CHAPTER SEVEN: "To Be Missed"

4.1K 162 5
                                    

CHAPTER SEVEN
“To Be Missed”


Hapon, kagigising lang ni Yujin mula sa pagtulog, nang yayain ito ni Rianell na mag-drawing activity sa may coffee table sa salas.

"Ang galing naman, Yujin.” compliment niya sa bata nang matapos ito sa dinodrawing na… Uhm. “Ano ba ‘tong ni-draw mo?”

“Monkey!”

OMG. Monkey. Saan banda ito naging unggoy?

Hindi mawari ng isipan ni Rianell ang drawing ni Yujin. Monkey raw, pero bilog at tuldok lang naman ang nakikita niya roon sa papel na ginuhitan nito.

“Wow, Monkey nga. He-he,” pakikisabay na lang niya sa inaakala ni Yujin. “Pero ito oh,” pinatong niya sa tapat ng bata ang gamit niyang eraser na may design na unggoy. “Cute monkey ‘no? Try no siya i-drawing.”

Mula sa eraser, tiningala siya ni Yujin. “Ate Yiyan, ikaw anong drawing?”

“H-huh?” na-tense siya sa tinanong nito. “Uh e—t-teka!”

Mas na-tense siya nang biglang tumayo si Yujin at lumapit sa kanya para silipin ang ginuguhit niya. Madali niya namang naibaligtad ang papel para wala itong makita. Napakurap na lang doon ang bata.

“Monkey rin dino-drawing ko,” sabi niya kay Yujin. “Kaso ang pangit e. Uulitin ko na lang tapos ipapakita ko sa ‘yo, ha?”

Ngumiti at tumango ang bata bago bumalik upo sa pinuwestuhan kanina.

Nakahinga nang maluwag si Rianell. Buti na lang hindi makulit na bata si Yujin. Naging abala na ulit ito sa sariling pagguhit.

Monkey pala ha, Rianell?

Dahan-dahan niyang binaligtad ulit ang papel at tinitigan ang kanyang naguhit kanina. Sketch iyon ni Clifford— ‘yong Clifford na bagong ligo at walang suot na ano bukod sa tuwalyang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan.

Ang guwapo namang unggoy nito?

Pero bakit ganitong Clifford pa dinorawing mo?!

Nakaramdam siya ng pag-init sa kanyang pisngi, at awtomatikong kumilos ang kanyang mga kamay para punutin ang nakakahiya niyang ginuhit. Pero napatigil din siya bago pa niya ito nasimulang punutin. Sayang naman e…

Tinitigan niya ang naguhit niyang mukha ni Clifford. Ang nakabagsak nitong buhok, ang mga mata nitong sa kanya rin nakatingin—mga matang masarap sana titigan sa personal kung hindi lang nakakahiya.

Pinatong niya ulit ‘yong papel sa mesa, ‘yong harapan ay nakatago pa rin para hindi makita ni Yujin. Itatabi na lang niya ‘yon para sa sarili niya.

Gamit ang ibang bond paper, nagsimula si Rianell na gumuhit ng panibago—at ang subject niya ngayon ay ang cute na batang nasa kanyang tapat.

Sinabi niya kay Yujin na ito ang iguguhit niya kaya pinag-pose niya ito ng isang beses sa puwesto nito. Tinandaan niya ang bawat guhit, kurba, at shade na kailangan niyang gawin. Hindi na niya ito ginulo pa pagkatapos at ginuhit na ang mga detalyeng kanyang natandaan.

Nasa pagguhit ang buo niyang atensyon. Ayaw niyang may malimutan siya kahit na maliit na detalye sa natandaan niyang pose ni Yujin kanina. Nasira nga lang ang konsentrasyon niya nang biglang tumunog at mag-vibrate ang smartphone niyang nasa gitna ng coffee table.

May tumatawag. Si August iyon. Kinabahan siya roon dahil si August ang nagbabantay ngayon sa kanyang ina. Nag-boluntaryo ito na gawin iyon habang abala siya sa pagtatrabaho. At ano naman kaya ang dahilan kaya ito napatawag? Masamang bagay ang naiisip niya.

FatedWhere stories live. Discover now