CHAPTER EIGHT: "No"

4.5K 157 22
                                    

CHAPTER EIGHT
“No”


Grateful, ayun ang eksaktong nararamdaman ni Rianell sa mga oras na iyon. Kasalukuyan siyang nakaupo sa tabi ng kanyang ina na mahimbing na natutulog, hawak ang kamay nito.

“God is great talaga,” sambit ni August na nakaupo sa kabilang side ng mama niya.

Natawa siya dahil hindi naman ganong tao si August. Hindi relihiyoso at hindi nagbabanggit ng kung anong may kinalaman sa pananampalataya. Kahit siya e. Pero sa pagkakataong ‘yon, ‘yong nararamdaman niyang matinding pasasalamat, para iyon sa Diyos na alam niyang patuloy silang ginagabayan sa kabila ng pagiging malupit minsan ng tadhana.

“Hindi nga lang great e,” paglilinaw niya. “He’s the greatest.”

Nagpalitan sila ng ngiti habang patuloy na nagpapasalamat sa Diyos sa loob-loob niya. Dahil apat na araw lang mula ng magkaroon na ng malay ang kanyang ina, naiuwi na niya ito sa kanilang tahanan—sa wakas. Wala naman na kasing nakitang anumang komplikasyon dito. Kailangan na lang nitong magpalakas dahil hindi biro ang mawalan ng malay sa loob ng tatlong buwan. At hindi pa tuluyang gumagaling ang natamo nitong head injury mula sa nangyaring hit-and-run kaya kailangan pa rin nitong mag-take ng ilang gamot.

CLIFFORD: Report as of 11:32am: Napanood ni Yujin ang sinusubaybayan niyang show sa Disney Channel. Nakapaghanda na rin ako ng lunch. Kakain na kami after mag-send ng text na ‘to. End of report.

Natawa si Rianell sa text na na-receive. Palagi na lang siyang natatawa sa ganong format ng text ni Clifford kahit araw-araw siyang nakaka-receive no’n magmula nang mag-leave siya sa trabaho niya rito.

RIANELL: Very good. Huwag kakalimutan na patulugin siya mamayang 1pm.

CLIFFORD: Yes, ma’am!

Natawa na naman siya.

“Tawa ka nang tawa?” pagpansin sa kanya ni August.

Binaba na ni Rianell ang smartphone niya at hinarap ang kaibigan. “Si Clifford kasi, mukhang sinasapian na naman.”

Pagod na ngumiti si August at nakonsensya naman siya. Kahit ba nagkukusa ito na tulungan silang mag-ina, nahihiya rin siya sa pag-aabala nito. Dahil doon, ginusto niya itong i-treat. Nagpaalam siya na bibili ng tanghalian nila—na pinilit niyang gawin sa kabila ng pag-ako roon ng binata.

Hindi kalayuan sa village nila, merong fast food chain. Ayun ang fast food na madalas nila kainan noon ni August kaya naman doon niya naisipang bumili ng tanghalian. Natagalan siya, pero worth it naman nung makauwi na siya at ihanda ang mga binili sa kanilang kainan.

“Ayos ha?” Ang lapad ng ngiti ni August nang ibigay ni Rianell ang binili niyang pagkain dito: kiddie box meal na may spaghetti at laruan na kasama.

“Naalala ko e. Kahit ga-graduate na tayo sa elementary, ganyan pa rin ang bininili mong meal. Nakaipon ka pa nga no’n ng maraming laruan galing sa kanila, ‘di ba?”

“Yep. Iniyakan ko nga ang mga ‘yon nang pilit na pinamigay ni Mama sa mga pinsan ko. Hindi raw kasi namin ‘yon madadala sa pag-alis.”

“Sayang naman…” ang laki ng panghihinayang ni Rianell. Ang mga laruang pinag-uusapan kasi nila, ayun ang saksi ng matagal na nilang pagkakaibigan.

“Nanghihinayang din ako no’n, pero ngayon, after so many years, naka-move on na ako sa wakas—salamat dito.” itinaas ni August ang laruang hawak na isang character stamp.

Natuwa naman si Rianell sa naging reaksyon ni August nang makain ang spaghetti na binili niya. Hindi pa rin daw nagbabago ang lasa nito. Masarap pa rin.

FatedWhere stories live. Discover now