6~

51 9 2
                                    

Hindi ako naiinis or nagagalit sa mga taong nang iiwan saakin pero naiinis ako dahil may nag aaway sa harap ko.


"Hoyyy Kuya Von,Kahapon kapa lamon ng lamon sa pagkain ni Ivy,Mahiya ka naman" sigaw ni Alex kay kuya Von. Mukhang nagiging malinaw na ang bessy ko a.



"Wow, Pinsan ko naman siya. Kaya okay lang, ikaw? Kanina kapa bunganga ng bunganga jan, Konti nalang pagkakamalan na kita may gusto saakin" nakangising sabi ni Kuya Von syempre ang bessy ko hindi magpapatalo.


"Excuse me!?!? Ako mag kakagusto sayo? Duh!!!! Mamatay muna ako bago kita patulan" sabay irap ni Alex kay Kuya Von.


"Wow, Diring diri kapa sa lagay na yan?" Sarcastic na sabi ni kuya Von kay Alex.

Hindi ko na kinaya ang kaingayan ay binulungan ko si Axell na ibigay ito Spoon at Fork sakanila tag isa sila. Napatingin naman sila saamin ni Axell na nagtataka kung bakit binigyan namin sila.


"Go!Magpatayan na kayo, Kanina pa ako naiinis sa mga boses niyo" mataray na kung mataray kasi naman pati maliliit na bagay ginagawang away.

Nanahimik ang dalawa buti naman kasi nahihilo na ako sakanilang dalawa.


"Gusto mo kumain?" Tanong ni Axell. Sa totoo lang ang hirap iwasan ang mga taong gustong gusto mong lapitan. Wala akong magawa kaya tanggap ko na, tanggap ko na na hindi kami para sa isa't isa. Patago nalang akong magmamahal kasi yun ang makakaya ko.


"Busog pa ako"kunwari nanghihina ako pero sa totoo lang ang lakas lakas ko na. "Hindi! kakain ka sa ayaw o gusto mo"kinuha naman niya yung pagkain, pero nyemas may plano ata akong subuan neto." Hoyy hindi pa ako baldado" naiinis naman ako kunwari, tumawa naman siya dahil sa reaksyon ko. Niloloko lang naman daw niya ako alam naman daw niya na kaya ko, e kung hampasin ko kaya siya ng unan.

"Kailan ba ako makakalaya dito"sabay subo sa kanin,tumawa naman siya nang malakas.


"Makasabi ka naman nang makalaya parang nasa preso ka" Tawang tawa niyang sabi saakin.



"Kahit na, Kailangan ko nang fresh air"nakanguso kong sabi, syempre pabebe kunwari.


"Pagkalabas mo dito may pupuntahan tayo"nakangiti niyang sabi napapadalas na ata ang ngiti at tawa niya? Ano meron? Matanong nga.



"Parang napapadalas na ata ang pag tawa at ngiti mo?" Im so happy na nakakangiti na siya. Ngumiti siya nang may pait.




"Gaya ni Winter, Gusto ko na pangitiin ka araw araw pero ang mag ka iba ay yung hinding hindi kita iiwan" naiiyak ako dahil sa sinabi niya pero paano kung nahanap na niya yung panghabang buhay niya?


"Paano kung nakilala mo na ang babaeng pang habang buhay mo?" Malungkot kong sabi. Hindi ko kakayanin ang iwan niya ako.




"Syempre gusto ko kaibigan mo rin ang magiging asawa ko at syempre sasama ka sa Journey nang buhay ko"

Paano kung iiwan mo rin ako?


"Promise mo yan a" ngumiti ako nang pilit kasi natatakot ako na baka iwan niya talaga ako balang araw.


"Promise" nakangiti rin siya. Nagpaalam naman si Axell na uuwi muna at si Alex naman ang naka bantay saakin, ang mga kupals naman ay umuwi para ayusin ang kwarto ko tignan mo ang babait talaga nila.


"Alex, Natatakot ako" napatigil si Alex sa pagbabalat nang apple. Tyaka tumingin saakin.



"Natatakot ka saan?" Bigla siyang lumapit saakin at tumabi saakin dito sa hospital bed, Niyakap niya ako nang mahigpit.




"Natatakot ako na kayong mahahalaga saakin ay iiwan rin ako"




"Matatakot ka nalang ba? Hahayaan mo yang takot mo na kainin ang kahinaan mo? Hinding hindi ako o kami aalis sa tabi mo kasi alam namin na kailangan mo kami, depende nalang sayo kung sabihin mo na iwan ka namin."kahit papaano ay medyo nawala ang takot ko. Kung kumpleto kaming mag kakaibigan siguro mas masaya ako.


Bukas na daw ang labas ko dito sa preso ay este hospital. Pinaalam naman ako ni Axell na may pupuntahan kami pumayag naman sila Mommy. E ang mga kupals hindi dapat papayag kasi kakalabas ko lang ng hospital lalo na't next week na yung pageant.


"Saan kasi tayo pupunta?" Hanggang ngayon hindi parin niya sinasabi kung saan kami pupunta.


"Basta" nakangiti nanaman siya pati mga kupals nagtataka kung bakit pag dating saakin ay iba ang mood niya.


Ilang oras ko siya pinilit kung saan kami pupunta kusa nalang ako nanahimik pero parang pataas itong dinadaan namin bundok ata ito e. Hapon na mga 4:00 nang ginutom ako.


"Axell gutom na ako" pag aarte ko sakanya kasi naman drive lang siya nang drive. Tamang tama may nadaan kaming bulalohan ang pangalan "bulalo ni Marie" tawa kami nang tawa sa pangalan neto at syempre maganda ang view kitang kita mo yung ibang bundok, kaya nag stop naman si Axell.


Nag order na agad ako. Nagreklamo pa nga ako e kasi ang tagal tagal nilang serve itong si Axell tinatawanan nalang ako dahil may usok na daw yung ilong ko. Kung hindi ko lang mahal ito susme baka nabugbog ko na ito. Kumain na ako nang pagkarami rami. May nag excuse pa nga e istorbo pero ang gwapo niya kaya natahimik ako hehez.

"Type mo?" Natatawang sabi niya.



"Oo ang wafu" Tumawa naman nang pilit si Axell pero syempre bumawi ako." Pero mas Gwapo ang nasa harap ko ngayon" Nakatitig ako sakanya bigla naman siyang ngumiti saakin.


"Ikaw a, Pinapalaki mo ulo ko" nagtawanan naman kami nang matapos na kaming kumain ay sumakay na kami sabi niya malapit na daw e ang tagal tagal na ilang oras kaming bumyahe mga 3:00 ngayon magdidilim na kasi 6:43 na. Maya maya tumigil na si Axell nakita ako paligid, ang ganda nakikita mo ang buong city iba't ibang kulay. Ang ganda nang view gusto ko dito.
Naglagay naman si Axell nang pang lapag at humiga. Humiga naman ako sa tabi niya. Nag star gazing naman kami nang napagod ay tumayo na kami.


"Gaya nang sabi ko sayo dito kita ipupunta ,Fresh Air" Gaya nang sabi niya papasayahin niya ako gaya ni Winter. at tinignan ang buong City. Ito na siguro ang oras para sabihin ko na.


"Axell,Salamat kasi hindi mo ako binigong pangitiin araw araw. Hindi mo ako hinahayaan maging malungkot, sa bawat patak nang luha ko ikaw ang sumasalo hindi mo hinayaang may mangyaring masama saakin. Yes ang sagot sayo KAIBIGAN NA TALAGA KITA" Kaibigan lang naman ang gusto mo kahit sa loob loob ko may hihigit pa. Kaibigan lang.

Kaibigan na kita kahit masakit saakin tatanggapin ko ang lahat maging masaya ka rin. Kahit alam ko na hindi ako yung taong hanap mo kundi si Nica. Kamukha ko lang siya pero hindi ako siya.


Pipilitin ko maging siya para sayo.





Author's Note.

Vote

And

Comment

Hihihihi! Recommend mo naman fo.

First Love Never DieWhere stories live. Discover now