGING KAIBIGAN MO! HUWAG MO NA AKO PAASAHIN. UMAASA AKO SA PAG AALAGA MO SAAKIN SA PAGMAMAHAL MO. MAHAL KITA AXELL HINDI LANG BILANG KAIBIGAN, MAHAL KITA KASI YUN ANG TOTOO.PLEASE LANG AYOKO NA"kinuha ko naman ang necklace na binigay niya saakin at binato kung saan. Nakita ko narin siyang umiiyak...





"I'm really sorry, Ivy" yan nalang nasabi niya hindi ko siya pinansin at umupi nalang ako sa damuhan ulit aki niyakap ang mga tuhod ko. Nilalamig na kasi ako at nahihilo. Yumakap naman siya sa likod ko nang hihina ako pag nakikita siyang ganyan habang umiiyak pero mali na ito kaibigan niya ako. Kakalimutan ko siya gaya noon na walang Axell sa buhay. Inalis ko ang pagkakayakap niya. Tumayo siya at sinabing....



"One last time, yakapin mo naman ako...at ihahatid na kita" ito na ang last ang sakit sa loob pero kailangan na rin para maka iwas sa sakit.




Niyakap ko siya at bumitaw na dahil baka hindi ko na mapigilan. Bubuksan na sana niya ang pinto ko nang ako na mismong nag bukas. Pagkarating namin sa sa bahay ay hahatid na sana ako ni Axell.




"Kaya ko na sarili ko"pumasok na agad ako sa bahay dahil nanghihina na ako. Bakit ganun? Ang bilis kong manghina naiinis na ako sa sarili ko. Pagpasok ko agad ay sinampal agad ako ni Kuya Ivan, pati mga pinsan ko nagulat agad naman nilang nilayo saakin si kuya. Yumoko ako dahil ayokong makita nila akong mahina.




"ANONG BANG PUMASOK SA UTAK MO AT PINAG AALALA MO KAMING LAHAT.. AT NAGPABASA KA PA SA ULAN?!" sigaw ni Kuya Ivan saakin. Pinapakalma naman niya si kuya Ivan. Tumingin ako sa kanilang lahat yung ibang Ivy....yung ivy na walang emosyon na nakikita sa mata. Nagulat sila dahil kakaiba ako.... Nanahimik silang lahat.




"Huwag mo kaming idaan sa ganyan!!!" Patuloy parin ako sa pagtingin sa kanila.




"Tol! Kumalma ka"sabi naman ni kuya Ice kay kuya Ivan.





"Hayaan mo siya....."yan ang unang lumabas sa bibig ko kaya napatigil sila dahil ang lamig nang boses ko. Sasagot sana ulit sana saakin si kuya Ivan ng unahan ko siya.




"Kuya tanong ko lang? Nagmahal ka na ba? Kasi kung oo, alam mo na ang sagot kung bakit ako ganito" halos lahat sila napatulala sa sinabi ko. Umakyat na ako sa kwarto ko.










Ito ang tama... Para makawala na ako.







Author's Note



Maagang update para sainyo guys hahahahahahahha. Mamayang gabi ud ulit ako.



-ashe





First Love Never DieWhere stories live. Discover now