CHAPTER ONE: "Mr. Rude"

9.4K 189 29
                                    

CHAPTER ONE
Mr. Rude”


Traffic. Agawan at siksikan sa mga pampublikong sasakyan. Mainit na panahon. Teribleng sitwasyon.

Napahinto sa paglalakad si Rianell at tiningnan ang kanyang palad.

Ayun ba talaga ang nakatakdang mangyari sa buhay niya? Napakalupit naman yata ng tadhana sa kanya? Wala na ba siyang kawala sa mga tinakda nitong mangyari sa kanyang buhay?

Nagbuntung-hininga siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Hapon na. Malamang pauwi na ang kasabay niyang mga tao na puro kalalabas lang sa mga opisinang kanyang nadadaanan. E siya? May kailangan pa siyang puntahan. Mamaya pa siya maaaring makauwi para maipahinga ang katawang bugbog sa buong araw na paghahanap ng trabaho.

Sa kanyang paglalakad, onti-onting nababawasan ang mga taong kasabayan niya, hanggang sa tuluyan na siyang naging mag-isa. Patungo sa destinasyon niya, ang dinaanan niyang iyon ang malayong ruta. Kumbaga, puwede na sana niya ‘yong lakarin nang diretso mula sa binabaang bus terminal pero pinili niyang umikot muna. Araw-araw niya ‘yong ginagawa para kahit sandali, makalayo siya sa maraming tao, sa ingay, at sa hindi magandang pakiramdam na dulot ng mga ito.

“‘Yong totoo… Ano ba talagang kulang sa akin at hindi ako matanggap-tanggap sa mga pinag-a-apply-an ko?” inis niyang tanong sa sarili. “Well, okay. Wala pa akong work experience. Pero paano naman ako makakakuha ng experience kung wala ngang huma-hire sa akin?”

Huminto ulit siya sa paglalakad nang may bigla siyang mapagtanto. Mapili kasi siya sa trabaho. Kung hindi lang siya mapili, paniguradong hired na siya ngayon. Pero alam niya ang kanyang kapasidad e. Alangan namang mag-apply siya sa trabahong alam niyang hindi niya kakayanin physically at intellectually, ‘di ba?

“Kung bakit ba kasi kinulang ako sa physical strength at talino?” mapait niyang reklamo at muling naglakad patawid sa kabilang side ng kalsada. May sinipa pa siyang piraso ng bato na natapakan siya sa pagtawid.

Tahimik ang paligid, pero bigla itong nabahiran ng ingay ng busina ng isang sasakyan na biglaan at mabilis na lumiko sa kanyang direksyon.

Ilang hakbang na lang, makakaapak na si Rianell sa kabilang sidewalk. Pero dahil sa pagkabigla at takot, nagmadali siyang umiwas sa paparating na sasakyan. At sa kanyang pagmamadali, napatid siya sa gutter at nadapa.

“Aw,” napangiwi siya sa sakit na naramdaman niya sa kanyang mga tuhod. Naka-pencil cut skirt pa naman siya ngayon.

Kahit bahagyang nahirapan, pinilit ni Rianell na makatayo. Nakangiwi pa rin siya nang makakita ng gasgas sa pareho niyang tuhod.

Nakarinig siya ng pagsara ng pinto ng sasakyan. Nang lumingon siya sa kanyang likuran, nakita niya na huminto pala ‘yong sasakyan at bumaba ang lalaking driver nito. Ang haggard ng hitsura nito—mas haggard pa sa kanya na dumanas ng giyera sa pagsakay ng bus. Mukhang sa opisina pa ito nagtatrabaho base sa suot nitong long sleeve polo grey polo. Pero teka… Bakit ito nakakunot-noo sa kanya?

“Bakit ang tanga-tanga mo tumawid?” bulyaw nito sa kanya na kanyang ikinanganga. Buong akala pa naman niya hihingi ito ng pasensya sa nangyari! “Nagshu-shoot ka ba ng eksena sa isang drama o music video? O nag-e-emote? Bakit kailangan slow motion?!”

What the hell?

“Tsk!” inis nitong tiningnan ang kanyang mga tuhod at saka may binunot sa likurang bulsa ng suot na slacks. Pitaka.

Pera. Magbibigay siya ng pera. Siyempre ayun ang unang-unang iisipin ng lahat, ‘di ba? Nagtalo pa ang brain cells ni Rianell kung tatanggapin ang pera na ibibigay nito o papairalin niya ang kanyang pride. Aba’t mali naman kasi ang inakto nito kahit saang anggulo tingnan! Siya na nga ang kamuntikang masagasaan, nakatanggap pa siya ng hindi magagandang salita rito?!

FatedWhere stories live. Discover now