CHAPTER FIVE: "His Fault"

4.2K 161 10
                                    

CHAPTER 5
“His Fault”


7:29pm

RIANELL: Clifford, nasaan ka na?

CLIFFORD: Sorry, mas gagabihin akong umuwi ngayon.

7:46pm

RIANELL: Puwede malaman kung anong time ka makakauwi?

8:12pm

CLIFFORD: Not sure. But please stay with Yujin until I get home.

8:13pm

RIANELL: Hindi ko talaga siya iiwan ‘no unless na kasama ka na niya.

8:31pm

CLIFFORD: Thank you...

“Hay!” humilata si Rianell sa mahabang sofa nang matanggap ang reply na iyon mula kay Clifford.

Marami pa sana siyang gustong itanong, gaya ng: Ano bang ginagawa mo? Sinong kasama mo? Si Zienna ba? Inuuna mo na naman ang babaeng ‘yan kaysa sa anak mo? Kaya lang alam niya na out-of-border questions na iyon kaya siyempre, hindi na siya nagtanong pa.

Magda-dalawang buwan nang nagtatrabaho si Rianell para sa anak ni Clifford. At ayun ang unang pagkakataon na inabutan ng ganon kagabi ang binata sa labas.

Dahil walang magawa at tulog naman na si Yujin, nag-monitor na lang siya ng oras.

9:00pm

9:47pm

10:12pm

11:00pm

Nilalabanan na lang ni Rianell ang antok na nararamdaman. Ayaw niya kasing maabutan siya ni Clifford na tulog. Kaso… antok na talaga siya. Hinding-hindi kasi siya sanay na magpuyat.

Nakatulog nga siya, pero hanggang panaginip, ginagambala siya ni Clifford. Tanaw raw niya ito sa malayo at siya naman, sigaw nang sigaw.

“Hoy! May balak ka pa bang umuwi ha?!”

“Nakalimutan mo na naman ba na may anak ka na dapat uwian nang maaga?!”

“Bakit mo ba nagustuhan ang Zienna ‘yan? Maganda at sexy nga, ang pangit naman ng ugali!”

“OMG.” bigla siyang napabangon at nagising dahil narinig niyang bumukas ang front door. Nang tingnan niya ang pinto, si Clifford na ang dumating.

Chineck niya ang oras sa kanyang smartphone. 1:02am na pala!

“Grabe, Clifford?” tumayo siya at nilapitan ang binata. “Bakit ka inabutan ng ganitong—ano ba ‘yan!”

Napatakip siya ng ilong. Ang lakas kasi ng amoy ng alak galing kay Clifford!

“Uy, Rianell, nandito ka pa?” nakangiti nitong tanong. Halata sa mukha at mga mata nito ang pagka-lango sa alak.

“Nag-drive ka nang lasing ka?” halos tumaas ang boses niya sa tanong na iyon. Sa estado kasi ngayon ng binata, napakalayong makapag-drive ito nang maayos. At ang isipin pa lang ang bagay na iyon, natakot na siya sa kung anong maaaring nangyari na hindi maganda.

“Drive? No! ‘Yong driver. Ayun! Siya ang nag-drive!”

Napataas ng isang kilay si Rianell. “Sinong driver?”

“‘Yong driver! Nagmamaneho ng taxi.”

Nakahinga siya nang maluwag. Ang labo man kausap ni Clifford ngayon, pero sa tingin niya ay nakauwi ito sakay ang taxi.

FatedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz