4~

51 10 3
                                    

Sabi nila pwede kang mainlove ng 3 seconds lang o ilang araw pa yan pero bakit ganun nahulog ako sa taong mahilig magparamdam na inaalagaan ako. Ilang araw na akong nasa kwarto hindi kasi ako lumalabas tatlong araw na,baba lang ako tuwing tulog na sila tyaka lang naman ako kakain. Pati rin ako hindi ko ma gets kung bakit ako nagkakaganito. Umaga nanaman pero nagising ako sa mga katok.

"Sabing hindi ako baba e, wala akong gana"sabi ko habang nakahiga. Nahihiya rin kasi ako na ipakita itong mukha ko.

"Hoy babae, ako ito. Buksan mo nga itong pinto nang mahampas kita"Dali dali ako pumunta sa pintuan para buksan,kung sino man ang makakaintindi saakin ngayon ang kaibigan ko lang na si Alexandra. Hinila ko naman siya papasok.

"O? Anong mukha yan? Tyaka sabi ng mga kuya mo tatlong araw kanang hindi lumalabas dito sa kwarto mo, o anong plano mo Ivy? Naku! Buti nalang umuwi na ako dahil kung hindi baka sa lamay mo na ako pumunta" tuloy tuloy niyang sabi. Ang daldal talaga ng babaeng ito. Pero na miss ko na siya.

"Lex, tulungan mo naman ako" nanghihina kong sabi.

"May problema kaba ivy?" Seryoso niyang sabi. Siya lang makakatulong saakin. Tinignan ko siya at para ma kwento ko na sakanya.


"May nakilala akong lalaki, Ewan ko ba pag kasama ko siya parang close kami pero dumating sa puno na close na niya yung family ko pero hindi ko alam na nahuhulog na pala ako sakanya sa sobrang gulo nang utak ko bessy. nakikipag kaibigan na siya saakin pero bakit ako? Ibang iba yung ugali ko sakanya pero bakit ako? Ang sweet sweet niya pa saakin" naiiyak na ako shemayyy. Bakit ako yung napili niya?

"Bessy baka na sobrang na attract ka sakanya binibigyan mo na nang malisya ang lahat ng ginagawa niya sayo or baka nahuhulog ka na talaga pero ang mas malala mahal mo na?" Sabay yakap saakin. "Tyaka parang ngayon ka lang nag kwento about sa mga lalaki bukod kay winter na crush mo" nang aasar niyang sabi.

"Bakit ikaw lang? Wala yung iba?" Nagtataka kong sabi.


"Ayun napasarap sa bakasyon"natatawa niyan sabi. Nagkwento naman siya about sa pinuntahan nila na marami daw fafa kaya tawang tawa parin ako habang nag kwekwentuhan kami ay natigilan kami dahil sa katok.

"Mam, Nakahanda na po yung lunch" nakangiting sabi ni Yaya Emily. Bumaba naman kami nasa hagdan palang kami nang tignan ako nang mga pinsan at kuya ko.

"Pumayat ka lalo?" Sabi ni kuya Ice.

"Oo nga baby, Nag aalala kami sayo"Nakisali rin si kuya Ivan.

"Sila Mom?" Nagtataka kasi ako parang wala sila ngayon. Syempre para maiba yung topic.

"May business meeting sa ibang bansa, uuwi naman sila sa laro"

"Kain na daw tayo"sabi ko, pumunra naman sila sa Dining table. Habang kumakain ako ang mga kupal ay tumitingin saakin. Parang mga tanga.

"May problema kaba bunso?" Nauna na si kuya Ice mag tanong saakin. Ngumiti ako sa abot nang akin makakaya.

"Wala naman"

"Wala? Bakit parang stress na stress ka?" Sunod naman si kuya Justin.
Sasagot na sana si Alex nang pigilan ko.
Buti nalang dahil kung hindi patay ako ngayon.


"Siguro kinakabahan ka sa pageant no!" Pananakot saakin ni kuya Math.

"Hehehe Oo e" kahit hindi naman umoo na ako para maiba yung topic.

"Alam mo manalo o matalo ka ikaw talaga ang muse namin dito" nakangiting sabi ni kuya Ivan.

"At nga pala aalis ako" dugtong ni kuya Ivan.


First Love Never DieWhere stories live. Discover now