33~

21 7 2
                                    

Miss ko na si A.J. kaso wala akong magawa kundi mag aral nalang. Naka alis na sila last week. Mag dedecember 1 na kaso hindi ko makakasama yung taong mahal ko. Nakapasok na rin si Alex kasi sawang sawa na ako sa mukha ng dalawa hahaha si monica at gab. Heto kami mag aayos ng Room para sa Christmas party maaga ngayon ang sembreak namin december 8 palang nag paparty na december 7 naman ngayon. Habang nag aayos kami ay na isipan namin na mamasyal sa SM dahil bibili kami ng pang exchange gift bukas, etong bakla na ito excited hahaha.

Habang namimili kami ay nakita namin si Asheton na may kasamang babae siguro yun yung girlfriend niya. Naiinis na kami kay Gab dahil mas maarte pa siyang pumili kesa saamin. Kaya eto sinusundan nalang namin siya. Buti nalang napatawag saakin si Axell kundi magwawala na ako dito sa sobrang kagaguhan na ginagawa ni Gab.

"Hello A.J. i miss you" napatingin naman ang tatlo saakin at nakangiting nakakaloko.


"Hello, I. C. Musta ka diyan, huwag kang pasaway diyan. Pag uwi ko babawi ako sayo promise" napangiti naman ako sa ka kesohan ni Axell.



"Uwi kana huhuhuhu, boring yung buhay ko pag wala ka e"



Nakakamiss naman siya ilang araw palang siya diyan hindi ko na matiis. Yung yakap, halik sa noo, yung ka sweetan niya, yung kiss niya charot hahaha. Nakakamiss yun kahit ilang buwan lang sila diyan.

"Gustong gusto ko na umuwi I.C. namiss ko na kasi yung mahal ko, btw sabi nila kuya mo hindi ka lumalabas ng kwarto mo minsan hindi ka pa kumakain" shemayyy nag sumbong pa ang mga kupals.




"Walang akong gana, lalo na yung taong mahal ko malayo saakin"


"Kain ka mamaya, bakit ang ingay diyan naasan ka?"



"Nasa SM kami, opo kakain na ako"





Nagpaalam naman ako sakanya na kakain na kami, kaya binaba ko na ang tawag ni Axell. Matapos mamili ni Gab ay damit lang rin naman pala bibilhin ang tagal tagal pang mamili. Nag pagpasyahan namin na kumain sa Italian food kaya masaya naman kami dahil sagot ni Gab ang mga pagkain hahaha, si Monica at Alex galit galit muna sila, napagod daw kakasunod kay Gab hahaha ako naman kumain nalang baka magalit kasi si A.J. pag hindi ko siya sinunod nakaka takot pa naman siya pag nag poker face hahaha. At ito si Gab lahat nalang dapat maarte daw pag susubo siya. Baliw na talaga siya hahaha. Itong si Alex at Monica ma picturan nga hahahaha.


"Vy! Kumain ka ng madami bilin ni Axell saamin kaya sa ayaw at gusto mo magiging baboy ka ngayon HAHAHAH" tignan mo nga naman may mga spy pa ang boyfriend ko. At maka baboy naman ito ikaw nga galit na galit ka sa pagkain wala kang patawad. Hahaha.



"Mga beshh nood tayo Parokyan ni Edgar" sabi naman nu Alex nang kina tili ko sa loob ng resturant napatawa nalang kami sa loob. Lumabas naman kami nila Gab dahil busog na busog na kami. Pero pag labas namin nakita ko si Nica. Teka? Bakit parang tumataba siya?






"Hi Ivy" parang nang iinsulto siya saakin, matagal rin hindi siya nagpakita saakin at nagparamdam saakin. Hindi ko siya sinagot ewan ko ba ang bitter bitter ko sa Ex ni Axell. Maari kasing mainlove ulit si Axell kay Nica lalo na't kamukha ko siya. Nag derederetsyo kami nila Gab sa paglalakad pero may sinasabi siya na ikina gulo ng utak ko.






"Sigurado kaba na yang boyfriend mo loyal sayo? Baka nambabae na siya, bakuran mo. Tsk tsk tsk"





Ewan ko ba pero parang ang lakas ng epekto saakin ng mga sinabi niya. Kaya chineer up nalang ako nila Gab, Alex at Monica.



"Hoyyy teh, masyado mong sineseryoso yung sinasabi niya alam mo naman na masyado yun desperada mapabalik lang niya si Axell" pinilit kong itaboy itong iniisip ko at umuwi nalang. Pero pag dating ko sa bahay wala ang mga pinsan ko kaya si Kuya lang ang nandito.




"Nandito na ako" walang gana kong sabi. Simula nang saktan niya ako hindi ko na siya pinapansin.





"Ivy" napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ni kuya tumigil lang ako pero hindi tumingin sakanya




"Ayusin na natin ang gulo" tumingin ako sakanya ng nakakagalit.





"Ayusin? Matapos mo ako saktan? Sila Mom at Dad hindi nila magawa saakin yun, ikaw lang na kuya ko, ikaw yung inaasahan ko na dadamay saakin nang mga panahong brokenhearted ako. Pero hindi, hindi mo ako tinanong" umiiyak na ako, ang sakit lang e nakaka trauma lang.




"Sige mga kuya? Paano ito maayos?" Umalis agad ako at pumunta sa kwarto ko. At pinunasan ko ang mga luha ko.





Pagdating ko kwarto ay tumawag namab saakin si A.J. naalala ko nanaman yung sinabi ni Nica kanina na ikina luha ko lalo. Pinilit kong itigil ang luha at sagutin ang tawag ni A.J..





"Hello? A.J.?" Sana hindi niya mapansin na umiiyak ako.





"Umiiyak ka ba?" Shemayyy naman bakit pa niya nalalaman.




"Huh? Hindi sinisipon lang ako" buti naman ay naniwala siya saakin.





"Mahal na Mahal kita" alam kong namimiss niya at mahal na mahal niya ako kaya napangiti ako.






"Mahal na mahal rin kita, sana naman huwag kang magloko." Nagpromise naman siya na hindi niya gagawin yun saakin kaya panatag naman ang loob ko sa mga sinasabi niya saakin.








Nakakamiss ka A.J. ko❤






Author's Note



Sorry guys medyo busy kasi ako e. Pasensya na hahaha





-Ashe

First Love Never DieWhere stories live. Discover now