CHAPTER SIX: "August"

4.4K 169 18
                                    

CHAPTER SIX
“August”


Maagang pumunta si Rianell kina Clifford. Mas maaga iyon kaysa sa usual na oras niyang pagpunta. Sa aga e wala pang gising doon sa mag-ama.

Dumiretso siya sa kusina at doon, nagluto at naghanda siya ng almusal para sa dalawa.

Habang hinihintay ang nilalagang itlog, napaisip nang malalim si Rianell—na naman. Parati na lang siyang natutulala at nag-iisip nang malalim nitong nakaraan matapos ng pag-aming ginawa ni Clifford tungkol sa pagkamatay ng asawa nito.

“Ako—ako ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko.”

Napakuyom ng mga kamay si Rianell sa alaalang iyon.

Pero bakit? Ano bang ginawa mo, Clifford? Bakit mo sinisisi ang sarili mo?

Gustung-gustong malaman ni Rianell ang eksaktong rason. Gusto niyang mas maintindihan ang katayuan ni Clifford. Pero paano? Kung matapos ng ginawa nitong pag-amin na iyon, hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye; at kung nung araw na iyon, pinagtulakan na siya nitong umalis para makadalaw na raw siya sa kanyang ina.

“Oh wow, the babysitter is here.”

Mabilis na nabalot ng negatibong aura ang pagkatao ni Rianell nang kanyang marinig ang boses na iyon. Ang aga-aga, pumunta ito roon para ano? Mangbadtrip? Maglandi?

Huminga nang malalim si Rianell bago umikot para harapin si Zienna. Walang gana sana niya itong babatiin, pero tila nayanig ang kanyang mundo nang makita ang porma nito sa mga oras na iyon. Magulo ang pagkakatali ng buhok nito, habang ang suot ay isang maluwag at malaking T-shirt—na alam niyang T-shirt ni Clifford. Nakalantad ang mapuputi nitong hita at binti. Kung may suot itong panloob—hell. Hindi na niya gustong malaman. At kung anuman ang dahilan kung bakit ito naroon nang ganon ang ayos—hell again. Mas lalong hindi niya gustong malaman!

Nakita niyang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Clifford at sunod na lumabas ang binata. Wow, perfect match ito at si Zienna. Dahil wala naman itong suot bukod sa pajamas.

Grabe. Nag-off lang ako kahapon, may naganap nang milagro rito.

“Uy, Rian,” namilog ang mga mata ni Clifford nang makita siya. “Ang aga mo ngayon?”

Hindi siya makasagot agad. Parang may bumara sa lalamunan niya.

“Cliff,” lumingkis si Zienna sa braso ng binata. “Sa labas tayo mag-breakfast.”

“Uh e, sasabayan ko ang anak ko na mag-almusal.”

“Just for now, let his babysitter eat with him.”

“Aalis ako,” ayun na ang mga salitang nagawang sambitin ni Rianell. “Aalis din ako agad kaya huwag na kayo lumabas. Clifford, kailangan ko ng off ngayon at bukas.”

Napakunot-noo ang binata. “Ngayon at bukas?”

“Oo. Ngayon at bukas. May kailangan akong tapusin sa bahay na commission painting. So please, sana hayaan mo akong makapag-off nang dalawa pang araw.”

“What kind of employee is that?” buwelta ni Zienna sa kanya. “Nagde-demand ka talaga ng off? Shouldn’t you follow the schedule you have agreed upon accepting this job? Ang kapal mo naman yata?”

“Zienna, stop.” iritableng sita ni Clifford sa nobya. “Matagal na naming hindi nasusunod ang sched na ‘yon. Plus, she has already done too many adjustments sa napagkasunduan namin dahil sa irregularities sa side ko. So she only deserves to get what she is asking right now.”

FatedWhere stories live. Discover now